"Saan ka galing, Ms.?" tanong ni Ethan. Tila tatalon ang puso ko sa gulat ng makita ko si Ethan pagbukas ko ng pintuan.
He look at me from head to toe. Buti nalang ay binilhan ako ni Yohan ang ng bagong damit na same style ng suot ko, I make sure na maayos ako makakauwi dahil nandito si Ethan sa condo ko.
Bumuga ako ng hangin at niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry, pumunta ako sa bar without you."
Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya ng maramdaman ko ang pilit na paglayo niya sa'kin. "Sorry na, tan!"
"I told you, if you want to come, tell me. I can be your bodyguard, Sofia. Maraming gago du'n and they will take advantage of you."
Yes. Sana nga sinama kita. Edi sana virgin pa ako ngayon. "Yes, Ethan. I'll never do it again."
Huminga siya ng malalim at niyakap ako pabalik. Ramdam ko ang pag-tap niya sa likod ko. "You're important to me, Sofia." Bulong niya. Hinigpitan niya ang yakap sa'kin. "Ayoko na may gagawa ng Hindi mo ikakagusto sayo."
"Opo" malambing kong sabi. "I'm sorry again, tan. Kapag iinom po ako ulit, I'll make sure na Kasama ka na and itatali ka sa bewang ko."
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Napangiwi ako ng kurutin niya ang pisnge ko. Rinig ko ang pagtawa niya dahil sa expression na ginawa ko. Gusto niya talaga na nasasaktan ako.
"My parents want to see you." mahinang saad niya.
"Let's go." anyaya ko sa kanya. "I also wanted to see your parents, Tan. Bakit ganun ang boses mo? Ayaw mo ba?" pagpapatuloy ko.
Sunod- sunod ang kanyang pag-iling. "it's not like that, Sofia." he's face suddenly change. "May nagawa lang ako na kasalanan sa'yo. Sa tingin ko ay 'yon ang dahilan kung bakit gusto ka makita ng parents ko."
"What do you mean?" takang tanong ko.
Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin. "I told them that we're thinking about marriage."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napapikit ako ng mariin at inuntog ang ulo ko sa balikat niya. "Why did you do that?" tanong ko. Pinisil ko ang pisnge niya sa sobrang gigil. "That's your parents, Ethan. Gusto mo ba na lumayo ang loob sa'kin ni Tita Hanna?"
"Hindi magagalit sa'yo si Mommy, Sofia. Actually, nung sinabi ko 'yon sa kanila ay tuwang-tuwa siya kasi alam niyang nasa mabuti akong kamay. Ang problema nga lang ay nag-aaral pa tayo kaya medyo mahigpit pa si Mommy."
"Anong reaction nila Kiera?"
Inangat niya ang ulo ko. He smiled at me. "Masaya sila ni Cyrus."
Sunod-sunod ang pagtango ko. Ang mahalaga ay support sila kung sakali na ikakasal kami ni Ethan. Akala ko ay hindi papayag sila Tita Hanna dahil yung expression niya lalo na kapag binibiro namin siya ni Ethan.
Wait-- ikakasal kami ni Ethan?
Bahagya akong lumayo sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat habang pinagmamasdan ako. Agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko siya kayang tignan sa mata.
I'm... Hindi ko alam kung karapat-dapat ba ako para sa kanya. Sa tabi niya. I already lost my virginity, sa kuya pa niya.
Sa taong sumira ng Buhay niya.
"Why, babe?"
"Wa- wala..." Binalik ko ang tingin sa kanya, I smiled at him. "I'm so lucky to have you, Ethan."
He chuckles. "Anong arte 'yan?" Pagbibiro niya sa'kin. He pinched my cheeks. "Alam kong may ginawa kang masama, babe. Wag mo na akong bulahin dahil okay naman na."
BINABASA MO ANG
Martinez Clan #1: Making Her Mine (Under Editing)
RomanceMartinez Clan: Yohan Martinez ✅Warning: R-18 ****** Sofia Lacsamana didn't feel the Love of Yohan Martinez. Simula nung bata pa siya ay pinapangarap na niya si Yohan. But Yohan didn't feel the same way. Iniwan ni Yohan si Sofia ng walang paalam para...
