Zebbiana (Wattpad Version) | Ayradel

23 2 0
                                    

Kapag naaalala ko ang mga araw
Na magkasama tayong dalawa
Ngiti at luha sa aking mga mata
Gano'n lang naman tayo kasaya

'Yong tipong kapag tayo'y magkapuyatan
Nagngingitian para bang adik lang
Manghahampas kahit sobrang tahimik nang kapaligiran
Kahit may nagrereklamo na'y
wala akong pakialam

Panahong nandyan ka pa
'Di makapaglaba
Mula hapon, gabi, hanggang
sa mag-umaga

Ang saya-saya
Ayoko lang pahalata
Kasi uutusan lang ako ni nanay
'pag nilingon ko siya

Kaso nga, wala na
Sa cellphone ko ay in-uninstall ka na
ng nanay kong na-buwiset kakatawag sa anak niyang puro Wattpad ang ginagawa

Kaya salamat sa pag-ibig
mo, pag-ibig mo
Palaging nasa puso't isip ko,
isip ko
At inaamin ko na na-mi-miss kita
Na na-mi-miss kita

Sa 'kin ikaw pa rin ang
bibi ko, bibi ko
Kahit wala ka na sa cp ko
Sa cp ko
Pangakong i-install ulit kita
I-install ulit kita

Kasi 'di ko na matiis, love
Araw-araw kitang na-mi-miss, love
Ilang beses man nilang aliwin
Wattpad at Wattpad pa rin
Ang gusto kong kapuyatan, love

'Di pumapayag na 'di 'ko makabasa
Kilig at tawa 'kala mo may jowa
'Di mabitawan kahit cp ay lowbat
Wala na nga ako sa sarili
sa sobrang kababasa

At kung maibabalik ko lang
Babantayan ko cellphone ko para 'di ma-delete ni 'nay
Maghihilom lahat sa puso kong duguan kaso biglang umulan

Dahil nga wala na
Sa cellphone ko ay in-uninstall ka na
ng nanay kong na-buwiset kaka-utos sa anak niyang puro Wattpad ang ginagawa

Alam ko namang kasalanan ko
'Di naghugas ng plato
Malabo nang pagbigyan mo?
Malabo nang pagbuksan mo?

Kahit tapos nang assignment ko
E, grounded tayo
Anong magagawa ko?
Anong magagawa ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now