Chapter 3

907 17 0
                                    

"Bakit hindi mo naman pinansin 'yung babae?" Takang tanong ko.

Nanliit ang mata niya. "That time I think I'm in a happy relationship. Malamang di ko siya papansinin."

Sabagay. Kung ako ang sinabihan baka sinabunutan ko pa. Pero at least diba, magkakaroon ka ng agam-agam.

"Kung highschool pa nangyari 'yon. It means na highschool pa ang affair nila!?" I almost shout of anger. Ano 'yon!?

Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kutsara. "Graduating na tayo ng highschool nung nalaman natin 'yon diba? Baka nga ganun na katagal."

Napasandal ako sa upuan sa sobrang sama ng loob ko. Nawalan ako ng gana kumain. Anong pakiramdam ng mga tao na naglalaro ng feelings ng iba?

"Hey, we're eating bulalo!" Pagpapaalala niya sa'kin. Baka itakbo ako sa hospital ng wala sa oras sa sama ng loob plus sa bulalo na kinakain ko.

Huminga ako ng malalim para kumalma ng konti. Sayang yung pagkain. Kailangan kong ubusin.

"How's your parents?" Tanong niya.

Mas lalo kong pinikit ang mata ko. "Since that incident happened, itrato ako ng magulang ko ay parang bride na iniwan ng groom sa altar. Sa mata niya ay kahihiyan ako." natawa ako ng mapait habang inaalala yung mga sinasabi nila sa'kin.

"Your parents is worst." Walang gana niyang saad.

Tumawa lang ako at tinuloy ang pagkain sa bulalo. "I miss your mom's cake." Pag-iiba ko ng topic.

"I miss it too."

"Shall we go to your house after this?"

Kumunot ang noo niya. "My house?" He asked.

"Sa mansion niyo."

"No."

Huminga ako ng malalim. "Just imagine, you have a same parents as mine, Ethan. Compare how lucky you are."

Sandali siyang huminto sa pagkain. Bumuga siya ng hangin at tumango. "Fine." Pagsuko niya.

NAPAPIKIT ako ng mariin habang kinakain ang homemade cake ni Tita Hanna. She keep on crying habang niyayakap si Ethan habang si Tito Ian naman ay hinahaplos ang likod ng anak.

I'm a little bit jealous because he's lucky to have a parents like them. They are loving, caring and supportive parents.

How I wish na magkaroon ng magulang na kagaya nila.

"I already told them that girl is a witch." Bulong ni Kiera sa'kin puno ng gigil ang boses niya. "They just didn't listen to me."

Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "Paano mo nasabi?"

She cleared her throat kaya napatingin sa kanya ang kuya at magulang niya. "I saw that Judy witch at the bar, making out with someone."

Tila naging dragon si Tita Hanna habang pinagmamasdan si Kiera. "What are doing at the bar?"

Napakamot ng batok si Kiera. "Some girl approach me, Sabi niya Hindi naniniwala sa kanya si Kuya Ethan kaya sinama niya ako to see the proof."

"Don't go there again, Kiera." Mariin na utos ni Tito Ian.

"Yes, daddy."

"How did you know the word making out, woman!?" Singhal ni Cyrus.

Umiwas ng tingin si Kiera at yumuko. "I- I saw it in a movie." Sagot nito habang nilalaro ang kuko sa kamay.

"For freaking sake, Kiera! Grade Seven ka palang!" Gigil na saad ni Cyrus.

Pinitik ni Ethan ang tenga ni Cyrus. "Don't shout at her, she's a woman, Cyrus." Pagsuway niya sa Kapatid. "I know you're two years older than Kiera but don't shout at her."

Martinez Clan #1: Making Her Mine (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon