JOWAIN kita

29 0 0
                                    

Ngayon nandito ako sa kama pinagiisipan yung sinabi ni Uriel na. Jojowain nya daw ako. Sige na nga payag na ako. "Aiii, Ayiee, Yeah" Kung ano ano pang lumabas sa bibig ko habang nagpapagulong gulong sa kama. Yung taong pinapangarap mo nasayo na. FlashBack.

"Oo seryoso akong jowain ka" imik nang bahagya ni Uriel. Gumising ka. Uyy gumising ka nga. Ayy oonga gising na pala ako. Lalo pang nang luho ang katawan ko nang ngumiti sya. Kyut amp.

"Ba-bakit ako?" Teka nag s-slow ako. Hindi man halata yung galak ko at hindi ngumingiti. Pero ang totoo gusto ko talagang tumalon, Kung pwede lang gumapang sa sahig o lumipad. Basta di ako nagpapaka oa ngayon.

"Kasi jojowain kitaa" O tapos? "Gus-too" Nag kadikit yung dalawang daliri nya. Halatang kinakabahan amp. Kase? Gusto mo ako? "Gusto ko mapalapit kay Merry"

"Gising" Isang tapik lang sakin ni Tita. Nagising agad ako. Tama tama yung nalaman nyo. Gusto akong gawin fake jowa para mapalapit sa kababata ko. Sakit diba. "May tao sa baba ang pogi" Parang alam ko na kung sino yon.

"Hi babe!" Bungad nya sakin pag kalabas ko nang pinto. Anong babe ahh? Kunot noo ko. Lumuhod sa harapan ko saka may nilabas mula sa likudan ni Uriel. "Flowers for you" Dahil mahaba ang hair ko pumasok ulit ako nang bahay saka padabog na sinara ang pinto. Syempre charot lang.

"Uyy tumayo ka nga." Tumingin tingin ako sa paligid. "Baka may makakita sayo" Bulong ko.

"Hindi ako aalis dito hanggat di mo tinatanggap yung flowers at hindi ako tatayo hanggat hindi ka pumapayag" Flowers ka nang flowers isa lang naman yan flowers, kaloka. "Please" Tatlong beses nyang sinabi.

"Sige na nga" Kinuha ko yung flower saka tumayo na sya. Yumakap sya saka nagpasalamat. "Bakit ba kailangan na jowain mo ako? Pwede naman na ligawan mo sya? Sigurado ka?" Grabe naman kumilos hindi kaya nag papalusot lang sya. May gusto din sya sakin?

"Ayos lang ba yung acting ko?" Tanggal nang pagkakayakap sakin. "Wag nang maraming tanong payag ka naman na Babe!" Kiss sa pisnge ko sabay deretso sa loob nang bahay. Ano yon pati ba naman yon acting? Napahawak ako sa pisnge ko. Bakit basa?Saka Inamoy. ang bango nang kamay ko.

"Anong plano mo?" Akala mo naman bahay nya maka asta. Humiga pa nga agad sa sofa. Sa bagay bahay namin to.

"Ganto" Ang dami nya nang pinagsasabi pero hindi napasok sa utak ko. Kasi ang mukhang laman nang bibig nya si Merry, Merry. Puro na lang Merry. Nasaan ako? "Babe nakikinig ka ba?"

Nasaan ka na? Chat ko kay Merry. Kanina pa lang umaga niyaya ko syang pumunta sa restaurant na to. Pumayag naman sya agad.

"Nandito na akoo" Ngiti nya sakin. Kinakabahan na ako sa gagawin namin. Mas inagahan namin ang pumunta dito para handa na lahat nang plano. "Sino yang kasama mo?"

"Merry si Uriel nga pala boyfriend ko. Babe si Merry, BestFriend ko. Simula bata mag kasama na kami nyann" umorder na kami nang pagkain. Lahat nang pagkain paborito ni Merry. Dadalhin na lang dito.

"Ano nga palang sasabihin mo sakin?" Nag simula na akong umacting na masakit yung tiyan. "Ayos ka lang?"

"Teka naiihi ako. Punta lang akong cr" Ngiti ko. Nag papanggap ako na kumikirot kirot. Alam mo kung anong masakit sakin ngayon? Yung puso ko. Naninikip sa sobrang lungkot. Kanina yung naghawakan pa lang sila. Ang sakit.

"Babe samahan na kita?" Ayos din yung gantong acting mo. Bihasang bihasa f*ck boy na f*ck boy talaga.

"Ayos lang ako. Hintayin nyo na lang ako dyan" Nag lakad na ako papalayo. Alam nyo kung saan ako pumunta? Sa labas nang restaurant hindi sa cr. Ngayon nakikita ko silang masayang nag uusap. Ayoko na makita ang susunod na pangyayare uuwi na lang ako.

Habang inaalala ko yung senaryo na nakikita ko sila sa restaurant. Nadudurog na ang puso ko. Pano pa kaya kung pinanood ko sila don? Tama ba tong ginagawa ko? Wala doon masaya si Uriel. Handa akong magparaya. Kahit masakit sakin basta makita lang na masaya yung taong minamahal ko.

[Putong inamoy may tumatawag sayo] Ringtone ko sa cellphone ko. Merry is calling. Sinagot ko. [Asan ka na?] Bigla akong kinabahan sa tanong nya. [Ayos ka lang ba talaga?]

"Ayos lang ako. Sorry kung iniwan ko kayo dyan nagtatae kasi ako" Alam kong nakakatawa tong naisip na plano. Pero di ako natatawa. Gusto kong umiyak at simigaw. Nang mabawasan naman yung sakit. Kaso bawal tumatawag pa sya. "Hindi ko kaya tumae dyan nakakahiya"

WANTED: True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon