Chapter 5

17 0 0
                                    

“Sinetch itey itong girlalu ang napagalitan kanina?” pang-aasar sa akin ni Tampupu. Tapos na kasi ung klase namin kay Ma’am.

“Ako Tampupu tantanan mo ako baka masapak kita ng wala sa oras.” banta ko sa kanya habang inaayos ko yung mga gamit ko. Wala na kasi kaming klase.

“Wahahahaha! May pahawak-hawak pa sa kamay mo si Philip. Siguro kayo na noh?” sabi ni Tampupu with matching taas baba ng kilay.

Tinaas ko na ang fist ko sa harap nya. “Ako hindi mo talaga titigilan?”

“OO NA PO. STOP NA KO!” naka-cross arms nyang sabi sa akin.

Isinukbit ko nayung bag ko sa likod ko. “Bye na Tampupu.” Paalam ko.

“May game ulit ba kayo?” tanong nya sa akin.

“Meron kaso ayoko sumali ngayon.” sagot ko.

“Yun naman pla e. Mamaya ka na umuwi. Mall muna tayo nila Baby J ko.”

“Kayo na lang. Gawin nyo pa akong body guard/alalay nyo e.”

Umaalis na ako after naming mag-uusap ni Tampupu. Kainis kasi e yayain daw ba ako sa date nila nung mukhang hipon na  yun, edi na o.p pa ako sa kanila kung sumama ako.

Naglalakad na ako papunta sa gate ng makita ko si Mike at Kit na nag-aabang dun. Mukhang kokornerin nila ako kung nagkataong hindi ko sila nakita don. Dun nga ako sa kabilang gate dadaan wahahahaha.

Saktong pagikot ko tumama ako sa isang mabangong mala-pader na dibdib.

Sniff Sniff Sniff. Ang bango grabe! Nagtagal pa ako dun ng mga 4.5 seconds at napatingala ako kung sino ang nabangga ko. . .

Dug!

Dug!

Dug!

Potek natulala na naman ako sa kanya! HayuFF! Sumabay ba yung pagtibok ng puso ko. Kailangan ko na yata mag-pa check up bukas.

“Ano natulala ka dyan?” tanong ni Philip sa akin.

“A—E—I—“ eto na naman po ako.

“O—U“ pagtuloy nya sa mga sinasabi ko.

“CHRIS! PHILIP! ANDYAN LANG PALA KAYO! KANINA PA NAGHIHINTAY YUNG MGA KALABAN NATIN DUN!!” sigaw ni Kit sa amin. Pusang gala o. Nakita na pala ako nila Kit. Kailangan ko ng maging si Flash.

1

2

3

TAKBO!

Tinakbuhan ko na sila Philip at Kit. Papunta sa building ng mga accounting students. May gate din kasi dito palabas. So takbo lang ako takbo hanggang makalabas na ako sa gate.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Yan ang peg ko habang nakayuko ako’t hawak ang mga tuhod ko.

“Bakit . . .ka ba . . . tumatakbo?”

Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Paglingon ko si Philip, hinihingal. Sumunod pala ang sira-ulong ito sa akin. Tss.

“E bakit sumunod ka sa akin?” dumiretso na ako ng tayo at inayos ang buhok ko. Kumawala na kasi ung ibang strands sa pony tail ko.

“Tumakbo ka kaya. Tumakbo na din ako.” sagot nya at nag-ayos din ng buhok nya at wapak, gwapo na ulit sya.

“Tumakbo ako kasi kapag nahuli ako nila Kit at Mike siguradong pipilitin naman nila ako mag-dota.” paliwanag ko.

“Aahh” sagot lang niya.

Ilang segundo din namayani ang katahimikan sa pagitan naming ni Philip.

“S-so ano, m-mauna na ko sayo? Babalik ka pa ba sa kanila?” eto na naman ako. Nauutal na naman ako sa harap niya.

Umiling lang sya sa akin.

“Bakit?” usisa ko.

“Tinamad na ako mag-laro.” simpleng sagot lang nya.

“Okay sige bye.” tatalikod na sana ako ng marinig ko syang magsalita.

“Gusto mo kumain?” tanong nya sa akin.

Napataas lang ang kilay ko na parang alien syang magsalita.

“My treat.” nakapamulsang sabi nya sa akin habang nag-aabang sa sagot ko.

Dug!

Dug!

Dug!

Nag-rigodon na ang lintik kong puso.

________________________

Hindi Ako Tomboy, Abnormal Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon