Malapit na ang bagong taon Jowa na lang ang kulang. Tama jowa na lang ang kulang para mas lalong maging masaya ang bagong taon ko. May gusto akong malaman mula sa bibig ni John tungkol sa panggugulo nang Jowa nya. Wala talaga akong maintindihan sa lahat. Uyy Bes! meron kang di sinasabi sakin. Kita tayo mamaya. Pm ko sakanya.
"Nak may umaakyat nang ligaw sayo ang aga aga" Ano bayan ang bilis naman ni John. Kinikilig pa ako. Hala kagigising ko lang may muta pa ako saka panis na laway. Pwede na yan. Pag labas ko sa kwarto bumungad sakin ang lalaki na nakayuko. "Johnn" May hawak na sunflower. Alam talaga yung gusto ko. Saka tuta. "Ang kyutt" saka tumingala sya.
"Sorry nga pala sa kagabi" Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala nandito si Uriel. "Ngayon hindi na ako lasing. Alam ko na ginagawa ko. Sa harap nang Mama at Papa mo pwede ba ako manligaw?" Ang hirap naman sagutin nang tanong mo. Ayos lang ba na may manligaw sakin kahit na may mahal akong iba?
"Akala ko ba kayo nii-" Nalito ako bigla sa nangyeyere. Parang ang sama ko ata sa nagawa ko at sa magagawa. Pag pumayag pano na si Mahal?
"Nagawa ko lang naman yon kasi gusto ko na mapansin mo ako. Fake jowa lang yon. Natutunan ko na hindi ko kailangan baguhin para-" Heto na ba? Yung hinihiling kong jowa? Nasa punto na sa gitna. Ayoko na gusto ko pero.
"Kain ka muna dito Nak" Yaya ni Mama. Anong Nak? Nakakahiya naman. Nak talaga? Agad agad wala pa nga akong sinasagot tsk.
"First time lang may manligaw sa anak ko " Sulsol pa si Papa. Ang hirap naman sabihin na ayoko. Nakakahiya. Akbay ni Papa. Nakakainis naman. Pero sa totoo lang nakangiti ako ngayon saka tumatawa. Kulit kasi nila amp.
"Hindi mo kailangan omoo o hindi" Singit ni Uriel sa usapan. Ano ba yan lumalayo na nga yung topic. "Kahit ano man piliin mo sa dalawa gusto ko talagang mapa sakin ka"
"Ayiee" Kilig ni Mama saka hampas kay Papa. Wahahaha. Mas kilig pa sakin. Ikaw nililigawan? "Nak gusto ko sya para sayo" Sayo na kaya ma.
"Madalang na lang mga gayan lalaki na formal na manligaw kasama yung mga magulang" Hayyst Papa naman ee. Alam kong walang masama mag paligaw. Ginusto naman nya yan. Wala akong sinabi na Oo o hindi.
[Hello nasaan ka na?] Tanong sakin ni John. Madaling madali naman to. Naglalakad ako ngayon sa hagdan sa rooftop. Tambayan namin dalawa. Sira kasi yung elevator.
"Ayos ka lang ba?" Parang umiiyak sya. Narinig ko yung singot nang ilong nya. Saka yung tono. Nang makarating agad ako sinalubong ako nang yakap. "Anong nangyare?" Baba ko nang cellphone saka yakap nang pabalik.
"Gusto ko si Uriell. Sinabi nya na sayo yung totoo. Na kwento nya sakin yung nangyare sa bahay nyo" Nalulungkot ako kasi alam ko yung nararamdaman nya alam ko. Agad kong pinunasan luha ko. Kung alam mo lang na mahal kita.
"Ano ba yan? Nasaan yung John na nakilala ko lalaki lang yan uyy" Ngiti ko wala akong maisip na sabihin. Naka plano na kaninang umaga na aaminin ko sana yung aking nararamdaman. Sakit pero kaingan ko munang lunukin.
[Ingatan mo sya ahh. Wag mo syang sasaktan. Sayo sya masaya kalimutan ko na lang sya] Pano naman ako ahh? Hindi mo ba ako tatanungin na ikaw gusto kong jowain ahh? Gusto kong sabihin pero mas kailangan nya ako ngayon.
"Ang oa mo namann. Walang kami ni Uriel Tzy" Pagbibiro ko. Ang plastic ko sobra. Sa totoo lang gusto ko syang sampalin. Bugbugin suntukin mala aldog. Naiinis ako na nasasaktan ang hapdi nasusunog ang puso ko. Hapdi.
"Ikaw ang gusto nya hindi ako" Hindi ba pwede na sabihin ko rin sayo yan? Ikaw ang gusto ko hindi sya. Kaso sya ang gusto mo hindi ako.
"Kailangan ko nang umuwi eleven na pala sorry sorry" Pag papalusot ko. Ayoko na narinig yung iba pa nya sasabihin. "Wag kang magalala hindi ko sya magugustohan" Kase ikaw yung mahal ko. "Wag kang mag alala papatigilin ko na sya manligaw sakin"
"Wag mong gagawin yon para sakin. Gusto ko na maging masaya sya. Ayos lang sakin na masaktan ako" Pagpipigil nya sakin. Napahinto ako. Ngayon nakatalid ako sakanya. Buti na lang hindi makita ni John yung luha.
"Hindi ko sya gagawin para sayo." Pumas ko sa luha ko saka harap sakanya saka ngumiti. "Gagawin ko yon kasi ayoko naman talaga sakanya" Tumalikod ulit ako. "Byebye na yare na ako kay Mama at Papa."
Heto ako ngayon nakatingin sa kalangitan.
Iniisip si John habang na sa kawalan.
Maliwanag na sakin na hindi mo ako magugustohan.
Sa puso mo may Uriel na nagniningning sa kalawakan.Ikaw ang bwan na tinitingala mula sa malayuan.
Ikaw ang bwan, na nag bigay nang liwanag na hindi mo ako magugustohan.
Ikaw ang bwan na kahit umaga gumugulo sakin isipan.
Ikaw ang bwan na kahit kailan hindi kita pwedeng hawakan.Ako yung dilim na di kapansin pansin kailan man.
Para kang bulag hindi mo ako makita nandito na ako sayong harapan.
Kapkapin mo na lang ako pero hindi mo ako maramdaman.
Uyy pwede ba idilat mo yang mata mo? Pwede ba na hanapin mo ako sa dilim? Aking minamanmanan.