I Love You Since 1892 | ICA

23 0 0
                                    

Tila isang panaginip
Ang nangyari sa akin
Biglang nag-iba ang paligid
Puno ng hiwaga
Lahat ng bagay na aking makita ay makaluma

At sa aking paglalakbay
'Di ko namalayanan
Ang tunay na pag-ibig
Sa nakaraan ko lang pala matatagpuan

Una't huling pag-ibig
Hindi ko mapigilan
Na sa 'yo'y umibig
Kahit, humadlang pa ang tadhana
Mahal kita simula,
Isang libo walong daan syamnapu't dalawa

Hayaan mo 'kong ikwento
Kung paano nagtagpo ang landas na binuo ng tadhana
Na ikaw ang kasama
At kahit sabihin na ikaw ay mas nauna

Saksi ang tagpuan
Sa ating sumpaan
Na kahit saan, kahit kailan, 'di mo iiwan
Subukan man ating pag-iibigan
Kailanman ay 'di kita bibitawan

Una't huling pag-ibig
Hindi ko mapigilan
Na sa 'yo'y umibig
Kahit, humadlang pa ang tadhana
Mahal kita simula,
Isang libo walong daan syamnapu't dalawa

Bakit sadyang mapaglaro
Nililito, tayo ng mundo
Bakit parang ang labo
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Bakit pa tayo nagkita
Kung 'di tayo ang itinakda?

Pwede ba nating,
Itigil ang oras
Panahon na lilipas at 'di na magwawakas
Ang istorya natin

Magka-iba man ang orasan
At sa oras na 'di na mahagkan
At sa 'yong pagbabalik
Itutuloy ang pag-iibigan

Una't huling pag-ibig
Hindi ko mapigilan
Na sa 'yo'y umibig
Kahit, humadlang pa ang tadhana
Mahal kita simula,
Isang libo walong daan syamnapu't dalawa

Una't huling pag-ibig
Hindi ko mapigilan
Na sa 'yo'y umibig
Kahit, humadlang pa ang tadhana
Mahal kita simula,
Isang libo walong daan syamnapu't dalawa

Inspired From:
I Love You Since 1892
Written by,
UndeniablyGorgeous

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now