Chapter 4

21 0 0
                                    

Chapter 4

“Hoy Chris! May game tayo ulet mamaya a. Sa mga 2nd year naman.” Sabi ni Mike sa akin sa library. Nagyaya ulit ng dota, nanalo kasi kami dun sa mga freshmen kaya nagsumbong sa mga kuya nilang weak rin. And freaking yea, nasa library ako. Kahit wala naman sa itsura ko e, mahilig din ako magbasa at ang favourite ko ngang basahin ay ung National Geographic. Nakakatuwa kasi ung mga picture nila e.

“Ayoko, busy ako.” Sagot ko habang nagbabasa ng fave book ko.

“Sus! May date ka lang dun sa mukhang Vietnamese mong girlfriend.” tinignan ko sya ng masama at pinukpok ko ung binabasa ko sa kanya.

”Aray ko ang sakit nyan a.” Reklamo nya habang kinakamot nya ung ulo nya.

“E gagu ka e. Binibigyan mo kami ng malisya ni Tampupu.” Nakairap kong sabi sa kanya.

At dumating naman si Kit sa lugar namin at naupo sa harap ko.

“Yayain mo nga to Kit. Ayaw sumama e. May date daw sila nang girlfriend nyang Vietnamese.” Gagu talaga itong si Mike. Di nadala sa pukpok ko.

”Wag ako pre. Kay Philip mo payaya pre at sigurado akong di papalag yan.” Nakangising sabi ni Kit.

“Mga fvck u kayo sa earth ako tantanan nyo. Kapag sinabi kong ayoko, A-YO-KO.” Naniningkit na mata kong sabi sa kanila. At tumayo na ako para makalayas na. Di ko na din kasi maenjoy ung pagbabasa ko ng libro dahil sa mga asungot na ito e.

“Tignan mo pre, mamaya sasama din yan nagiinarte lang yan dahil hindi si Philip ung nag-aaya.” Bulong ni Kit kay Mike.

“Gagu tomboy yan. Obvious naman e. May gf pa nga yang mukhang Vietnamese.” Pabulong ding sabi ni Mike.

Mga gagu talagang ito, akala nila di ko maririnig. Ibabalik ko na sana ung fave book ko sa shelf nito ng may maisip ako. Bumalik ulit ako sa kanila habang dala ko ulit ung libro. Lingon sa kanan, wala. Lingon sa kaliwa, wala. Lingon sa harap, wala at lingon sa likod, wala. All clear. BWAHAHAHAHAH humanda kayo sa akin mga gagu kayo.

“O bumalik ka? Sama ka na mamaya?” tanung sa akin ni Mike habang si Kit nakatingin lang. Nakaupo kasi sila  habang ako nakatayo sa harap nila.

Nakangisi lang akong nakatingin sa kanila at inangat ko ung dalawa kong kamay na may hawak sa ere at kabuugggg!! Pinukpok ko sila ng favourite kong book sa ulo nila sabay takbo palabas sa library. Buti na lang at malapit lang sa pwesto namin ung labasan at nag-aayos ung librarian ng mga libro sa likod.

“Ay pu---------“ sabi ni Kit. Di ko na narinig ung kadugtung nyan at ung mura ni Mike dahil tumakbo na ako palabas ng library. WAHAHAHAHA! Ang bad ko noh? E sa mga gagu sila e at sila ung nauna. Alam ko namang di ung mga un gaganti sa akin dahil mababait naman sila, mga gagu nga lang to the nth power.

Makakain na nga lang. Nagutom ako sa dalawang asungot na un a.

Pumunta akong canteen at pagkapasok ko ang daming tao. Mukhang marami akong kasabay ng lunch break a. 12:30 pm na kasi. Makapila na nga muna sa bilihan.

So ayun nga, almost 20 mins. akong nakapila sa bilihan ng food. Burger steak, 3 chicken nuggets, tocino at 1 and a half rice ung order ko. Dami noh? E sa ganito ako kumanin e ano magagawa ko?

At poteyck! Wala akong makitang bakante. Kanina pa ako nakatayo. At un, may namataan akong nag-iisa dun sa table sa may bandang dulo. Makikishare na lang ako. Wala naman sigurong kasama ung lalakeng un e.

“Kuya, pwedeng pa-share ng table?”sabi ko sabay kalabit kay kuya. Nakatakalikod kasi sya sa akin e. At ng lumingon sya...HUWATDAFVCK! Si Philip pala to. Kapag minamalas ka nga naman o. Nakatakas nga ako sa dalawang asungot sa library, nakatagpo ko naman itong isang to o.

Hindi Ako Tomboy, Abnormal Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon