First date namin nang JOWA ko

12 0 0
                                    

First Vlog namin ngayon. Wala pa kaming introduction pero may hinanda ako. Nag post ako sa Facebook kung ano yung gusto itanong samin saka sasagutin naman namin. Nag set na ako nang camera nasa kwarto nga pala kami ni John. Alam nyo na pangit background pag sa bahay. Handa na ako sagutin lahat.

"Wag na natin ituloy tong vlog" Patay nya sa camera na sinet ko.

"Bakit naman? Napagusapan na natin to ahh?" Ganda ganda nang umaga ko. Aga aga ko pa naman gumising tas ganto.

"Gusto ko sana makipag break sayo" May pa hawak pang kamay sakin. Anong tingin mo aayaw ako? Iiyak ako lol.

"Sige" Tumayo na ako saka lalabas sana nang pinto. Pero pinigilan nya ako.

"Hindi ka mag tatanong kung bakit? Pumapayag ka kagad?" Ngiti nya. Ano kayang nakakatawa.

"Kailangan ko pa ba tanungin? Kung ayaw na edi wag. Basic. Lalabas na ako tabe" Pilit nya parin akong hinaharangan. Bigla nya ako niyakap nang mahigpit. Hindi na kailangan nang paliwanag. Kung iiwan ka nyan iiwan ka nyan.

"Sorry na prank lang naman" Boses na parang umiiyak. "May camera don ohh" Turo nya. Sa lahat nang nag prank sya lang umiiyak saka niyakap ko rin sya. Ok. Wahaha. "Dito ka lang may kukunin ako sa labas" Pinunasan yung luha nya saka lumabas sya.

"Anong meron? Walang ka kwenta kwentang prank. Partida ikaw nag prank umiyakk." Napiyok kong pagsasalita. "Pano pa kaya pag ako yung nag prank sayo? Baka hindi lang iyak mag pakamatay ka pa" Umupo na ako sa kama. Tagal naman non nakakainip na maka labas na nga. Itatago nya sana sa likod Niya yung bulaklak.

"Ano ba yan wala na akong surprise nakita mo na" Abot sakin nang sunflower. Iba pala yung pakiramdam nang makatanggap nang bulaklak. "Ang malas ko naman" Padabog Yung yapak papasok sa loob nang kwarto. Binuksan na nya yung Camera na sinet ko. "Pano pala kung iwan kita papayag ka agad?"

"Bakit binibigyan mo ako nang bulaklak?" Kunot noo ko. Dapat ako yung nag bibigay hindi sya. "Oo iniiwan mo ako edi ok" Ikikiss ko sana sya buti na lang napigilan ko sarili ko. May camera pala.

"Happy valentine's dayy. Gusto kita bigyan bat ba." Hampas sakin. "Hindi mo ba nagustuhan?" Agaw sakin nang bulaklak. "Tapon na lang natinn" Bakit ganon? Agaw ko sakanya ulit saka inamoy.

"Sorry na nga po gustong gusto ko talaga" Sininghot ko nang sobra sobra yung tipong mauubusan nang amoy. "Tara na mag start na tayo" Kinuha ko na yung cellphone saka binasa yung tanong. "Bakit niyo naisipan ang mag vlog?"

"Ano bang Vlog yann? Pag nadapa ka vlog?" Ang pop corn naman neto naluto na yung mais. "Pag mahulog yung plato Vlog" Tumawa sya nang malakas yung oa na oa. Sumakay na lang ako pero pilit lang tawa ko. "Kaya naman ako nag vlog napilitan lang ako. Charr para sa memory mababalikan yung nangyare tapos bonding na din"

"Nice joke. Kaya gusto ko mag vlog para kumita saka may gimik gimik kami tulad nang prank na muntanga." Hampas nya sakin. "Arayy di matanggap ka bubuhan"

Paano naging kayo?
Sino unang nag ka gusto?
Sino nanligaw?

Sinagot namin isa isa. Pero di ko na idinetalye kasi alam nyo naman na. Lol.

"Sino ang top at bottom?" Tanong ko.

"Tingin ko ako top" Wow ang galing. "Nakita nyo naman sa galaw at pananalita mas lalaki ako at mas masarap-" May gusto pa yatang sabihin pero tinakpan ko na bibig nya.

"Ako top baka sapakin kita dyan subukan mo lang ako patungan-"

"Ako top" Singet nya. Tapos singit ko rin. Sa tingin ko talaga ako top wala pa naman kaseng nangyayare samin hayyst. Lintik na tanong yan nag away na kami. "E try na kaya natin mag ano nang mag kaalaman na kung sinong top" Malakas na bigkas ko.

[Uriel na gwapo sa buong mundo at wala nang hihigit sayo may tumatawag sagutin mong gwa-] Kinuha ko agad yung cellphone. Merry is calling. Angas nang ringtone ko noh? Totoo naman yon.

[Uriel kumakalat na sex scandal moo] Pinatay ko agad yung cell phone wala din pinatay ko pa kung narinig din nang jowa ko. Sana pala hindi nilakas. Anong scandal yon? Binuksan ko agad cellphone ko hinaltak naman ni John. Hala kinakabahan ako. Niyakap ko agad sya.

"Sorry" Ulit ulit kong sinasabi sakanya. Kahit hindi ko pa alam kung meron talaga. Kinuha ko ulit sakanya yung cellphone nakita nya yung please send master. Tapos nandon ako. Oo tama sex scandal ko nga yon. "Sorry" Niyakap ko sya na mas mahigpit pa. Di ko namalayan na lumuluha na pala ako.

"Baliw bakit Ka nag so-sorry? Umiiyak?" Hawe sa likod ko. Ayos naman tono nang boses nya akala ko nagagalit sya. "Gusto mo kasuhan natin kung sino nag post nyan?" Humarap ako saka ngumiti sya tapos pinunasan yung luha ko.

"Hindi mo ako iiwan?" Singhot ko sa sipon ko. "Akala ko iiwan na akoo" Mabuti na lang umayos ayos na pakiramdam ko. "Wag mo ako iiwan"

"Kung ano man yang scandal na yan panigurado na matagal na yan. Kilala kita na chicken boy ka non" Natawa ako nang bahagya. "Wag mo lang uulitin yan habang tayo-" Hindi ko napigilan na i kiss sya. Luh seryoso? Kiniss ko sya? Ang kulit nang mukha nya nanlaki tapos napakapit sa balikat ko. Agad ko tinanggal.

"Cut mo yung kiss" Napatingin ako sa camera.

"Ayoko nga first time mo nga ako i kiss. Ang syarap" Ngumiti ako saka yumuko. Hindi ako nakatingin nang deretso sakanya. "May tanong ako bakit minsan mo lang ako i kiss? Tapos pinagkakaila mo pa. Tapos pag kinikiss kita ayaw mo? Ahh Ta-"

"Shhh. E" Turo ko sa intuturo ko. "E" Tingin ko sa mata nya sabay iwas. Nahihiya ako sa kilig. "Ano..." Papatayin ko sana yung cam pero pinigilan nya ako.

"Hayaan mo malaman nila. Kung sino man nag post nang video nang asawa ko wala akong pake. Past lang yon ako ngayon. Gawa din tayo nang scandal?-" Gusto ko tumawa pero lutang talaga ako sa nangyayare.

"Shhh. Kaya minsan lang kita i kiss para hindi mawala yung kilig"

"Halata nga sa itsura mo" Yung kamay nya kinakaway na sa mukha ko. Iba talaga yung kiss na yon. Walang paliwanag na makakapag paliwanag kung anong pakiramdam non. Iba talaga. I kikiss nya sana ako.

"Anong ginagawa mo?" Tulak ko sa mukha nya papalayo.

WANTED: True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon