Chapter 14

2.4K 62 8
                                    

Napabuga ako ng hangin habang pinapanood ang iba't ibang candidates na nagbibitaw ng matatamis nilang salita. Tita invited me here para suportahan si Yohan sa kampanya niya.

Hanggang ngayon ay ako parin ang iniimbitahan. Pagkatapos ng araw na 'yon ay iniiwasan ko si Yohan kaso ngayon naman ay si Tita nanaman ang dahilan kung bakit ako nandito.

Wala si Judy at Ethan.

Ethan is busy with his double degree while Judy, Ang alam ko ay pumunta siya sa U.S para ayusin ang papel niya. May kulang kasi siyang documents na kailangan i-pasa.

I'm quite nervous at the same time happy because mangyayari na yung gustong mangyari ni Yohan. Nandito na siya ngayon, asking for their votes and support.

He look so cool while wearing his campaign shirt. Mas okay sana tignan kung nandiyan si Judy.

Napahinto ako ng tingin ng makita ang prisensya ni Apollo. He's wearing a black t-shirt, black jeans and white shoes. Nasa likod niya ang mga body guards niya.

Nakasuot ito ng uniform nila at shades. May something din sa tenga nila na parang earphones? Huminto ito sa tapat nila tito at tita.

Bahagya itong yumuko. Pag angat nito ng ulo ay may kakaibang ngiti itong suot. " Magandang umaga, Mr and Mrs. Martinez"

" Magandang umga,Iho. Mukang patagal ng patagal ay mas mas lalo kang gumagwapo. " Pambobola ni Tita.

"Hindi naman po, Mrs. Martinez " ani nito na may halong ngisi. Pagkatama ng mata naming dalawa ay bahagyang lumaki ang ngisi nito na ikinataas ng kilay ko.

"You're here, Sofia "gulat nitong saad na parang hindi makapaniwala.

Tumango tango naman ako. Nginitian niya ako ng matamis bago niya nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Papanoorin mo ba kung paano ko papahiyain si Yohan sa maraming tao?" Bulong niya sa akin.

Ngumisi naman ako at tumingin sa gawi ni Yohan. Matalim ang tingin nito sa likod ni Apollo.

"Do whatever you want, Apollo " bulong ko sa kanya. " Kahit anong mangyari, Si Yohan parin ang pipiliin ng mga tao.." Pagpapatuloy ko.

Lumayo si Apollo at tinignan ako ng masama. "Paano mo nasabi?" May halong inis na tanong niyan "Hindi nga pumupunta 'yan sa mga baryo, anak kasi ng mayaman. Hindi siya Kilala ng mga tao." Sabi niya bago ako tinalikuran.

Nawala ang ngisi ko at nag-iwas ng tingin. Apollo is the sweeties person that I know. It's all because of her. The first person who turns him into a monster.

PALAKPAKAN ng mga tao ang namayani sa loob ng gymnasium. Yumuko si Apollo at Yohan sa harapan ng maraming tao.

"Maraming salamat po sa pagpunta, mga kababayan. Dito na po nagtatapos ang debate " ani ng host at bumaba na sa intablado.

Napabuga ako ng hangin ng makita ko kung gaano kalaki ang ngisi ni Apollo. He won in this round.

I don't know kung ano ang nangyari sa kay Yohan at wala siya sa sarili niya. Lutang ito buong oras. This is not him.

"Ano ba ang nangyari kay Yohan? Wala ata sa wisyo " Tanong ni Tita kay Tito.

Nawala ang tingin ko Apollo ng may naradaman akong pumulupot sa bewang ko.

"Anak, anong nangyari? " Tanong ni Tita kay Yohan. Mas lalong humigpit ang pagkakapulupot ni Yohan sa bewang ko na ikinangiwi ko. Problema nito?

Pilit kong inalis ang kamay niya sa bewang ko, baka magkaroon pa ng issue kapag nakita ng mga tao.

People know na ikakasal siya kay Judy, labas ko pa nito ay kabit.

"Masama lang po ang pakiramdam ko, Mom." sagot niya na may halong diin.

Martinez Clan #1: Making Her Mine (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon