After kong umamin kahapon kay bakla, medyo gumaan na din ang pakiramdam ko. Masarap talaga sa feeling kapag may nakikinig sayo.
Hayyyyy, eto ako ngayon at papasok na ng school. Sinabay ako ni Lexhie sa kotse papasok, madadaanan kasi nya yung kanto malapit sa school namin kaya sinabay nya na ako. Odiba, starting today ulit makakatipid na ako ng pamasahe! Sinasabay nya kasi talaga ako pagpasok at yung parents ko talaga nag-suggest nun sa kanya para sigurado daw na pumapasok ako. Tss, sweet nila diba? May tiwala sila sa anak nila?
So dahil nga sa may kanto lang nya ako binababa, kailangan ko pa maglakad papasok sa gate.
Habang naglalakad ako, binabalikan ko yung mga nangyari at maraming mga tanong ang umeeksena sa utak ko. Pano kung nakita ko sya sa school? Pano kung kausapin nya ako? Pano kung mahalikan nya na ako? Pano kung hindi pala nya ako mahalikan at dahil dun ay ma-rape ko sya? Napahinto ako sa paglalakad ng maisip ko yung mga tanong nay un. Shocks lang!
"Erasa erase erase." Sabi ko sa sarili ko habang kinukutusan yung noo ko.
"Psst." Bulong ng sinumang hinayupak na lalake yun malapit sa tenga ko at OSHEMAY!!!!!!! Sounds familiar. Parang kilala ko yung timbre ng boses na yun.
Binilisan ko ang lakad ko at hindi nilingon ang nag 'psst' sa akin.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong nya sa akin.
Napa-stop ako sa tanong nyang yun. And then huminga ako ng malalim. So this is it pansit. At inaalala ang mga sinabi sa akin sa kotse ni Lexhie. "Kapag kausap mo sya, wag kang mauutal. Pilitin mong wag tumakbo na parang pusa kapag lalapit sya. Wag ka ring mangangalmot. At higit sa lahat, wag na wag kang aarte na parang tomboy sa harap nya." Osiyeth, magawa ko ba lahat ng ito?
Humarap na ako sa kanya. Okay, just act natural Chris. Kaya mo to.
"A-aako? I-iiniwasan ka?" Oshocks! Wag mautal: Failed
"Oo"-Philip
"H-HINDI A!" at tumakbo na ako. Wag tatakbo: Failed
Tumatakbo pa rin ako papasok sa gate. Nung nakapasok na ako, may humawak sa bag ko kaya napalabas ako ng gate ulit. Potek hinabol pala ako ng gwapong lalakeng ito.
"Hindi daw umiiwas. Tss."- Philip
"Bitiwan mo nga ako!" kinakalmot ko yung braso nya para bitiwan ako. Wag mangalmot: Failed
Yung itsura namin parang tangeks lang. Sya hatak-hatak yung bag ko habang ako naman patalikod naglalakad.
"Ano ba! Nasasaktan na ako. Isa pang kalmot dyan, hahalikan kita." Banta nya sa akin habang hatak hatak pa rin yung bag ko. Tinigilan ko na ang pagkalmot sa kanya baka nga makuha nya nga ang virginity ng lips ko.
At huminto na sya sa paglakad at paghatak sa bag ko nung nasa labas na kami ng school.
"Now baby, let's talk." Sabi nya sa akin nug pinaharap nya ako.
Jusmiyo Marimar!! Tinawag nya akong baby! Mamatay na yata ko!
"O, natulala ka na dyan? May sakit ka ba? Namumula ka o, abot hanggang tenga." Naka-smile nyang sabi sa akin. Sinalat-salat nya yung noo ko. Siguro tinitignan nya kung may lagnat ako. Dahil nasa labas nga kami ng school at tapat lang ng gate, may ilan ilan tuloy kaming mga audience na nakukuha ng atensyon.
"Wala ka na namang lagnat." Sabi nya habang nakahawak sa noo ko yung isa nyang kamay habang yung isa nyang kamay nasa noo naman nya. Dahil dun mas lalong tumatalbog at kumakabog-kabog yung puso ko. Parang may naga-ati-atihan sa dibdib ko.
"O please tama na". Nanghihina kong sabi sa kanya.
Pero di nya ako pinakinggan, mas lalo lang nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Marami na tuloy ang mas nakiusosyo sa amin. Ayaw kong tumingin sa kanila kaya napayuko ako.
"Ang alin?" tanong nya sa akin.
Hindi ko sya sinagot. Basta nakatingin lang ako sa mga kuko ko.
Maya maya hinatak nya yung kamay ko at kinakaladkad na ako ulit nito.
Hanggang makarating na kami sa may kotseng itim. Sa kanya siguro to.
Binuksan nya yung pinto sa passenger seat.
"Pasok." Utos nya sa akin at sya naman umikot sa may driver seat. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa kotse nya.
Tahimik lang kami dun sa loob. Walang kumikibo.
"Bakit ka absent kahapon?" basag nya sa katahimikang bumabalot sa amin.
"H-ha?" tanong ko.
Hindi nya ako sinagot. Hindi na rin ako nagsalita.
"I thought kapag nandito tayo sa kotse e makakapag-usap tayo ng matino. Mukhang hindi pala." Naiinis na sabi ni Philip.
Tahimik lang ako na nakatingin sa bintana.
"Ano bang problema mo? Last Friday naman okay namna tayo a. Tapos umabsent ka lang kahapon, pipe ka na."-Philip
Natawa ako bigla sa sinabi nya. Yung mga lintanya kasi sa akin parang boyfriend ko sya at may L.Q kami ngayon.
"What's funny?" nakakunot na tanong nya sa akin.
"Wahaha!" tawa ko.
"Para kang si Sisa" natatawa na rin nyang sabi sa akin.
Maya-maya tumigil na rin ako kakatawa at umayos na ng upo.
"Bakit ba kasi tayo nandito?" tanong ko nung nahimasmasan na ako.
"Para mag-usap"- Philip
"Okay."-Ako
"Bakit ka absent kahapon?" tanong nya ulit sa akin.
"M-masama lang pakiramdam ko." palusot ko.
"Aaa. Akala ko iniiwasan mo na ako." Sabi nya.
"Sus, imagination mo lang yun." Sabi ko.
10 seconds na katahimikan. Walang umiimik sa aming dalawa, tanging hininga lamang namin ang maririnig sa loob ng kotse.
"Halika na." Basag ni Philip sa katahimikang bumabalot sa amin.
"A-ano? H-halik-kan na?" nawiwindang kong tanong sa kanya.
"Oo, halika na. Baka ma-late na tayo sa class natin." Paliwanag nya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa paliwanag nya. Potek na buhay to o. Nag-confess lang ako kay bakla, nagiging manyak na ako sa lalaking ito.
Bubuksan ko n asana yung kotse ng pinto nang marinig ko syang magsalita.
"Ahmm.. wait lang Mae".-Philip
Mae. Sarap pakinggan yung pagtawag nya name ko.
"Mmmm?"- Ako
"May itatanong sana ako."- Philip
"Ano yun?"- Ako
"T-tomboy ka ba talaga?"
--------------------------------------------