Chapter 17

2.4K 54 2
                                        

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakakulong sa kwarto ko. Pilit na bumabalik lahat ng nangyari sa bahay ng mga Martinez.

It's been a years, tatlong taon na rin ang nagdaan na hindi kami pumupunta sa bahay nila Ethan dahil sa nangyari.

Nakakahiya kila tita, mukang aabot pa ang issue sa kanila na hindi naman dapat. Pero wala akong magagawa dahil bahay niya iyon at mga anak niya ang involve.

Nung makauwi kami nung gabi na 'yon ay pinag-usapan namin ni Ethan ang lahat ng nangyari. I told him what happened from the start.

He didn't say anything. Nakatingin lang siya sa'kin habang nakikinig ng mabuti pero kahit hindi niya sabihin ay alam kong disappointed siya sa'kin.

Hindi ko naman siya masisisi. Naging marupok ako na nilalang at sa kuya niya pa talaga na walang ibang ginawa kundi saktan at pahirapan ako ng paulit-ulit.

Kahit ako din ay nararamdaman ko 'yon pero tao lang naman din ako. Mas nangingibabaw ang emotional more than my brain.

Isang taon ko na ring hindi nakikita ang muka ni Yohan sa personal. Mukang mabuti na rin 'yon para sa peace of mind ko.

He's busy.

Iniiwasan ko na rin si Judy sa loob ng campus, although nagpaparinig parin siya minsan kapag nagtatagpo kami sa iisang lugar.

Ang bilis lang ng panahon dahil ngayon ay Graduating na kami ng Business Administration while Ethan needs to stay for his medicine course.

We work hard for the past three years. Nanalo si Yohan for his campaign, magta- tatlong taon na siyang naka-upo sa trono niya.

Ethan said he's planning to run again for the next campaign.

"Sofia" napa-upo ako ng marinig ko ang boses ni Ethan.

Nagkalingon ko sa pinto ay nakita kong nakasilip ang ulo niya sa'kin. Halata sa muka niya na nag-aalala na siya sa'kin.

"Stop wasting your time here." he said.

I nod. "Opo, I just want to rest"

Mas lalo pa niyang binuksan ang pintuan. "Over na yung rest mo, Sofia." huminga siya ng malalim at lumapit sa'kin. "We have a practice for our graduation but you didn't attend"

I smiled. Nang umupo siya sa tabi ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry, boss." I whispered. "Thesis lang naman 'yon, Ethan. Hindi naman graduation walk. Ang overacting mo magsabi" natatawang sabi ko.

Naghahanda kaming dalawa for our thesis defense. Nagplanuhan kasi namin na kami nalang ang mag partner since kaya naman namin na kami lang dalawa.

"But still" nakanguso nitong sabi. "baba lang ako sandali, cooking for our breakfast"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman mahilig magluto si Ethan but why he's cooking right now?

May maganda bang nangyari?

"Why?"

He smiled. " Nothing."

Tumango naman ako sa sagot niya. Kung ano man ang nangyayari sa kanya, I think it's a good news.

"Okay, mauna ka na po sa baba at susunod na ako." sabi ko kay Ethan.

Tumango lang siya at nagmamadali nang lumabas sa kuwarto ko. Napangiti naman ako.

Nandiyan lang talaga siya parati sa tabi ko. I keep on ignoring him pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan hanggang sa nagsasawa na ako umiwas

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang banyo para maligo. Kailangan ko muna tapusin ang mga bagay na kailangan tapusin bago ulit mag inarte.

Martinez Clan #1: Making Her Mine (Under Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon