Chapter 5

3.2K 90 2
                                        

Nakatingin ako sa mansion nila Ethan. Matagal na rin simula nung huling punta ko rito. Napatingin ako kay Ethan ng bumaba siya sa kotse, inayos niya ang t-shirt niya at humarap sa'kin

"Pogi na ba?" He asked.

Tumawa ako at tumango. "Always, Ethan."

Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko papasok sa mansion nila. Sumalubong sa'min ang mga maid nila, Bumati kami ni Ethan bago dumiretso sa Dining Area.

Pagkapos namin ng dining ay binitawan ko ang kamay niya. Nakita ko si tita na naghahanda ng kakainin namin.

Dumiretso ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisnge. "Welcome home, tita."

She smiled at me. "Welcome home, Sofia." Napabaling ang tingin niya kay Ethan. "Baby!" She excitedly jump into him.

Halos taon na rin kasi ang huling uwi niya. Kung gaano siya katagal sa condo ko, ganun din katagal ang huling uwi niya.

"Mommy, nakakahiya kay Sofia."

Tila nagtampo namin si Tita Hanna. She pouted and look at me. "He didn't love me anymore, Sofia." Sumbong ni tita Hanna.

"Ethan.." pagbabanta ko sa kanya.

"Okay fine, Kiss me again, Mommy." Parang nanalo si tita Hanna. She jumped into him again and kissed his checks.

"Hi, sister-in-law!" Paglingon ko ay nakita ko si Kiera na Kasama si Cyrus.

Lumapit sila sa'kin at bineso ako. "Nasaan si Tito Ian?" Takang tanong ko.

"Kausap si Kuya Yohan sa Office Room." Sagot ni Cyrus.

Tumango ako at binaling ulit ang tingin kay tita. Tita called us dahil may munting welcome party daw para sa panganay niya. Ethan didn't want to go but pinilit ko siya para na rin sa parents niya.

"That witch will come." Bulong sa'kin ni Kiera. Napadaing siya ng pitikin ni Cyrus ang tenga niya.

"She's still older than you, Kiera. Learn how to respect." Suway sa kanya.

Kiera rolled her eyes. "I'll respect those people who deserve to be respected, not because they're older than me."

Bumuga ng hangin si Cyrus at lumapit sa mommy niya. "Kiss me too, mommy." Sabi niya na tila nagtatampo.

Agad naman lumapit sa kanya si tita at inulanan siya ng halik. Tila nakawala sa hawla si Ethan at agad na lumapit sa'kin.

Natawa ako ng makita na puno ng lipstick stain ang muka niya. Tita Hanna kiss him hard.

Kinuha ko ang wet wipes ko at pinunasan ang muka ni Ethan. Nakahawak siya sa bewang ko habang pinupunasan ko ang muka niya.

"Ganyan din kami ng asawa ko nung kinasal na kami."

Napabalikwas ako sa gulat, paglingon ko ay si Tito Ian, Nasa likod niya si Yohan at Judy. Tinigil ko ang pagpupunas kay Ethan at lumapit sa kanya.

"Good afternoon po, Tito." Bati ko at bineso siya.

"Good afternoon." Bati niya pabalik. He look at his son, kaya agad na lumapit si Ethan para bumati.

"Your mom did that?" Tito Ian asked.

Tumango si Ethan. "She didn't let me go." Sumbong ni Ethan.

He chuckles. "Let's eat, everyone." Saad ni Tito Ian. Agad kami tumungo sa dining para umupo.

Pagkababa ng pagkain namin ay agad na nilagyan ni Ethan ang plato ko ng pagkain, pagkatingin ko sa kanila ay nakatingin pala sila sa'min.

Pasimple kong kinalabit si Ethan. He looked at me kaya binigyan ko siya ng sign na tumingin sa kanila. Pagkatingin niya ay dahan-dahan niyang binaba ang serving spoon.

Martinez Clan #1: Making Her Mine (Under Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon