Saturday ngayon at wala akong pasok.
Nasa kwarto lang ako at nakahiga sa kama habang tinitignan yung dalawang butiki na nag-sesex sa kisame. Dejoke. May iniisip lang ako kaya nakatingin ako sa kisame.
Iniisip ko pa rin yung nangyari sa akin kahapon habang kasama ko si Philip. Bakit kaya nagka-ganun yung heart beat ko kahapon? Alam kong abnormal ako pero di ko akalain pati puso nagiging abnormal din ang tibok. Ampupu naman.
Speaking of Ampupu, matawagan nga si Tampupu. Kinuha ko yung phone ko sa may side table ng kama ko.
Tampupu dialing. . .
“Hello! Good Afternoon Mabuhay! What can I do for you, Ms. Christine Mae dela Cruz?” bungad sa akin ni Tampupu.
“Mag-bigti ka!” sagot ko.
“Grabe lang te! Ikaw ang tatawag-tawag sa akin tapos ikaw pa ang may ganang sumigaw! Grabe lang ha.”-Tampupu
“E ikaw e.”- Ako
“Ano nga kasi ang kailangan mo?”- Tampupu
“Porket ba napatawag ako sa iyo ibig sabihin may kailangan na agad ako sayo?”- Ako
“Alangan namang namiss mo ako kaya ka napatawag?”- Tampupu
Natawa ako.
“Oo namiss kita pati ung pepe mo. Hahahaha.”- Ako
“LOL. Umiral na naman kamanyakan mo. Bakit ka nga kasi napatawag? Bilisan mo at may date pa kami ni Baby J!”- Tampupu
“Nagkita na kayo kahapon diba?’- Ako
“E namiss ko na ulit sya e.”- Malanding Tampupu
“O.A lang te?”- irritadong ako.
“Tumawag ka ba para okrayin ako? Ibaba ko nato.”- Amazonang Tampupu
“Hindi na.”- Ako
“Bakit nga kasi?”- Tampupu
“May itatanong lang sana ako.”
“Na ano? Kung okay lang ba sa akinang malalaman ko tungkol sayo? Na tomboy ka? Itatanong mo kung iiwasan ba kita o magagalit ako sayo kasi inilihim mo yung gender mo sa akin? Na nagsinungaling ka sa akin kasi sabi mo babae ka at tomboy ka talaga? Na may malisya lahat ng pahawak hawak mo sa akin atsa ibang babae? Na---“- Imaginative na Tampupu
“Hep hep hep. Ang O.A mo.” awat ko sa kanya.
“E ikaw e. Ang tagal mong magsalita. Umamin ka na kasi kung aamin ka. Hindi naman ako magagalit e. Maiintindihan naman kita.”-Tampupu
“Ano aaminin ko?”- Ako
“Na tomboy ka.”
“GAGA! Hindi yan ang sasabihin ko sa iyo! Bwisit ka talaga e noh!”- Inis kong sabi sa kanya.
“E ano?”- Tampupu
Kinuha ko yung unan sa tabi ko at kinagat yung dulo nito.
“Ano nga?”-Tampupu
“Ano kasi e...” sabi ko habang kagat-kagat ung unan.
“Juiceko! Ano nga Mae?”- Tampupu
Bumangon ako sa kama at nag-indian sit habang yakap pa rin ung unan na kinagatan ko.
“Agnes. . . m-may tanong lang ako kas----“ –Ako
“WOW HA?!! Hindi na Tampupu ang tawag mo sa akin a?! Siguro importante talaga ang itatanong mo sa akin?.”- Tampupu
“Wag ka na kasi magulo. Panira ka ng moment e. Makinig ka na lang.”- Ako.
“Okay, go, continue.”-Tampupu
Huminga ako ng malalim. Narinig nya siguro yung paghinga ko kasi nag-chuckle sya sa kabilang linya pero huminto din sya.
“Ammmm. . . a-ano yung... n-naramdaman mo n-nung. . .ammm”-Ako
“Naramdaman ko nung?”- Tampupu
“N-nung. . .nung. . . .”- Ako
“Nung?”-Tampupu
Napapikit na lang ako ng mata at dumapa sa higaan ko.
“Nung nainlove ka kay Baby J mo?” sabi ko habang nakapikit yung mata ko at nakabaon yung mukha ko sa unan na kinagatan ko kanina. At that time, alam kong namumula na ko.
“OH MY GIII!!!”- tili ni Tampupu
---------------------------