Chapter 9
Ang boring dito sa bahay, wala akong magawa. Magbasag kaya ako ng mga pinggan para pumayag si ina mudra na lumipat ako ng school? Hindi pwede, mas lalo akong hindi papayagan nun.
Nasabi ko na kasi sa nanay ko na gusto kong lumipat ng school. Kaso sinigawan lang ako. Kung kelan graduating na raw ako, dun ko pa naisip na lumipat ng school. Nagdrama na nga ako sa harap ni inay, kaso di umepek!
Kaya ang nangyari, di muna ako pinapasok ni inay para makapag-isip isip daw ako at makapagpahinga. Stress lang daw itong pagdradrama ko kasi graduating na daw ako. Maganda din ito, para makaiwas muna kay Philip. Di ko pa din kasi kayang makita sya. Bumibilis pa din yung tibok ng puso kapag naalala ko yung nangyari sa amin nung isang araw.
Tinext ko na si Tampupu at sinabing masama pakiramdam ko. Para masabi sa mga prof namin. Nireply ba naman sa akin ‘Yung totoo?’ Badtrip to. Di ko nga nireplyan.
Hapon na at napatingin ako sa wall clock sa sala. Uwian na pala namin kung sakaling pumasok ako. Nanunuod kasi ako ng Samurai X yung movie. Nagmu-movie marathon ako nito hanggang part 3 dito sa sala. Mas malaki kasi yung t.v dito kesa sa kwarto at para na rin malapit-lapit sa kusina. Di na ako mag-aakyat baba ng food.
Busy ako sa panunuod ng marinig ko ang door bell. Bwisit! Sino kaya itong asungot na to? Hindi naman pwede si Inay at si Itay dahil mamaya pang gabi uwi ng mga yun. Mas lalo namang di pwedeng yung kapatid ko, dahil wala naman talaga akong kapatid. Nag-iisang anak naman kasi ako. Or baka may kapatid ako sa labas?! At nasa labas sya ngayon para sabihin na magkapatid kami!OH MY GII! Sino kaya ang nagtaksil si Inay o si Itay? At shiyete! Natutulad na ako kay Tampupu na nagiging O.A sa pag-iisip .
Tumayo na ako para pagbuksan yung asungot na nanggugulo sa tahimik kong buhay simula kaninang umaga. Bakit parang bumubilis na naman yung heart beat ko? Ang weird na a. Kahit wala si Philip, may abnormalities pa rin sa beat ng puso ko. May sakit na siguro ako sa puso.
Pagbukas ko ng pinto, sinisilip ko kung sino yung nagdo-door bell. Kaso di ko makita. Mataas kasi yung gate namin at hanggang bunbunan lang ang natatanaw ko. No choice. Kailangan ko na talaga syang pagbuksan ng gate.
Pero habang papalapit ako ng papalapit sa gate, lalong lumalakas yung tibok ng puso ko. Lalabas na yata sa chest ko. Napatingin muna ako sa paa ko. Wala kasi akong suot na tsinelas e. Naka-white tshirt lang akong medyo loose na yung sa may kwelyo na v-neck ang style, at naka-green short naman ako na hanggang hita lang at may print na puro bulaklak. At yung buhok ay naka-head band na tela at nakaponytail. At ang hininga, ammmm... okay mayang gabi magtu-tooth brush ako. Pambahay na pambahay lang ang peg ko. Pero okay lang, titignan ko lang naman kung sino yung tao. Baka nagpadeliver pala sila inay at itay ng pizza para sa akin dahil nag-aalala silang wala akong makain at magka-ulcer ako. In your dreams, sabi ng utak ko. Epal mo mind.
Pagbukas ko ng gate, bigla akong naengkanto.
---------------------------------