Oo alam ko ang pinagkaiba nang simbang gabi sa simbang tabi. Aba pwede naman pagsabayin yun. Malandi na kung malandi pake mo? Kung hindi mo natatanong dalawampung taon na akong walang kasama, nag iisa sa madaling salita *walang jowaa*. Siguro naman naiintindihan mo na! pwede na akong lumandi?
"Merry ang tagal mo naman mag ayos!!! Aalis na tayo." Malakas na pagbigkas ni Mama. Nandito nga pala ako ngayon sa kwarto nag aayos sa harap nang salamin. Ayan maganda ka na.
"Nandyan na po maa" Hagis sa kama nang suklay. Dali dali na akong bumaba nang kwarto. Teka pano ako makakalandi mamaya? Ehh kasama ko si Mama at Papa, basta akong bahala mamaya.
"Amen" Rinig sa loob nang simbahan. Tapos na yata mag rosaryo. Sakto lang pala kami magsisimula na yung simbang gabi.
"Ma. Pa. Dito na lang ako sa labas." Sumang ayon naman sila kahit maluwag luwag pa yung loob. Unang araw ito ng simbang gabi bubuuin ko yung sampu nang matupad ang hiling ko. Gusto ko ng jowa. Hindi naman ako nag iinarte. Gwapo, matangkad at tigasin sana. Biro lang po Lord. Basta mahal ako at mahal ko rin masaya na ako.
"Merry?" Sambit nang isang lalaki. Teka parang kilala ko yon. Parang si John Paul yun. Agad akong tumingin pakaliwa. Sinadya kong sumabay yung buhok ko para maakit sya.
"John?" Tugon ko sa kanya. Papakilala ko sa inyo si John. Sya yung tipo kong lalaki. Sya yung kababata kong kaibigan. Kilalang kilala ko na sya mula kuko nang talampakan hanggang sa buhok na may kuto. Alam ko na yung kaitiman nang singit nya at kabutihan nang kalooban nang buto. Ayy puso.Ayiee.
"Merry?" Kagat nang labi nya. Putek bakit ang sarap mo parin? Tapos na yung undas pero patay na patay parin ako sayo. Heto na yung pagkakataon para sabihin ko na. Na. Na. Matagal ko na syang krass. First love ko nga pala at wala nang sumunod. Ewan ko ba kahit anong tingin ko sa iba sya parin ang buhay at kaluluwa nang puso ko.
"John?" Hinawakan nya ang ulo ko bigla nya akong hinalikan. Teka parang ang bilis naman yata Lord. Pero di na ako tatangge salamat. Salamat. Pumikit na ako. Ugh damang dama ko ang init nang paghalik nya. Unti unting naninigas ang katawan ko napatiklop ang kamay.
"Ayos ka lang?" Sabay Hawak niya sa kamay ko. Lalo pang sumarap ang pakiramdam ko nang kinagat niyang bahagya ang ilalim nang labi ko. Hayop anong gagawin ko? Hindi pwede mag patalo. Sinipsip ko naman ang ibabaw ng labi nya. Luh bakit mas matamis pa sa asukal. Yung laway namin naghahalo na.
"Nakakahiya ka. Daming tao bakit naka nguso ka?" Bulong nya sakin. Ano bayan akala ko totoo na. Lumingon ako sa iba ang daming nakatingin sakin. Nakakahiya nga.
"A- E. i ou. May dumi yata yung labi ko. Tignan mo nga?" Pagpapalusot ko. Kaloka kang babaita ka sa gusto mong mag ka jowa kung ano ano yung pinapantasya mo.
"Wala naman" Maganda naman hulma nang labi ko. Ka laplap laplap naman. Hindi ka na lugi kuyaa. kainis naman to.