Patak Ng Ulan | Cacai Colmenar

16 0 0
                                    

[ L U N A ]

VERSE I:
Pinagmamasdan,
Ang bawat pagpatak ng ulan
Kasabay ang luhang kanina'y
pilit pinipigilan

Hindi alam ang gagawin
Paano ka haharapin
At sasabihing ayoko na
Hindi rin naman ito madali
para sa 'kin
Pero kailangan nating tapusin

PRE-CHORUS:
Ngayon nandito ka na
Nakatingin nang diretso
sa 'king mga mata

CHORUS:
Unti-unti kang lumapit
At kumapit sa akin nang mahigpit
Nakikiusap sa akin
'Wag isuko ang pag-ibig natin

Pero kailangan kitang bitawan Kailangang iwanan
Para sa 'yong kinabukasan

Oooh Oooh

VERSE II:
Pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan
Isa itong ala-alang masakit
Ngunit mahirap kalimutan

Inspired From:
University Series #1
The Rain In España
Written by, 4reuminct

Wattpaders Composed SongsWhere stories live. Discover now