Tanggap Ko Na | Ella Langres

11 0 0
                                    

Bumubuhos na naman ang ulan
Kakaibang lungkot ay nararamdaman
Bumabalik, sa nakaraan
Sa iyong ngiti tila ako'y nasasaktan

Pilit kong inalam kung paano nagwakas
Pero bakit ba sobrang daya
Paglalayuin lang pala ng tadhana

Tama bang inibig kita?
Tama bang ipaglaban ka pa?
Kung bawat pagkatataong
makilala kita
Lungkot lagi ang nadarama

Tama bang ipilit ko pa?
O kailangang tanggapin ko na?
Na 'di talaga tayo para sa isa't isa
Kahit masakit, paalam na
Tanggap ko na

Hihilingin pa ba na muling
magtagpo
Mabuhay man uli sa mundo
'Di pa rin naman magiging tayo

Tama bang inibig kita?
Tama bang ipaglaban ka pa?
Kung bawat pagkatataong
makilala kita
Lungkot lagi ang nadarama

Tama bang ipilit ko pa?
O kailangang tanggapin ko na?
Na 'di talaga tayo para sa isa't isa
Kahit masakit, paalam na

Siguro nga, kailangan nang
tanggapin
Na kailanma'y 'di ako
magiging sa 'yo
At 'di ka magiging akin

Hindi na hihilinging ito'y
maulit pa
Dahil ito na talaga ang huli
Tayo'y lalaya na rin

'Di ko na ipipilit pa,

Kailangang tanggapin na
Na 'di talaga tayo para sa isa't isa
Kahit masakit, paalam na

Tanggap ko na
Malaya ka na
Paalam na

Inspired From: Our
Asymptotic Love Story
Written by,
UndeniablyGorgeous

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now