"Tol bakla ka pala?" Ani nang kasama ko sa gym habang yakap yung binti ko at nakaupo sa paa ko. Nag sit ups ako ngayon. Nakakainis naman wala parin yung Asawa ko na si John.
"Di ako bakla baliww. Pag ba nag ka jowa nang lalaki bakla agad?" Angat ko nang ulo. Ang bigat na. Pero kakayanin parin para sa abs. Nakakadami na kaya ako. Sa wakas nandyan na din sya. "Good morningg" Ngiti ko sakanya. Buo na araw ko makita ko lang sya.
"Anong nangyare sayo? Diba lagpas pa sa sampo ang nagkandarapa na babae sayo? Anyare?" Nag hubad nang damit si John. Hayop na to hindi ako pinapansin ngayon ko lang nalaman na thermos pala sya may tinatagong kainitan. "Luh di na ako pinansin pag ibig nga naman"
"A-a-anong sabe mo? Sorry" Natulala kasi ako bigla. Mabuti na lang hindi tumulo laway ko nakanganga pa. "Sabe ko good morning!" Mas malakas na bigkas nya baka marinig nya. Pero di parin ako pinansin. Humiga na sya sa tapat ko na may karpet. Sungit naman neto may regla ata.
"Jadee" Sigaw nya. Sign sa ulo na pinapapunta nya. "Patulong naman ako" Te-teka a-a-anong gagawin nyo? Lumapit nga sya saka hinawakan yung binti. Nag simula na iangat katawan nya. Teka parang ang lapit naman nang mukha sa isat isa. Parang mag kikiss na sila. Nakakapang init naman nang ulo to.
"May kausap ba akoo? Lutang ata to." Napakamot sa ulo si Lanz tropa ko. E kasi naman alam nya na may Asawa sya. Ganyan umasta napaka landi naman. Tinabig ko sya paalis saka lumapit sakanilang dalawa.
"Jade ako na dyan!" Pag tataboy ko. Sya pala yung nagtuturo kung pano yung gagawin. "Bakit hindi mo ako pinapansin?" Nang gigigil na talaga ako. Gusto kong pumatay nang Tao. Nag patuloy lang sya sa push ups. "Bakit parang gusto mo sya i kiss?" Salamat ka Asawa kita kung hindi. Nako. Nako. Bakit sakin hindi naman malapit?
"E bakit ikaw? Nung lalaki?" Laki nang mata nya kahit di naman nya malaki. Tama nga ako may regla sya kailangan kong kumalma. Kung kanina gusto kong pumatay ngayon gusto kong lumaplap. Kaya lang tumigil na sya sa push up humiga na sya.
"Lumabas yung totoo? Tropa ko yon baliww" Ang kulit mag selos parang tanga ang babaw. "Kaya pala pinagseselos mo din akoo" Medyo tumatawang tono. Tumingin sa mata ko sabay taliwas. Hindi naman sya ganyan ang alam ko madaldal to. Bat ganon? "Sorry na poo" Nguso ko. Ngumiti sya.
"Sorry din" Push up nya sabay Kiss sakin. What? Ang lambot nang labi nya. Akala ko pa naman laplap pero ok na rin na kiss. "I" Baba nang katawan saka angat. "Love" May pangalawa pa? Sineswerte nga naman. "Youu" Inangat nya ulit ang katawan.
"Opps tama naa" Tayo ko. "Baka may Makakita satin" Kinuha ko yung damit nya saka hagis ko sa mukha nya. "Mag damit ka di ka naman nag huhubad!" Kunot noo ko. Sa totoo lang gusto ko nakikita katawan nya pero maraming tao dito.
"Nag hihintay yung Youu." Amp. "Nguso ko nangangawit na" Naka nguso parin sya. Bahala ka dyan. "Lalapit lang ako kapag nag damit ka na" Para matapos ang usapan ginawa ko na.
"May surprise ako" Tinakpan ko yung mata nya gamit yung kamay ko. Heto naman asawa ko tuwang tuwa. Tignan natin kung matuwa pa sya pag nalaman nya na yung surpresa ko. "Lakad pa malapit na tayoo" Sinimulan ko na tanggalin bumungad sakanya ang ibat ibang putahe nang street food.
"Ano too?" Bigla nawala yung saya nya. Hayyst. Nakakainis naman. Sabe na.
"Ayaw mo ata sige uwe na ako." Nawala na ako mood nag lakad na ako papalayo. Hinabol nya ako saka niyakap ako habang nakatalikod. "First Date ko pa naman sayo to. Pasensya na kung ayon lang kaya ko." Tanggal ko sa pagkakayakap nya saka humarap.
"Sira anong ayaw? Kumakain na nga ako" Bulol bulol nyang binanggit kasi Puno nang fish ball yung bibig nya. Syempre joke lang nag tatampo-tampuhan lang ako. Lunok nya. "First Date pala to?" Bumusangot ulit ako. "Alam mo kahit simple lang natutuwa ako kasi may patakip pa nalalaman" Haltak sakin pabalik sa street food.
"Talagaa?" Tango nya. "Alam mo bang inportante sakin to. Kase dito tayo unang nag usap" Salpak nya sa bibig ko nang pugo.
"Dami mong drama kumain ka naa" Nginuya ko na saka ngumiti. "Ayan dapatt ang gwapo mo pag nakangiti" Lalo akong natawa.
"Its a Prankk nag tatampo-tampuhan lang ako" Sinubo ko sakanya yung itlog ko. Kulay puti na may nakabalot orange.
"Pwede po ba mag pa picture sa inyo?" Lapit nang babae samin. Ahh? "Fan nyo po ako. Sana mag vlog kayo tas mag tagal pa kayo" Agad ko naman hinaltak yung cell phone nya.
"Ate tara picture tayo wag mong isama isa dyann" Nag front na ako. "May epal na sumisingitt. Kilala mo ba yan te?" Kinausap ko agad baka kasi sabihin e pa fame kame. "Antayin mo gagawa na kami."
"Sige salamat una na po ako" Umalis nang kinikilig pa. Luh nag selos ata yung asawa ko nag jojoke lang naman ako. Bahala ka dyan akala mo susuyuin kita. Binuksan nya yung cell phone nya.
"Tara hatid na kita sainyo pa gabe na." Nanlaki yung mata nya. Anong meron? Inagaw ko yung cell phone nya. Nakita ko yung video namin sa gym at habang nandito. Dalawang post sya tapos maiikli lang.
"Asawa ko ayos lang sayo na may nag vivideo satin?" Tinignan ko yung nag post dummy account. "Hindi ba nakakatakot yan parang sinusundan tayo." Binalik ko sakanya yung cellphone.
"Kaya hahatid na kita pauwi" Sumakay na kami sa motor. Iba talaga pakiramdam pagnakayakap sya sakin. Parang kinukuryente ako sa kiliti. "Asawa ko yung alaga mo nararamdaman koo" Sigaw ko. Tumawa naman sya nang malakas. Pero ang laki ahh parang 7 ganon.
"Hindi ko napigilan" Hayop ka. Bumaba na sya nang sasakyan. "Asawa ko gusto ko mag vlog" Mabuti naisipan nya yon ako gusto ko talaga sasabihin ko palang.
"Sige mag simula tayo bukas. Pasok ka na sa loob" Kikiss nya sana ako pero umiwas ako. "Anong ginagawa mo?"
"Good bye kiss lang. Yung you ko?" Nakanguso parin sya. Pinapasok ko na sya. Ang kyut naglalakad nang naka nguso. "Ingat kaa di kita bate" Lingon nya sakin. "Blee" Dila nya.
Uriel pwede ba tayo mag usap? Pm sakin ni Merry.
Sige punta ako sa bahay nyo. Malapit lang naman ako sa bahay nila.
"Kamusta na kayo?" Bungad nya sakin sa harap nang bahay nila.
"Ikaw masaya ka na ba?" Hindi ko naman kailangan sagutin yan malamang napanood na nya siguro video namin. Hindi na sya sumagot pumasok na lang sa loob nang bahay nya. Ang galing. Sana pala di mo ako pinapunta dito.