Magkaka JOWA na ako

17 0 0
                                    

"Isang linggo na din nanligaw si Uriel sakin. Aarte pa ba ako?" Ayon nga ni rerecord ko sarili ko. Gusto ko din Makita reaction nya pag sinagot ko na sya. Kumatok na sya nang pinto. Tama kilala na sya ngayon nila Papa at Mama. Teka saan ko ilalagay yung camera. Sa sobrang taranta ko nakita nya ng binuksan agad yung pinto.

"Asawa ko ano yan?" Agaw nang cellphone. Patay nakita nya na. Wala na Tae. "Nag vivideo ka pa ahh" Nag back sya saka pinanood yung video.

[Aarte pa ba ako? Saka matagal naman talaga ako may gusto sakanya] Hininto nya yung video sabay sigaw.

"Talaga?" Yakap sakin. "Yes!" Pfft nakakatawa sya. Kaya lang walang video. "Teka mag papanggap ako na di ko alam" Sinimulan nya na yung video. "Simula ngayon akin na si John ayy" Takip nang bibig nya. "Asawa ko"

"Baliw ka talaga" Di ko napigilan sarili ko na tumawa nang dahil sa kilig. Hampas ko sa balikat nya saka hinalikan sa labi. Bigla na lang sya napahinto at napatulala. Kumunot nang noo saka punas sa labi. "So-sorry" Patay sa video. May mali ba akong ginawa? Hinawakan nya yung kandado.

"Masyado naman ata mabilis!" Teka mali ba na i kiss sya? Mali ba na sagutin ko sya nang isang linggo lang? Matagal naman na kami magkakilala kaya ayos lang naman yon diba? Napatulala ako na parang naiiyak na. "It's a prankkk" Sigaw nya tapos lapit sakin kiss pabalik.

"Ma. Pa. Kami na po" Pagpapaalam ko habang nasa hapag kainan kami. Di man halata na kinakabahan ako pero sobrang kaba ko talaga. Alam nyo naman siguro nangyare nung umamin na bakla ako.

"Nak. Una pa lang alam ko na agad na may pag tingin ka kay Uriel hindi na ako nagtataka" Subo ni Mama nang kanin. Sa wakas nawala Yung kaba ko. Si Papa na lang hindi pa humihimik.

"Nak sumunod ka sakin" Hala lagot nanaman ako. Dumeretso sya sa kusina at sumunod naman ako. "Sigurado ka na dyan Nak?" Bulong nya saka tumango ako. "Mahal mo ba talaga sya Nak?"

"Opo" Ayoko na talaga mag sinungaling sakanila. "Mahal na Mahal"

"Ok sige payag na ako" Tapik sa balikat ko saka balik sa hapag kainan. "Ang akin lang wag mong sasaktan ang prinsipe ko?" Pag papatinig nya. "Ang akin lang wag na wag mong ipagpapalit yung Anak ko. Maliwanag ba?" Pananakot nya kay Uriel. Wahaha si Papa talaga.

"Pa-pa-" Bulol na sambit nang Asawa ko.  Lunok nang laway. "Pangako po" Hawak ko sa kamay nya saka nagka-tinginan kami. Hayyst papano ko ba mapapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon? Basta mas masaya pa sa pinakaaa. Ma. Sa. Ya.

"Dapat ipakilala mo din sa magulang mo yung anak ko. Malinaw?" Napakamot ako nang ulo. Na kakahiya na si Papa ngayon hayyst. "Bakit hindi ka sumasagot!?" Kindat sakin. Nako. Nako. Nako.

"Opo mamaya po ipapakilala ko na sya" Seryoso? Sobra na ako nabibigla sa nangyayare heto na ba yung hinihiling ko?

"Buti naman nag kakaliwanagan tayo." Ngiti ni Papa sabay tawa nang malakas si Mama. Iba yung tawa Yung napaka oa talaga. Mas malala pa sa mangkukulam na tawa sa palabas.

"Tara kumain na lang tayo." Pagiiba nang usapan. Hahaha Mama talaga. Sobrang kaba na sabihin sa magulang na meron ka nang jowa. Pero wala ka non wag kang ano bleee. Charr. Dadating din ang para sayo hintay lang.

"Saan tayo pupunta?" Hawak sa kamay haltak nya sakin palabas. "Wag mong sabihin na ipapakilala mo talaga ako? Baliw ayos lang sakin kahit hindi ngayon. Pag handa ka na langg"

"Shh daming satsat." Kyut amp pag gumaganon sya tapos sabay pisil sa bibig ko. Gusto talaga ako patahimikin. "Gusto kita ipakilala. Ok?" Alam nyo kulang na lang mag lupasay ako sa sahig. Dahil nang hihina na ako sa sobrang kilig. Parang ayaw na tumibok nang puso ko nasobrahan na nang tibok.

[Gwapong Uriel may tumatawag sayo] Bigla ako natawa sa ringtone nang asawa ko. Dinukot sa bulsa yung cellphone. Ano ba yan may epal. Merry is calling. Ayy si Merry pala. [Condolence charr. Congrats pala sainyo ni John sana all] Masayang boses nya.

"Teka papano mo nalaman?" Pag tataka ni Uriel. Maging ako di ko din alam. Kumunot noo nito. Hala nagagalit na sya.

[Hindi mo ba alam yung post ni Johnn? Sikat na sikat naa] Binaba na yung cellphone. Pinindot yung Facebook app deretso sa timeline ko. Nakita nya yung video kanina. Hala naka public akala ko naka only me yon. Hindi sya umimik saka Sakay sa motor. Sumakay na din ako.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalala na ako. Ang bislis nya mag patakbo. Tapos di na ako yumakap sa bewang nya. Hininto nya bigla yung sasakyan. Nang makita syang nagtitinda nang bulaklak. Sunflower. "Anong gagawin mo dyan Uriel?"

"Anong Uriel? Asawa ko sabe tsk!" Sakay nya ulit. "Yumakap ka sakin delikado baka mahulog ka" Luh di mo alam kung galit o hindi. Pero sa totoo lang mas matamis pa sya sa minatamis na pagkain.

"Asawa ko sorry na buburahin ko yung Video mamaya" Hininto nya yung sasakyan. Umaano tayo sa sementeryo?

"Baba" Ano to pa babain nya ako dito? Diba sa palabas lang nangyayare yon. Seryoso? Sa sementeryo pa talaga. Hayyst. "Baba sabe." Bumaba na ako saka dinukot ko yung cellphone sa bulsa.

"Buburahin ko na po yung video. Uri-" Takip sa bibig "Asawa ko" Kuha nang cellphone ko sakin. "Wala kang tiwala buburahin ko na."

"Sira ka talaga. Baliw ayos lang na sabihin mong tayo na. Naalala mo ba sinabi ko sa video Asawa ko?" E umaano pala kami sa sementeryo? Nakakatakot sakto padilim na. Matatakutin pa naman ako sa dilim.

"Teka dito yung bahay nyo?" Lakad nya. Saka sumunod agad ako. Nanginginig na tuhod ko para mamaya. Napakapit ako sa braso nya. "Dalian Natin takot ako sa dilim" Abot sakin nang sunflower. "Salamat sa bulaklak"

"Baliw ka talaga. Paps. Mams. Si John po Asawa ko." Bakit sa harap nang semento? Teka hindi kaya. Kuha nang bulaklak sakin. "Sensya na kung madalang lang ako dumalaw." Lagay nang bulaklak. Alam nyo kung kanina kinakabahan ako dahil haharap na ako sa magulang nya. Wala na pala sila.

"Hello poo" Di ko alam sasabihin ko. "Nangangako po ako na aalagaan ko nang mabuti ang Anak nyo" Akbay ko kay Uriel. Kinikilig ako na nalulungkot. Gusto ko tanungin kung ano nangyare? Ayos lang ba sya. Pero hindi muna ngayon.

WANTED: True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon