Kung ano ano na yung diskate na naisip ko para lang mapansin ni Merry pero wala parin. Alam nyo kung anong mabigat na pagpapanggap ko? Yung maging bi. Lalaki talaga ako kaya lang naman nagawa ko to kasi... Nasa bundok nga pala kami ngayon. Tama kaming tatlo magkatabi kami ni John ngayon sa damo.
"Higa ka rin masaya ditoo" Yaya ko kay Merry. Nag highking nga pala kami ngayon. Siguro pag hindi tumalove to. Heto na yung huling plano ko, first time kong mabaliw sa babae. Kung hindi nyo natatanong ako ang hinahanap ngayon ako na humahabol. Heto na yata yung karma.
"Sige" Nag sign ako sakanya na humiga sya sa tabi ko. Hinawakan bigla ni John sa kamay. Papansin naman to. Tumingin ako sakanya saka ngumiti hinawakan din sya pabalik. Medyo galit ako kay John. Kasi may... Lumapit si Merry saka tumabi sa tropa nya tapos hinawakan nya kamay ni John.
"Laro tayo tagu taguan? Medyo boring na" Bangon ko saka kamot nang ulo. Dito ko na sisimulan yung plano, isa pa ayoko na nakikita silang mag kasama nag seselos ako.
"Sige taya na ako babe" Tugon ni John. Pumayag na kami saka nagsimula na syang tumalikod. "Tagu taguan maliwanag ang bwan~" Hinawakan ko agad sa kamay si Merry saka hinaltak sya. Hayop na kamay yan ang kalyo pero kahit na magaspang ang sarap hawakan.
"Saan tayo pupunta?" Tayo? Sarap naman pakingan yung Tayo. Sana nga may Tayo. Kaso... Hindi literal na masarap hawakan kasi dama mo yung tigas medyo tumutusok. Pero kasi hawak mo yung kamay nang taong mahal mo kaya masarap. "Masyado na tayong malayo" Binitawan nya yung kamay ko.
"Pwede na dito" Bulong ko. "Hindi nya tayo agad makikita dito" Nasa likod kami nang punong mangga. Walang kamalay malay na hindi na kami hahanapin uuwi na nang bahay si John. Sa wakas masosolo na kita.
{Kokak kokak} Talon nang palaka sa paa ni Merry. Bigla syang napasigaw talon nung akmang yayakapin nya ko. Lumapit ako sakanya tapos kiniss sya. Ang lambot nang labi nya parang gusto kong kagatin nang bahagya. Kaso wag baka mahalatang sinadya ko. Hindi lang yon niyakap pa ako nang bahagya.
"Sorry" Alam mo kahit saglit lang yung moment na yon. Sobrang saya ko na. Parang nanalo ako nang loto kaso kailangan kong kumalma. Junjun ez. Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin. Siguro heto na pagkakataon para sabihin...
"Jowain sana kita" Bulong ko tapos tingin sa ibaba, kagat nang labi, titig sa mata nya. Ayan tinuturuan ko na kayo nang galawan gwapo. Panigurado ang lakas nang dating ko sakanya. Wag mo naman galingan. Masyadong ginagalingan. "Hindi joke lang. Ayos lang. Na I kiss mo ako"
"Tara na nga Isang oras na tayong nandito labas na tayo" Kunot nang noo. Ang kyut talaga pag nagagalit okaya nagsusungit. Wag kang mag alala pag napasakin ka hindi na ako mag hahanap nang iba. Ikaw lang. "Hala wala sya dito"
"Tara uwi na tayo pagabi naa" Yaya ko. Kungyare lang pero ayoko talaga alam ko naman na hindi pa yan uuwi. Tapos gagawin ko na yung susunod na plano ko. Nakakanis tong babae na to nag papabebe pa ayan ang gusto ko. Grrrr.
"Mamatay na baka hinahanap tayo non" Dukot sa bulsa kuha nang cellphone. Akala mo ahh walang signal dito. Alam kong tatawagan nya yung bestfriend nyang tukmol. "John" Sigaw nang malakas konti konti nang dumidilim. Kumapit na ako sa siko nya.
"Johnn" Sigaw ko din. Hehehe. Inabutan na kami nang dilim. Binuksan na yung flashlight nang cellphone. Sinadya ko talaga di mag dala nang cellphone ngayon. Alam nyo na. Namatay bigla yung ilaw saka yumakap ako kay Merry. Saka sinisigaw sigaw.
"Ano ba yan laki laki nang katawan mo. takot ka sa dilim?" Syempre kunware lang na takot ako sa dilim. Nag nginig nginigan ako. Para madama ko yung lambot nang hinaharap nya este maka totohanan.
"Uwi na tayo baka umuwi na yon" Sumang ayon na sya. Hayop bakit ganto nararamdaman ko. Iba tong tawag nang laman na to. Umayos ka kailangan mong magpaka bait. Habang nag lalakad kami pauwi ehh nakayakap parin ako sakanya. Tumatawa sya.
"Siguro natatae ulit yon" Tawad din akong malakas. Ang daming gagawin na dahilan yung pag tae pa. Amp. Hayop yung kamay nya tumatama sa alaga kong aso. Ano to sinasadya o tumatama lang talaga? Malapit na kami sa baba nang bundok.
"Merry I love you" Sinunggaban ko agad sya nang halik. Hindi lang basta halik yon. Halik nang makamandag na gwapo para masarapan talaga sya. Bumiglas biglas sya. Ayan ang gusto ko pumapalag. Tinulak nya akong malakas saka napahinto ako.
"Ang bastos moo!" Madiin na sinabi nya pero mas madiin ang pag sampal sa pisnge ko. Kung maririnig mo yung tunog parang putak nang nanay mo. Kasi hindi lang Isang beses ako sinalpal. Mga sampo? Ewan hindi ko nabilang. "Heto na huli natin pagkikita! Hindi kita magugustohan malibog!"
"So-" napahinto ako nang sinampal ulit ako. Sorry na Merry. Tuluyan na nga syang nawala. Alam mo hindi masakit yung sampal. Kahit isang libong sampal pa yan ayos lang tatanggapin ko. Kakayanin ko kahit gaano pa malakas yan. Pero yung masampal sayo ang katotohanan na hindi ka magugustohan ng...