Ginintuang Tanawin (Via's POV) | Ayradel

61 0 0
                                    

[ V I A ]

Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
'Di mawari kung ito'y isang panaginip
Tila ang puso'y naglalaro sa kalawakan

Sa liwanag ng ilaw
Ika'y nariyan,
Umaawit para sa karamihan
'Di marinig ang, naghihiyawan
Habang bumabalik ang alaala sa

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika'y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Sana'y dinggin ang damdamin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako

Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata mo

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now