AKI
Bahagi ng ating buhay ang mawalan ng minamahal sa buhay. Talaga ngang hindi natin tiyak kung anong ganap na araw at oras ang pagbawi ng buhay.
Nakabalik na ako rito sa Manila at ibinahagi ko kay Mama ang lahat ng nangyari sa baryo Anghel.
Nalulungkot din siya sa pagkawala ni Lola dahil napakabait ni Lola sa amin. Isa nga raw si Lola sa mga nagpatatag ng kalooban ni Mama simula noong lumisan si Papa.
Maging sa aki'y ganoon si Lola, nangako pa siya noon na aalagaan ako't mamahalin. Nami-miss ko ang mga liham niya na noo'y linggo-linggo kong natatanggap. Ngayo'y wala nang liham na darating.
Wala man akong halos maraming alaala na kasama si Lola, tiyak ko namang lagi niya akong inaalala noon. Ako nama'y lagi siyang iisipin.
Pansamantala kaming nasa sala ni Mama nang biglang magpatay sindi ang aranya.
Sabay kaming napayakap ni Mama sa isa't isa dahil siguro pareho naming iniisip na baka nagpaparamdam si Lola. Si ate Ress kasi ay may kinuha pa sa kusina.
"Bakit po?" takang tanong ni ate Ress nang makabalik at inilapag sa lamesita ang buo pang keyk.
"Ang aranya....." sagot ni Mama at tinuro pa ang aranya na bago pa makabalik si ate Ress ay naging maayos na.
"Ah.... Pasensya po, napindot ko po kanina tapos muling napindot. Nagkamali po ako ng pindot," nahihiyang sagot ni ate Ress.
Nakahinga kami nang maluwag ni Mama matapos iyon marinig. Naku po, akala ko'y minumulto na kami! Huwag muna ngayon, Mang Gusting!
Ghosting go away, come again another year!
Matapos ay tinawanan na lang namin ni Mama ang inaktong pagkatakot kanina at kumain na ng keyk.
Habang nilalasap namin ang tamis at sarap ng keyk ay biglang tumunog ang doorbell. Si ate Ress na ang tumayo at titingnan kung sinong nasa labas.
"Ma, naalala ko pong itanong kung pumunta ba rito si Alex?" tanong ko kay Mama habang hinihintay kung sino man ang magiging bisita namin.
"Ah... iyon, anak, hindi. Nag-away ba kayo?" balik-tanong ni Mama.
"Hindi po, nagulat na nga lang po ako na bigla na lang hindi nagparamdam sa akin," masama sa loob kong pagbahagi dahil laging ganito ang nararanasan ko. Lagi akong gino-ghosting!
Mang Gusting, ang sama mo!
Hihirit pa sana si Mama pero bigla nalang may sumigaw.
"Tita! Aki! Hello!"
Ahhhww... Si Maya pala ang bisita namin. Matagal ko nang kaibigan si Maya. Nakilala ko siya noong nagkolehiyo ako kahit magkaiba kami ng kurso. Mabait si Maya at mahal ko siya bilang tapat na kaibigan. Marami na ring naitulong sa'kin si Maya at minsan nga'y niligtas niya ako no'ng muntikan akong mahagip ng sasakyan. Totoo ngang ang tunay mong kaibigan ang iyong anghel na tagapag-alaga.
"Hi, Maya!" masaya ko ring bati. Lagi na rin kasing parte ng bahay namin si Maya at sobrang close na rin sila ni Mama.
"May sorpresa ako sa inyo!" nangingiti niyang sambit at lumapit na rin sa amin at sa gitna siya pumuwesto.
"Naku, Maya, sinasanay mo kami sa mga sorpresa mo, hah," natatawang sambit ni Mama.
"Opo, Tita, kasi love ko kayo...." hirit ni Maya.
Nakakatuwa talaga si Maya. Napakaswerte ko at naging kaibigan ko siya.
"Galing po kasi si Papa sa Japan at sinabihan ko siyang dalhan din kayo ng pasalubong. Tsanan!" Masayang ibinungad ni Maya ang mga dalang souvenirs na nasa ecobag.
BINABASA MO ANG
Ghosting
Mystery / ThrillerTakot ka bang ma-ghosting, lalo na ng taong pinangakuan ka ng kasiguraduhan? Kinaiinisan ni Aki ang mga taong nanggo-ghosting sa kanya. Akala niya, wala nang taong mananatili sa buhay niya. Nang mamatay ang Lola niya ay umuwi siya sa lugar nito kung...