Sobrang sarap pala sa pakiramdam na mag bagong taon na buo yung pamilya. Kasama ko ngayon si Mama at si Papa. Naiintindihan ko naman kung bakit sila nag ibang bansa. Oo may pera kami pero yung layo nang magulang ko sakin. Ayos naman kami buo oras at distansya nga lang.
"Pa. Ma. May sasabihin po ako" Kabog nang dibdib ko. Simula sa oras na to pwedeng masira ang kasiyahan nang bagong taon at namin. Pero kailangan ko nang sabihin malaman na nila kung ano talaga ako.
"Bakit hindi pa sabihin nang direct" Tawa ni Papa. Pag kasi mabilisan baka hindi sila maniwala. Nakakaba kaya sobra sa tagal nang panahon hindi pa nila alam tungkol sakin.
"Bakla po ako" Bigla na lang tumahimik ang kapaligiran maging sila. Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Nakita ko ang kamao ni Papa na sumara. Yung mata bumubulusok. Bigla na lang ako sinapak sa mukha. Nang dahil don napahiga ako.
"Wala akong anak na bakla!" Malakas na madiin na bigkas nito. Dinaganan ako saka sinuntok suntok. "Wala akong pinalaking salot na bakla!" Yung suntok wala lang yan. Hindi ako tanggap nang Papa ko. Ayon ang masakit. "Basta bakla walang kwenta!"
"Tama na naa" Hagulgol ni Mama. Kanina pa inaawat ni Mama si Papa. Pero hindi nya maawat hanggang sa napatigil sya saka humagulgol din. Naawa ako sakanila. Bakit ba kasi bakla ka? Naturang may t.t. wala naman kwenta. Ano to ibuburo mo?
"Sorry po pa. Pero heto po ako" Bangon ko. Grabe yung luha nila. Niyakap ko si Papa saka kiniss sa noo. Walang luha o pagpapakita na nasasaktan ako buong tapang ko hinarap ang lahat. Wala heto yung totoo. Pilit na pumipiglas si Papa. Alam ko susuntukin nanaman ako pag tinanggal ko ang mahigpit na pagkakayakap.
"John Frix umalis ka muna" Pag mamakaawa ni Mama. Ayoko umalis pero kailangan para matapos na yung gulo. Gusto ko sana harapin lahat nang suntok at sakit nang loob ni Papa sakin. Ayos lang para matanggap na nya kung ano ako. Bumitaw na ako saka tumakbo palabas.
Kamusta na kaya sila ngayon sa bahay? Pa sorry kung bakla ako. Dapat hindi ko na sinabi. Bakit ngayon pa kasi? Nag lakad na ako papunta kala Merry. Siguro doon muna ako matutulog? Hindi nila ako pwedeng makitang nagkakaganito. Saan ako matutulog ngayon?
"P*tang*naa!" Sigaw ko nang malakas saka humagulgol na. Hindi ko alam gagawin ko. Magpapakalalaki na ba ako? O susundin ko kung ano talaga ako. Napaupo ako saka dumukdok. "Happy new year Pa. Ma. Mahal na mahal ko kayo" Bulong ko. Saka konti konti nag dilim ang paligid.
"Pa patawarin mo po ako" Dilat nang mata ko. Teka nasaan ako? Maliit na kwarto pero malinis. May pimpo sa noo ko saka bumangon. "Uriel?" Tama nandito sya. Teka nasa bahay nya ako at pinatulog nya ako sa kama habang sya sa sahig.
"Good Morning" Hikab nya saka bangon. "Teka nag handa ako nang almusal mo" Ngiti nya. Anong nakain neto? Abot sakin nang pagkain. "Pasensya na sa paligid inuupahan ko to" Ang daldal nya ata ngayon. Abot sakin nang plato na plastic. "May na alala ka ba dyan?" Nangisi ako bigla. Itlog at hakdog amp.
"Baliww. Hindi naman ako maarte salamat sayo tol" Subo ko. Nakakailang kumain sa harap nya tapos nakatingin pa. Pero nagugutom ako bahala ka dyan. "Kamusta kayo ni Merry?" Pag iiba ko sa usapan. Saka anong nangyare sakanila kagabi. "Kayo na ba?"
"Siraa hindi kami bagay non tayo talaga Yung bagay" Kalkal nya sa karton. Bigla na lang ako nabaknal. "Kilig sya agad ohh" Kuha nang tubig sa gripo. "Tubig wag ka muna mamatay magiging tayo pa" Ummm. Baliw na ata to. "Mag bihis ka at aalis tayo" Lapag nang damit nya sa kama. All in one tong kwarto na to. Sala, Kusina. Kulang na lang cr.
"Diba may Merry kaa? Ipapaalala ko lang sayo na hindi na tayo nag papanggap." Hubad ko nang damit. Pfft umiwas sya nang tingin. "Anong ginagawa mo? Saan tayo pupunta?"
"Ayoko bosohan yung future Jowa ko." Ang kyut amp. Akala mo talaga hindi pa nya nakita. "Surprise dalian mo" Lumabas na kami saka naglakad paibaba. Grabe binuhat nya ako papunta dito? Sa pangatlong palapag lang naman tinitirahan nya.
"Salamat sa pag gagamot sakinn. Hindi mo naman kailangan gawin to." Suot nang helmet sakin. Wtf. Bakit ganto? Wag kang bibigay. Wag kang marupok. Ganyan yang mga lalaki pag namemera lalo na at bakla ka. Sumakay na sya sa motor.
"Shhh wag na maraming tanong Babe." Babe? "Ano pa hinihintay mo? Sakay. Ayaw ata nang Babe. Baby ay Asawa ko na lang" Sakay ko sa likod nya saka hawak sa balikat. "Asawa ko wag dyan" Hinawakan nya kamay ko saka iniyakap sakanya. Hindi ko alam sasabihin ko. Natameme ako sa nangyayare.
"Aa" Napahigpit ako nang yakap sakanya dahil bigla nya pinaandar. "Uriel wag ako. May Mer-" Alam mo wag kang bumibigay sa mga mabubulaklak na salita. Pero hindi lang naman salita pati gawa.
"Shh" Napahinto ako sa salitang Merry. "Wag kang mag selos don ikaw lang." Ikaw lang? Sapat na? Kinikilig ang bakla. Wala man lang sya tinanong sakin na kung anong nangyare sakin. Anong meron? Bakit sa hospital? Pumasok sya saka sumunod na ako.
"Nak" Boses ni Mama. Teka si Papa to ahh. Hindi na ako nag tanong. Alam ko na inatake sya siguro kagabe. Tumulo yung luha ko saka pinunasan agad. Tumabi ako kay Papa dumukdok saka hinawakan yung kamay. Sorry pa. Umalis si Uriel nang di nagpapaalam.
"Ma bago pa magising si Papa alis na ako baka mapano pa sya." Tayo ko saka bitaw na kay Papa. Napahinto ako bigla nang may pumigil sakin. Hinawakan ako sa kamay ni Papa.
"Nak. Patawarin mo ako sa nagawa ko. Aaminin ko hindi ko tanggap na bakla ka. Pero anak parin kita kaya mamahalin parin kita. Pero kung ano ka talaga doon ako." Humarap ako sakanya saka yumakap. "Nurse pa check mo to" Nakita ni Papa yung mukha ko.
"Papa naman ayos na po ako" Ayoko nang ma drama. "Yaan mo pa tutuparin ko yung pangarap mo sakin na maging sundalo."
"Sira. Lelembot lembot ka di ka pwede donn" Mapag biro talaga. "Ang sabe ko kung saan ka doon ako. Kahit ayaw mong mag sundalo." Bwiset. Sobrang saya nang nararamdaman ko ngayon. "Sino yan? Boyfriend mo?" Turo ni Papa saka napalingon ako. May dalang prutas saka milktea.
"Buti pa yung Papa mo alam nya na boyfriend mo ako. Ikaw hindi" Banat nanaman nya. Aaminin ko kinikilig na ako sa ginagawa nya. Ano nangyare? Siguro ngayon nya pa lang napagtanto na gusto nya din ako. "Biro lang po. Pero nandito po ako para hingihin ang basbas nyo liligawan ko po sya." Abot nang prutas saka binigyan kami nang milktea ni Mama. Sabay mano sa kanila.
Wala akong nagawa kung hindi kiligin. Gusto ko mag tanong kaya lang nandito si Mama at si Papa. Hindi na to Joke ahh. Grabe na pagpapanggap nya pati magulang ko damay na. Pero di naman ako manhid. Totoo na talaga to.