Thanks sa pagbasa sa Chapter 1. Pasensya na ulet sa story v('---')
--------------------------------------------------------------
"GOOOOOD MORNNNINGGG CHRISTINE MAEEEE!!" Yan ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng school.
"Ikaw Maria Agnes Tampupu ang aga-aga nambwibwisit ka na agad. Tantanan mo nga ako" nakakunot kong sabi kay Maria Agnes Tampipi. Ampupu natawa tuloy ako sa name nya hahahaha. Eto nga pala si Maria Agnes Tampipi, naging bestfriend ko nung 2nd year college ako. Kung ako mukhang Chinese, sya naman mukhang Vietnamese hahahaha. Parehas kasi kami ng trip nito it means sira ulo din ito at may pagkamanyak din kaso mild lang at sa lalake sya nangmamanyak, ako sa babae. Pero bukod sa parehas kaming abnormal, nagkakasundo din kami sa maraming bagay. Kahit madalas kami magbungangaan, e love na love ko namang itong tampupung ito. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin at naniniwalang babae talaga ako, abnormal lang talaga to the nth power.
"Grabe ka naman, nag-greet lang naman ako sayo, nagsungit ka na agad. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na Tampipi ung surname ko at hindi Tampupu. Bastusan ka talaga e noh!! Hmmp!" nakairap na sabi sa akin ni Tampupu.
"E ikaw kaya nagsimula. Sinabi ng wag mo akong tatawagin sa pangalan na yun e, sinigaw mo pa." Naka-cross arm kong sinabi with matching irap din. Oha kala mo Tampupu ikaw lang marunong mang-irap! Take that!
"Halika na nga Mae, male-late na tayo sa klase." Sabay hila sa kamay ko. At yes po, mag-classmate po kami ni Tampupu in all subjects. Syempre di kami papayag na magkahiwalay kami. "At hindi bagay sayo ang mang-irap. Para ka lang kirat na napuwing." Nang-aasar na sabi sa akin ni Tampupu. Osya, talo na naman ako sa asaran namin.
--------------
Sa classroom. . .
"Tampupu pakopya naman ako ng assignment sa Math." Sabi ko.
"Ayan na nga ba sinasabi ko, dota ka ng dota kagabi hindi ka pa pala nakakagawa ng assignment. Porket alam mong nandito lang ako sa tabi mo na makokopyahan mo. Pano kung absent ako ngayon? Nganga ka o kaya cutting ka na naman blah blah blah . . ." lintanya nya muna bago ako pakopyahin. Dont worry my dear readers, sanay na ako sa kanya. Ganyan talaga rumatrat ung bunganga nya pero after nyan bibigay din yan.
2 minutes later. . .
"O ayan na." Sabay abot ng notebook nya sa Math. Sabi sa inyo, bibigay din yan e. Tyaga tyaga lang.
"Thanks" nakanguso ako sa kanya, kunyare iki-kiss ko sya.
"Umiiral na naman kamanyakan mo e." Nilalayo ung mukha nya sa nguso ko.
"Pahipo na lang ng boobs" Nakataas yung kanang kamay ko na naka-ready nang mangmanyak.
"Subukan mo gagu ka. Babasagin ko bungo mo." Nakaamba na ung kamao nya sa akin.
"HAHAHAHA. Opo hindi na. HAHAHAHA!" tawa ko. Ang epic kasi talaga ng mukha nya e. Pero himala, di nya ako pinatulan. Madalas kasi kapag nakamanyak mode ako, umo-oo lang to sa akin. Nilalapit pa nga nya boobs nya sa akin e. Nakakabadtrip nga e, pinatulan ako. Hanggang salita lang daw kasi ako, madalas sabihin sa akin ni Tampupu at ung isa pa naming bestfriend na si Lexihe (Alex ang real name nya, and yap, bakla po sya). Kapag ganung pinapatulan nila ung kamanyakan ko, hands off na ako. Di ko naman kasi talaga gagawin e. Pero ngayon pumalag sya, may mens siguro to.
"Kamusta pala kayo ni Martin?" nakangisi nyang sabi sa akin. From Amazonang Tampupu changed into Malanding Tampupu. At ang babaita, nagbyu-beautiful eyes pa. Malandyutay talaga.
"Kung ako magaling sa pangongopya ng assignment mong puro mali naman, ikaw naman sa mga ganyang kalandian." Sabi ko habang kinokopya ko assignment nya. Motto ko: mas mabuti ng puro mali assignment kesa sa wala. Takot ko lang mapagalitan ng mga professors ko.
"A ganun, aarte ka pa? O akin na yang notebook ko?" sabay agaw ng notebook nyo.
"Eto naman di na mabiro. Joke lang naman." Kuha ko sa notebook nya. Potek wala ng time, padating na si sir.
"Sagutin mo na lang kasi. Kamusta na kasi kayo ni Martin?" kulit nya sa akin.
"Ayun, gagu pa rin sya at gaga pa rin ako. At please lang, wag kang issue. Tantanan mo ako sa mga kalandian mo, kadota ko lang un." Sabi ko habang nagmamadaling kumopya. Binigyan nya kasi ng malisya ung pagsundo sa akin ni Martin sa classroom nung isang lingo. May laban kasi kami ng mga kadotadikz ko sa mga freshmen. At isa nga si Martin sa mga kadotadikz ko, sinundo nya lang ako kasi magkalapit ung classroom namin at same time kami ng uwi. Malisyosang malandi lang talaga itong si Tampupu.
"Talaga lang ha?" kulit pa rin nya. Batukan ko na lang kaya ito, ay wag pala, di na ako pakokopyahin nito kapag ginawa ko un. "Tignan na lang natin." huling sabi nya bago sya bumalik sa upuan nya.
KRINGGGGG!!!! KRINGGGGGG!!!! (Sorry sa tunog ng bell)
Oopss time na, buti na lang tapos na itong assignment ko i mean ung pagkopya ko hahahaha. Binato ko na ung notebook ni Tampupu at booooom! Sapul! Sapul sa ulo nya! (Dalawang upuan lang kasi ang layo namin at nasa abndang likod ko sya) Naku po lagot ako nito!
"CHRISTINE MAEEEEE!!!!!" naging dragon na sya! Nanlilisik ung mata nya sa akin at ibabato na nya ung notebook nya pabalik sa akin ng biglang.....
"Okay good morning class." Saktong pagdating ni sir. I love you na sir. You saved my life :*
---------------
Sa susunod na ung Chapter 3. May pasok na bukas e. God bless.