Ikaw Lang | Cacai Colmenar

29 0 0
                                    

[ K A L I X ]

Verse:
Tuwing tumitingin sa buwan Pangalan mo ang laman
Ng isipan
Puso'y 'di mapakali Nagbabakasakaling makita
kang muli

Naaalala ko pa ang
panahon na
Ngiti at mga banat mo
lang, sapat na
Ako'y hindi pa rin
makapaniwala
Na nahulog sa 'yo sinta

PRE-CHORUS:
Ngunit ikaw ay bumitaw
Hindi hinayaang ako'y magpaliwanag
Na ikaw lang naman
Ang mahal

CHORUS:
Ikaw lang ang tanging hiling
Na makasama't makapiling
Ikaw lang, wala ng iba
Sa puso't isip, ikaw lang talaga

'Di magbabago,
ang nararamdaman sa 'yo
Sana'y malaman mong
Ikaw lang ang mamahalin
hanggang dulo

VERSE 2:
Sa lumipas na panahon
Dumating na rin ang
pagkakataon
Na masilayan muli
Ang iyong mga ngiti

Gagawin ko na ang lahat
Para makuha kitang muli
Hindi na sasayangin pa
Ang bawat sandali

PRE-CHORUS 2:
Ngayong nandito ka na
Hindi ka na hahayaan pa
Papatunayan ikaw lang
Ikaw lang ang tanging minahal
at minamahal

CHORUS:
Ikaw lang ang tanging hiling
Na makasama't makapiling
Ikaw lang, wala ng iba
Sa puso't isip, ikaw lang talaga

'Di magbabago,
ang nararamdaman sa 'yo
Sana'y malaman mong
Ikaw lang ang mamahalin
hanggang dulo

Inspired From:
University Series #1
The Rain In España
Written By, 4reuminct

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now