XI: AUGURY OF THE NEAR FUTURE

45 8 0
                                    

***

Seph

Jerus, Somewhere in the Meadow

Pasado alas-dose na ng tanghali pero nandito pa rin kami sa kapatagan. Nagpapahinga at kinukuha ang nawalang lakas. Hindi pa rin tapos sina Tofer, Sirsa, at Amer sa panggagamot sa akin, tanda na marami nga akong natamong pinsala, at sa hindi kapani-paniwalang pagkakataon, hindi ko ito napansin habang nag-aaway kami ni Death. Todo ang konsentrasiyon ko sa laban na hindi ko na namalayan ang mga sugat at pasa na nakuha ko.

Tinamasa ko ang ganda ng kalangitan — ang asul nitong kulay na tila karagatan sa itaas, at ang mga ulap nito na kamakailan lang ay hindi ko na mahagilap. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na nga kami, gaya nang napagplanuhan. At napakasuwerte namin na makita ang dalawa sa mga kauri. Hindi na kami mag-aabalang hanapin sila, dahil sila ang nakahanap sa amin.

Gayunpaman, hindi pa rin maipagkakaila na hindi naging maganda ang pagkikita namin. Kung gaano kami kasuwerte na makita sila, ganoon din naman kami kamalas na makita sila sa sitwasiyong hindi namin inakala. Ayon kay Holi, protektado ang lugar na ‘to mula sa sakuna. Na hindi ito maaapektuhan sa kung ano man ang nangyayari sa labas.

Pero nagkamali siya…at dahil doon ay nasurpresa kami.

Kahit ang lugar na likha mismo ng Tagapaglikha; na protektado mismo ng kapangyarihan Niya, ay hindi pa rin nakaligtas mula sa mga hagupit dala ng silyo. At ang mas malala pa ay dito mismo nagmula ang isa sa sakuna na sigurado akong nananalasa na ngayon sa dalawang bansa. Mabuti nalang talaga at mas pinili ng apat na Anghel ng Paghuhukom na kami ang kalabanin, dahil hindi ako sigurado kung malalagpasan ng Agartha at Eden ang lupit nila.

“Tapos na, Seph,” bigay-alam ni Amer, tinutukoy ang katapusan ng panggagamot nila. Hindi ako tumugon, at sinubukan munang tumayo. Inalalayan niya ako, kasama si Tofer, hanggang sa makaupo sa damuhang hinigaan ko. Sa kasamaang palad, medyo masakit pa rin ang katawan ko, pero nakakaya ko na ito. Hindi katulad kanina na halos bumagsak ako sa sobrang sakit.

“Salamat sa inyong tatlo,” pasalamat ko sa kanila, habang suot ang isang ngiti na halos hindi na mapansin dahil sa liit nito. Kahit pagngiti nagpapadala ng kirot sa kalamnan ko.

“Tapos na din kami dito,” ulat ni Lilie na kakabagsak lang sa kamay niya. Gayundin si Nyra, na itinigil na ang mahikang gamit niya para gamutin si Gale.

“Salamat sa inyong dalawa,” nahihiyang pasalamat ni Gale. Kahit hindi ko kita sa mukha niya, alam kong namumula siya sa sobrang hiya. “Ayos na pala ang lahat. Pwede na tayong umalis dito,” anunsiyo ng agila.

“Mas mabuti pa nga. Oras na para mananghalian,” paalala ni Ox. “Umalis na tayo, Gale,” hudyat nito sa kaibigan na mabilis na ibinuka ang malapad niyang mga pakpak. Kasabay nito ang paglitaw ng isang dambuhalang magic circle sa paanan naming lahat, na siyang nagdala ng isang nakakasilaw na liwanag. Nang mawala ang liwanag, ang kapatagan kanina na halos hindi na maguhit dahil sa sira ay napalitan ng kuweba.

“Tama ka nga, Holi!” galak na bulalas ni Lilie na kumuha sa atensiyon naming lahat. Nakatingin sa tanawin na nasa harap na may dalawang magkaibang kulay at klima.

Sa kanan, ay ang lugar ng lamig para sa mga hayop na gusto ang temperaturang ito. Hindi nagnenyebe, pero balot ng makapal na yelo. Wala ding tanda ng pagkatunaw, senyales na hindi ito pangkaraniwan.

Sa kaliwa naman ay buhangin, imbis na yelo. Kasinkulay ng araw ang buhangin na tila isang araw ang naging abo at dito bumagsak. Hindi maipagkakaila ang init nito, dahil sa unang tingin palang alam nang mainit ito.

The Terminus of the League (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon