Chapter 8

19 0 0
                                    

Chapter 8

Mae’s POV

After naming mag-usap sa phone ni Tampupu, napaisip ako sa tanong nya. Inlove nga ba ako? At kay Philip talaga a. Aisshhh ayoko na mag-isip.

Bwisit talaga yung lalakeng yun e. Nagsimula lang naman akong magkaganito dahil sa kahapon. Tss.

 

Flashback

“Okay sige bye.” tatalikod na sana ako ng marinig ko syang magsalita.

“Gusto mo kumain?” tanong nya sa akin.

Napataas lang ang kilay ko na parang alien syang magsalita.

“My treat.” nakapamulsang sabi nya sa akin habang nag-aabang sa sagot ko.

Dug!

Dug!

Dug!

Nag-rigodon na ang lintik kong puso.

“........a...e..” sagot ko lang.

“Ayan ka na naman sa pag-recite mo ng vowels.” Naka-smirk nyang sabi sa akin. “Ano kain tayo?” tanong nya ulit.

“Ammm....Okay, sige, libre mo naman e.” sagot ko ng hindi tumitingin sa mata nya. Mahirap na at baka mautal na naman ako.

“Halika na at may alam akong masarap na kainan malapit dito.” yaya nya sa akin at nauna na syang naglakad. Pero yung kaliwang nya nakahawak sa libro nya habang yung isa nyng kamay naman nasa loob pa rin ng bulsa nya.

Tinitignan ko lang yung likod nya habang naglalakad kami. Buti na lang nakatalikod sya sa akin kaya malaya ko syang pag-masdan. Ang ganda kasi ng hugis ng katawan nya e. At yung batok at leeg nya, panalo sa puti! Sarap kagatin!

Kinutusan ko yung ulo ko dahil sa kung anu-anong malalaswang bagay ang pinag-iisip ko sa kay Philip. Napa-“awww” ako sa ginawa ko. Narinig nya siguro yun kaya napahinto sya sa paglalakad at nilingon ako.

“Anong nangyari sayo?” concern na tanong nya sa akin.

“A-a.. w-wala naman.” sabi ko.

At pinagpatuloy nya na yung paglakad nya papunta dun sa masarap daw na kainan na alam nya.

Sinusundan ko lang sya pero nakatingin pa rin ako sa leeg nya. Nakaka-adik kaya talagang tignan. Ang sarap kagat-kagatin! Ang sarap sar---- TEKA NGA!..... Pusang gala o. Nagiging manyak na ako!(A/N: Manyak ka naman talaga e.) Nagiging manyak sa lalake! AMPUPU! Baka magulat ako isang araw e sumusunod sunod na ako na parang aso sa kanya. Yung parang mga stalker nya kanina sa canteen. Wag naman po sana Lord.

Hindi ko namalayan na huminto na pala sya kaya ang nangyari bumangga lang naman ako sa likod nya.

Sniff Sniff Sniff. Ang bango ng likod nya. Mga 5.5 sseconds ko sya inamoy-amoy at lumayo na ko.

“Nandito na pala tayo?” sabi ko na lang para di halata na inuubos ko na yung bango nya sa likod. Ammp.

“Oo. Pasok na tayo.” Yaya nya sa akin.

Pumasok na nga kami sa loob at umakyat s 2nd floor. Two-storey kasi yung kainan. Pumuwesto kami sa may bintana sa may gilid. Maganda naman yung place. Hindi mukhang pipitsuging kainan lang.

Tinawag nya na yung waitress at nag-order na. Taray parang madalas yata to dito. Tapsilog ang order nya at umorder din ng softdrink. Ako, tumitingin-tingin muna sa menu. Mukhang masasarap lahat ng pagkain dito, ang hirap mamili.

Hindi Ako Tomboy, Abnormal Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon