Bagong taon na bagong taon di ko alam gagawin ko. "Hayyst" Kainis naman bakit ang lungkot lungkot ko. Gadgad ko sa ube. Handa nga pala namin ngayon.
"Uyy masyado kang tulala" Alam ko na kung kanino boses yon.
"Uriel bakit ka nandito? Bagong taon na umuwi ka sa inyo!" Bugnot ko. Naiinis ako pag nakikita sya. Pero aaminin ko may pag ka crush ako sakanya pero konte lang. Baka sabihin nyo ang harot ko si John lang talaga laman nang puso ko.
"Heto naman ang sungit sungit" Pag papacute nya. Tinulungan nya ako mag gadgad. Nakakainis naman tong mga magulang ko. Suportadong suportado porke sya unang nanligaw sakin? Hayyst. "Sobrang tulala mo kanina siguro iniisip mo ko noh?"
"Ang kapal din naman nang mukha mo" Napangiti ako. Iba yung natawa sa kinilig mag kaiba yon. Baka mamaya kung anong isipin nyo.
"Nak si John nanditoo" Ang liit naman nang mundo. Bakit nandito sya? Ano to liligawan nya rin ba ako? Ayy gusto lang ako makita nyan. Kinikilig naman ako.
"Tita saglit lang po ako nag dala lang nang salad" Ngiti nya. Alam kong malungkot yan malamang sa malamang nakita kami mag kasama ni Uriel. "Alis na po ako madami din ginagawa sa bahay" Nung aalis na si John pinigilan ko na sya.
"Shonga anong busy busyhan? Diba nasa ibang bansa yung magulang mo? Halika naa. Dito ka na mag bagong taon" Hinaltak ko sya sa loob. Saka pinatabi ko kay Uriel. "Upo ka dyan" Tatlo kami nag gagadgad nang ube. Awkward naman dito.
"Teka mag huhugas lang ako nang Plato" Deretso ako sa kusina. Nag sign na ako nang mukha kay John na harutin mo na yan usap kayo ganon. Isipin mo Mahal ako ni Uriel tapos Mahal ni Jonh si Uriel Mahal ko naman si Jonh. Nice nice pero ako lang nakakaalam non.
"Tulungan na kita dyan" Hawak nang plato ni Uriel. Gentlemen isa sa katangian nang lalaki na gustong gusto nang babae. Aaminin ko na yung way nang panliligaw nya gusto ko.
"Doon ka na kaya ko nang maghugas dito" Pag tataboy ko na nakangiti ako. Ayaw nya pa talaga mag papigil. "Uyy di ka namin katulong dito. Okk" Kuha ko nang plato saka tawa sya. Kinikilig amp. Natutuwa ako na nalulungkot saka tingala ko.
Nakikita kong masaya ang taong mahal ko kaya masaya ako, pero may lungkot kasi sa iba sya masaya hindi sakin. Ang gulo ko noh? Puro saya amp. Mali din ginagawa ko na pinagtutulakan ko si Uriel. Isa akong napaka laking T*anga.
[Anak umuwi ka sa bahayy] Ka video call ni John magulang nya. Hala nandito na sila sa pinas? Ang effort ahh. Sumang ayon naman sya. Sayang naman taon taon kasama ko mag bagong taon si John ngayon lang hindi. Pero masaya na din ako para sakanya.
"Ikaw Uriel? Konting oras na lang di ka uuwe?" Hindi Ito sa pagtataboy gusto ko na makasama nya yung pamilya nya.
"Hindi dito ako mag babagong taon para makasama kita sa buong taon" Banat nya saka sumoporta si Mama at Papa. Hayyst mga epal. Teka nangangamoy sunog ata yung ube dapat talaga hindi iniiwan yon. Dali dali akong pumuntang kusina. "Sa totoo lang wala akong magulang kaya dito ako mag babagong taon"
"Sorry sa nasabi ko" Halo ko sa ube. Hayyst may mabigat pala tong pinagdadaanan. "Sige dito kana pala mag bagong taon"
"Uuwi na lang ako kung naaawa Ka lang o napipilitan ka sakin. Sensya na kung makulit ako" Busangot nya. Asuss akala mo maawa ako sayo.
"Sige uwe ka na ingat ka sa daan baka mamutok ka" Taas nang kilay ko sakanya. Medyo kilala ko na sya na kwento sakin ni John lahat. Kabusit nga mas kilala pa tong gunggong kesa sakin.
"Akala ko naman concern ka sakin. Ang cute mo talaga" dampi nang ube gamit hintuturo saka tikim. "Pwede mo na pala ako asawahin kasi ang galing mo na mag luto" Halimaw talaga ang banatan netong gunggong na to nakakatawa talaga.
"Pag magaling mag luto asawa agad? Saka ikaw? Amp. Jowa nga wala asawa pa." Alam ko naman na masarap yan. Sa wakas natapos din lutuin. Heto ang pinaka nakakapagod na mahirap lutuin na handa.
"Alam mo Jowa lang kulang sayo. E bakit di mo ako jowain? Nandito naman ako. Hindi ka mag sisisi pangako" taas nang kanan kamay. "Nag bago na ako"
"Gusto mo sumama sakin?" Tanong ko saka hawak sa kamay nya. Nag tanong pa ako kung isasama ko din naman pala sya. Dadahil ko sya sa bubong mas masaya sa taas kitang kita yung mga magagandang paputok. "Konti na lang bagong taon naa" Pisil ko sa balikat nya.
"Ten, Nine" Sigaw namin pati mga bata sa harap nang bahay. Mag papaagaw kasi nang maraming barya si Mama at Papa sa loob nang bahay kaya ang daming bata. "Two, One. Happy new yearrrr" Sigaw ko nang malakas na malakas.
"Uyy ang lakas nang boses mo" Takip nang tenga nya. Bahala ka dyan. Nilabas ko na yung tinago kong dalawang Takip nang kaldero saka kinalampag to. Lalo pang umingay. "Para ka naman nakawala sa kurall"
"Mag ingat ka dinnn" Yung mga sasakyan nagsisiingayan na. Sumigaw sigaw na din sya. Nakakatuwa naman sya ang hina nang sigaw ayon na yon? Sinigawan ko sya sa tenga. "Wahhhh" Takip nang tenga nya. Napahinto kami napatingala kasi ang gaganda nang fireworks.
"Alam mo kung anong hiling ko sa bagong taon?" Napatingin ako sakanya. Kunot nang noo ano naman yon? "Ikaw" Saka kiss sa noo ko. Nabigla ako nang bigla ko syang nasampal. "So-" Ngiti nya.
"Sorry kung nasampal kita" Hawak ko sa pisnge nya.
"Hindi ayos lang. Dapat lang yon sa manyakis na katulad ko. Ikaw ano yung hiling mo?" Bigla na lang ako napatahimik saka tumulo yung luha sa mata ko. "Diba dapat ako yung umiiyak? Ano ba nagawa ko sayo?" Yakap nya sakin.
"Ipangako mo kung ano ka ngayon wag ka na babalik sa dati?" Tanggal nang pagkakayakap nya umupo na ulit ako ganon din sya. Ayoko na bumalik sya sa dati na masama talaga. Nag bago sya nang dahil sakin.
"Pangako" Taas nang kanan kamay nya ulit.
"Sorry." Sasabihin ko ba?
"Wala ako maintindihan" Bahala na.
"Ang hiling ko maging masaya yung taong mahal ko." Ayoko na talaga sabihin to. Makakasakit ako pero heto yung totoo.
"Sino yung mahal mo?"
"Sorry hindi ikaw. Si John at ikaw yung gusto nya." Alam ko yung nararamdaman ni Uriel ngayon. Ganyan din nararamdaman ko ngayon. Sobra syang nasasaktan kasi yung taong mahal nya iba ang mahal. Hindi naman pwede na turuan ko sarili ko. Uyy andyan si Uriel gagawin nya lahat para sayo.