Ika- Sampung araw ng simbang gabi. magkikita na naman kami ni John. Sampung araw na din akong hindi mapakali, kung anong susuutin ko para naman mapansin nya ako, umabot na nga sa puntong pati sa kilos ko. Hindi naman maliit hinaharap ko! Masarap naman ako. Ano ba yung tipo mo sa babae? Nakakainis ka! Grrrr!
"Anong nangyari sayo? At nakabusangot ka?" Hawak ni John sa labi ko saka pinilit niyang ingiti. Ngumiti na lang ako. "Ayan dapat ang dilag na katulad mo nakangiti lang, Cute mong tignan" pasalamat ka cute ka.
"Masaya ka na!?" Kunot nang noo ko pero naka ngiti parin. Ayan ganyan kayong mga lalaki! Hilig mag pa hulog nang loob. Hilig nyo gumawa nang motibo na akala namin may gusto kayo. Hayyst. Tapos wala naman pala. Ako naman itong si engot nag papadala nang bugso nang damdamin. Malay mo naman diba.
"Oo" Halakhak nya. Buset sarap mong laplapi- Kaini- Sampalin. Bakit ganito yung puso ko? Ang lakas nang tibok. Kulang na lang lumabas sa dibdib ko tapos kumawala sa koral. Pag nakikita at nakakasama sya. "May sasabihin ako sayo" Ayiee. Heto na ba ang katuparan nang hinihiling ko?
"Simulan na ang misa" Ano ba yann. Panira naman si father. Heto na nga aamin na si John na meron akong gusto sayo. Putek kung kanina gusto lang kumawala sa kural yung puso ko. Ngayon sa kalawakan na, Iba talaga nararamdaman ko parang kinikiliti ka nang sampung John. hahaha.
"Mamaya na lang" Bulong nya sakin. Ano bayan pabitin ehh. Gusto kita. Matagal na kitang gusto. Mahal na mahal kita Merry. Pwede bang maging tayo? Naririnig ko na ang tinig na napaka gandang boses nya. "Ama namin~" Huni nya. Bwiset di ko na namalayan pinagsasabi ni father.
"Pfft" Hinawakan ko ang kamay nya saka sumabay na din ako sa kanta. "Dito sa lupaa" Bakit nag iinit na ako kamay niya pa lang dumampi sa kamay ko. Pano pa kaya kung yung katawan ko sa katawan nyaa? Ibang kilig na yonn, Siguro yung katawan ko abot hanggang dilaw na buwan. "Ano nga pala sasabihin mo?"
"Teka" Hinawakan ang kamay ko saka hinila ako. Anong meron? Saan tayo pupunta? Bakit hindi pa sabihin agad. Kunware di ko pa alam sasabihin nya. Huminto na sya saka huminto narin ako Sabay harap sakin. Nge bakit sa walang tao pa? Siguro nahihiya sya. "May aaminin ako sayo. Pero bago yan gusto ko malaman hinihiling mo?"
"Ikaw muna mag sabi nang wish mo" Pagpapabebe ko nang mukha. Handa akong tumalon, laplapi- at yakapin ka. "Ganto na lang sabay na lang natin sabihin wish natin?" Tumango naman sya. "Pagbilang ko nang tatlo ahh"
"Gusto kong jowa" Sabay namin binanggit. Sabay din kami tumawa. Hindi ka matatawa pareho kami nang hinihiling. Teka kung pareho kami nang hinihiling ang ibig sabihinn. Pwede maging kami. Santa hindi pa naman pasko pero maaga mo ibibigay regalo ko. "May sasabihin din ako sayo pero ikaw muna anong sasabihin mo?"
"Naa" Aamin na ako na may gusto ako sakanya. Matagal ko nang kinikimkim simula bata pal ang. "Naa" Na ano? Ano bayan ang tagal nya pang sabihin. "Naa" Na gusto mo ako? "Bakla ako" Nanlaki ang mata ko sa gulat. Yung first love ko ba-bakla. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"
"A-alam ko na matagal ka nang... Ba bakla hehehe. Ayon sana itatanong ko kung bakla ka ba." Hello. Alang alang sabihin ko na may gusto ako sakanya. Malamang sa malamang pareho kami nang gusto nyan. Sayang ang gwapong bakla.
"Uyy gising" uyog sakin ni Mama. Mulat ko sa kama. Mabuti na lang panaginip lang ang lahat. "Sino yung sinisigaw mong bakla?" Hindi totoo ang lahat. Nagising na ako sa katotohanan na bakla sya. Teka pasko ngayon diba. Pwede pa matupad ang hinihiling ko.
"Santa sana tuparin mo hinihiling koo" Deretso agad ako sa sala. Nandon kasi yung Christmas tree at nilagay ko don na gusto kong jowa. Teka bakit walang regalong malaki. Di naman mag kakasya jowa ko dyan e. Kinuha ko yung medyas. Teka nandito yata jowa ko. Dali dali kong tinignan. May papel. anong nakasulat?
Heto JOWA. Hayop literal na nakasulat talaga sa papel. Hindi naman heto gusto ko. Jowang tao hindi Jowa na sulat.