***
Seph
Sacred Cross Academy, Bunker
Isang oras na ang nakalipas simula n’ong magbagsakan ang mga bato mula sa kung saan. Balot pa rin ng katahimikan ang kwarto na kinaroroonan namin ngayon. Walang may nagtangkang magsalita, o gumawa ng ingay. Ramdam ko sa mga kalamnan ng iba ang takot at labis na pagkabahala. Hindi man kita sa mukha nila ang gulat at truma dala ng nangyari, nahagip ko naman sa mga mata nila ang kagustuhang mabuhay. Walang ni isa sa kwartong ito ang gustong mamatay.
Hindi pa rin bumabalik sina Mama at Papa, pati na si Amer, at hindi na mapakali ang mga magulang ng binata dahil dito. Alam kong nag-aalala sila sa kapakanan ng anak nila, dahil responsibilidad iyon ng isang magulang. Pero wala silang dapat ipag-alala. Hindi hahayaan ni Papa na mapahamak si Amer, lalo na’t magulang din siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari nga ang nais na mangyari ni Ms. Uriel. Naisakatuparan niya ang kagustuhan niyang wasakin ang Thera. Pero kagustuhan niya ba talaga, o baka sinusunod niya lang ang inuutos sa kanya? Tanging siya at si Gabriel lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan sa likod ng kasamaang ito.
“Nabanggit ni Amer kanina ang tungkol sa mga silyo,” pagbasag ni Serio sa katahimikan na namayani sa bawat isa sa amin dito. Lahat ng mata nasa kanya, hudyat na nakuha niya ang atensiyon ng lahat. “Ano ba ‘tong mga silyo na ‘to?” dugtong niya. Mukhang hindi pa nababahagi nina Amer ang tungkol dito habang wala pa akong malay. Nagkatinginan kaming anim, umaasang isa sa amin ang magkusa na sagutin ang tanong.
Si Nyra ang tumugon. Pinaliwanag niya mula sa simula ang lahat ng nalaman namin tungkol sa Moderator. Ang mga karumaldumal nilang plano na hindi masikmura ng kahit sino. Dahil dito, nadagdagan ang gulat ng iba, lalo na ang mga magulang ng mga kaibigan ko. Nanatili namang kalmado si Dr. Cunnie na tila ba alam na niya ang tungkol dito, habang gulat katulad ng iba sina Dr. Owle at Dr. Sympha.
“Bakit naman nila papatayin ang Tagapaglikha?” tanong ni Dr. Sympha na may nakapintang nag-aalalang mukha.
Ako na ang sumagot. “True Freedom. Gusto ng Moderators na makawala sa batas na ipinatupad ng Tagapaglikha. Gusto niyang burahin ang linyang namamagitan sa tama at mali.”
“Mabuti nalang at wala na sila,” puri ng isang Doctor na nasa likod lang ni Dr. Owle.
“Itong tao na nagbukas ng mga silyo, kakampi ba siya ng mga Moderator?” tanong ni Dr. Cunnie.
Umiling ako. At saka ko kinuwento sa kanila ang tungkol sa dalawang anghel na pinadala dito sa Thera para sa isang misyon: ang tapusin ang kasamaan ng mga Moderator at sa kasamaang palad, pati ang Thera. Kagaya kanina, hindi pa rin sila makapaniwala.
“All this time, kasama namin ang isa sa mga mandirigmang-anghel ng Tagapaglikha? Akala ko isang anghel lang siya, gaya ng sabi niyo noon?” hindi makapaniwalang tanong ni Dr. Owle.
“Hindi ko lubos maisip na sa buong buhay ko dito sa Agartha, puno ito ng kasinungalingan,” bulalas naman ng magulang ni Lilie, na sinang-ayunan ng karamihan.
“May solusiyon ba dito? May paraan ba para mahinto ito?” nag-aalalang tanong ni Tesa na baka makakuha ng negatibong tugon. Maskin ako ay walang naiisip na paraan para mahinto ito. At sigurado akong wala ni isa dito ang may konkretong paraan para matigil ito. Pero kung mayroon man, kailangan ng isang sakripisiyo.
“Kayo, Seph?” tawag ni Dr. Cunnie sa pangalan ko na siyang nagpa-alerto sa akin. “Bilang Divine Creature, wala ka bang magagawa?”
“Sana nga meron, Dr. Cunnie,” napayuko ako dala ng dismaya. “pero maskin ang nilalang na katulad ko ay walang laban sa sakuna na nangyayari ngayon.”
BINABASA MO ANG
The Terminus of the League (BL Fantasy)
FantasyAbout the Book Tagumpay mang mailigtas ang Rebellion mula sa pagkukulong, bigo namang mailigtas ni Seph ang kaibigan niyang si Ria. Nagising mula sa pagkakatulog ng isang buwan, inakala ni Seph na panaginip lang ang lahat. Hindi inakala ni Seph na m...