IV: SAIL AND SEA...AGAIN

57 10 0
                                    

***

Seph

Sacred Cross Academy, Ward

Parang kailan lang n’ong lumabas kami sa Agartha at maglayag para sa isang misyon. Halos magdadalawang buwan na simula n’ong maglakbay kami sa karagatan, pero heto kami ngayon, naghahanda para sa isa na namang paglalayag. Halong sabik at pangamba ang umiikot sa kaloob-looban ko: sabik na makita mula ang kagandahan ng karagatan — kung may natitira pa bang ganda —, at pangamba na baka maulit na naman ang nangyari dati.

Sa lahat ng nangyaring kamalasan sa buong buhay ko, mas malala ‘yong mapunta at makulong sa sikmura ng isang dambuhalang anathemas. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa kamay ng Moderator, dahil kahit papano ay matatagpuan pa ang bangkay ko. Hindi katulad sa loob ng isang halimaw na habambuhay kang mag-iisa, at walang sinomang makakaalam na pumanaw ka na pala. Isang malagim at masamang lugar para mamatay.

Kasalukuyang binababa ni Amer ang barko mula sa pinagbitayan nito. Voyager 2020 pa rin ang pinili namin dahil dito kami pamilyar at mas madali ring pangasiwaan. Mas mabilis din ito kesa sa ginamit nila Papa, at mas mabisa dahil nga sa dalawang paraan ng pagpapatakbo nito: ang makina na kumukuha ng enerhiya mula sa araw na nililikom ng solar sheet, at ang mismong layag na gumagamit ng hangin. Bagaman, isang hamon sa amin na gamitin ito dahil nga sa ala-ala na iniwan sa amin ni Ria at Dr. Gabriel na siyang mismong naging miyembro at naging kasama namin sa parehong barko.

Naghihintay naman sa tabi ko ang sandamakmak na mga kahon at karton na may lamang mga pagkain at mga importanteng bagay, at mga kasamahan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na magiging parte ulit ng paglalakbay na ‘to. Oo masaya ako na makasama ulit sila, lalo na’t isang buwan din akong tulog at walang malay. Sabik akong maglakbay ulit kasama sila, pero hindi sa ganitong sitwasiyon — na nanganganib ang buong Thera.

Malakas ang kutob ko na magiging pahirapan ang paglalayag nito, kesa sa nauna. Mas maraming hamon ang sasalubong at bubungad sa amin na posible naming ikabagsak. May mahika man kaming hawak laban sa mga ito, may limitasiyon din ang mga mahika namin. Darating ang oras na wala nang magagawa ang aming mahika, at ang tanging magagawa nalang namin ay ang tanggapin kung ano man ang nasa hinaharap.

Ayokong mawalan ulit ng kaibigan. Ayokong mabawasan ang mga tao na nakaukit sa puso ko. Isa ‘yan sa pinakapapangarap ko, lalo na ngayon — na kahit sa kabila ng pagiging Divine Creature, ay naramdaman kong mamuhay bilang isang karaniwang mamamayan, at hindi isang nilalang na itinadhana na protektahan ang Thera.

“Seph?” tawag sa akin ni Lilie, na kumawala sa akin mula sa kawalan. Hinarap ko siya at bumungad sa akin ang kanyang nag-aalalang mukha. “Ayos ka lang?”

“Huh? Ahh…ehh…ayos lang. May iniisip lang ako,” tapat na tugon ko, sabay labas ng isang matamis na ngiti. Naglabas din ng ngiti si Lilie, para pantayan ang emosiyon ko. Kumuha sa atensiyon ko ang nakababang barko, kaya sumenyas na ako. “Akyat na tayo!”

Kasunod ng naging anunsiyo ko, ay ang paglutang ng katawan ko paakyat sa barko. Nang makalapag ako sa sahig ng barko, ay agad kong tinungo ang hagdan na gawa sa lubid para paakyatin ang iba. Mas pinili ni Holi na lumipad katulad ko dahil hindi naman niya kayang akyatin ang hagdan. Nang makaakyat ang lahat, ay sinunod ko ang mga kahon at mga karton na ginamitan ko ng [Mass Teleportation]. Sa isang iglap lang ay nakasakay na, katulad namin, ang mga ito.

“Ganoon pa rin ba ang mga trabaho natin?” biglang tanong ni Hary.

“’Yon ang naranasan niyo noon kaya mas magiging madali sa inyo kapag nanatili kayo sa ganoong trabaho,” paliwanag ni Amer na sinang-ayunan ng lahat. Ibig sabihin, ako pa rin ang nakatalaga sa Navigation and Mobility, si Lilie sa Survelliance and Maintenance, sina Amer, Hary at Nyra sa makina, at bantay naman ang dalawang rebel. Para kay Tofer…

The Terminus of the League (BL Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon