After ng last subject namin ni Tampupu . . .
“Oy Mae! Yung boyfriend mo naghihintay na sa pinto!” nakangising sabi sa akin ni Tampupu. Ampupu! Kinikilig ung malandi!
“Ako tantanan mo ako Tampupu! Matalo pa kami sa pinagsasabi mo e!!” sabi ko habang inaayos ung gamit ko.
“Matalo sana kayo! Bleh!” nakabelat na sabi sa akin ni Tampupu.
“Oras na nagkatotoo ung sinabi mo, humanda ka sa akin!” banta ko.
“Wapakels ako! Susumbong naman kita kay Japeth Baby ko!” tukoy nya sa boyfriend nyang mukhang hipon.
“Magsama pa kayo ng weak mong boyfriend na hipon! Isigang ko pa un e. Favourite ko pa naman ung sinigang sa hipon!” sabi ko naman. Nakalaban ko na kasi un sa dota. At syempre, panalo ako!
“Osya byebye na!” paalam ko kay Tampupu habang sinusuot ko ung bag pack ko.
“Bye!” sagot naman nya.
Pagkalabas ko ng room, nakita ko si Philip Martin Damian a.k.a Kadotadikz Philip na nakasandal sa pader habang nakaheadset. Katulad ko, graduating student na din sya sa kursong engineering. Sabi ng iba gwapo daw sya, matalino, at hunk, kaso may pagka-suplado. Sa sarili ko namang mga mata e mukha pa din naman syang tao katulad ni Kikoy Baktol at ni Tonyong Palaka na madalas i-bully dahil mga pangit daw sila. Pare-parehas naman silang kumpleto ang body parts kaso magkakaiba nga lang. Ung kay Philip kasi matangos ung ilong, ung sa dalawa parang napipi. Matangkad si Philip habang ung dalawa, e mukhang mas matangkad pa ako. Maputi din si Philip at may pagka-tsinito habang ung dalawa kahit kaliligo lang e madungis pa rin. Marami ngang fans itong si Philip e habang ung dalawa simpleng tao na nga, binubully pa. Pero para sa akin, pare-parehas pa din naman silang mga tao, i mean tayong mga mukhang tao. Wala namang ginawa si God na pangit sa atin e, lahat tayo ay tatanda at mamatay. Pero ganito talaga ung buhay, wala na akong magagawa.
“Ang tagal mo.”irap na sabi sa akin ni Philip. Bakla siguro to. Makairap wagas a.
“Inayos ko pa kasi ung gamit ko at bakit mo pa kasi ako hinintay? Pwede naman akong sumunod sa com shop.” nakairap ko ring sinabi.
“Baka tumakas ka raw kasi sabi ni Mike kaya pingsasabay nya na tayo.” sagot naman nya. Minsan kasi, tinatakasan ko sila kapag wala ako sa mood o kaya naman wala akong pera.
“Sumunod ka naman. Nandyan naman si Je a. Pwede naman nya akong palitan kapag wala ako.” Sabi ko.
“Weak naman un e. At saka ako malalagot kapag di kita kasama.” Sagot nya.
After nyang magsalita, tahimik na ako. Di ko kasi gano feel kausap itong lalakeng ito e. Parang ang awkward lang kasi syang kausap. At ayoko gaanong mag-feeling close sa kanya. Mahirap na at baka giyerahin ako ng mga fans nyang epal. Ngayon pa nga lang na sinundo nya ako sa room at kasabay ko pa palabas ng school kung makatingin sila sa akin parang kinukurot na nila ako ng nail cutter ng buhay sa isipan nila, paano pa kaya kung kausapin ko ito baka totohanin pa nila. Kawawa naman ako.
Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa com shop. At nakita na namin ung iba pang kadotadikz na sina Mike, Kit at Mark. Mukhang kanina pa sila naghihintay sa amin.
“Ang tagal nyo. Mukhang nag-date pa kayo a.” Nakangising sabi ni Mike sa amin.
“Lul. Buti nga’t sumama pa ako sa inyo e. Wala pa naman ako sa mood maglaro.” Sabi ko naman. Habang si Philip naman ay bored na nakatingin lang sa akin, este sa amin.
“E bakit sumama ka? Porket sinundo ka ni Philip di ka na nakatakas. Kinikiig ka n--- ARAYY!!! Ang sakit nun pre a.” Nakahawak sa tyan na sabi ni Kit sa akin. Sinikmuraan ko kasi sya. Nakakabwisit na kasi e. Layasan ko na kaya ang mga ito?
“Ako tantanan nyo baka layasan ko kayo.” Banta ko sa kanila.
“Oo hindi na, pasok na nga tayo at kanina pa nandyan ung mga first year.” Sabi ni Mike.
“Sila na naman? Kasawa a.” Sabi ko naman. Nakalaban na kasi namin sila nung araw na nakita ni Tampupu na sinundo ako ni Philip sa room at natalo naman namin sila. Syempre nandun ako e.
“Rematch daw sabi nila.” Sabi ni Mark.
At pumasok na nga kami sa com shop.
-------------------