Simula 1892 | Ancircle

15 0 0
                                    

[ C A R M E L A ]

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Ikaw at ako, tayo'y pinagtagpo
Ng isang mapaglarong tadhana
'Di inakalang magbabago
takbo ng buhay ko

At habang tumatagal 'di na
napigilan ang puso kong
Tumitibok na para sa 'yo

Kumplikado...
Dahil

Malayo
Malayo ang panahon ko,
Sa panahon mo
Hindi naman ako taga-rito
Isa lang akong dayo

Ililigtas kita, pangako
'Wag kang bibitaw, mahal ko
Panghahawakan ko ang pag-ibig mo
Simula labing-walo siyam na pu't dalawa

Ooh Oh Ooh Oh

Sa dinami-rami nang
pagbabagong naisulat sa libro
Kay rami na ng taong
nagsakripisyo
At habang tumatagal 'di na alam kung mapagtatagumpayan
Ang aking misyon

Nawa'y pagbigyan ang ating kwento
Sa huling pagkakataon
Maghihintay ako...
Kahit

Malayo
Malayo ang panahon ko,
Sa panahon mo
Hindi naman ako taga-rito
Isa lang akong dayo

Ililigtas kita, pangako
'Wag kang bibitaw, mahal ko
Panghahawakan ko ang pag-ibig mo
Simula labing-walo siyam na pu't dalawa

Ooh Oh Ooh Oh

Kumplikado, pero
maghihintay ako
Mahal ko

Inspired From:
I Love You Since 1892
Written by,
UndeniablyGorgeous

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now