***
Seph
Jerus, Ox and Gale’s Lair
Tinanggal ni Ox ang dambuhalang libro sa mesa, habang lumapit naman dito si Gale. Sa harap niya ay ang phone kong kakabigay lang nila Mama. Ito ang magsisilbing kasangkapan namin para sa prosesong ihahanda ni Gale. Pinalibutan namin ang mesa, para malapitang matunghayan ang paghahanda ng agila. Bawat isa sa amin ay sabik sa ipinagmayabang kanina ng agila — ang makausap ang sinoman sa Agartha, kahit sa napakalawak ng agwat namin dito.
Itinaas ni Gale ang kanang pakpak niya, at kinampay ito sa ibabaw lang ng mesa, ibabang parte ng phone. Kasabay ng kilos na ‘yon ay ang paglitaw ng isang pamilyar na magic circle at Karach. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito ang magic circle na inuukit sa portal slate para gumana ang [Portal] na mahika. Nang tingnan ko ito nang maayos, saka ko lang napag-alaman na sinunog pala ito para maimprinta sa mesa.
Inilipat ni Gale ang phone ko mula sa dating puwesto niya papunta sa magic circle. Nang maposisyon ng maayos, muling itinaas ng agila ang kanang pakpak niya at itinuon sa ibabaw ng phone. Isang Tier II magic circle ang lumitaw sa ibabaw ng phone na sinundan ng isa pang Tier II magic circle. Hindi ko alam kung anong mahika ang mga ito dahil hindi na nag-abala si Gale na isulat ang Karach ng mga ito.
Dahan-dahang nagliwanag ang sinunog na magic circle sa ilalim ng phone, at bumaba ang dalawang Tier II magic circle hanggang sa lagpasan nito ang phone. Kasunod na lumutang ang phone sa kinalalapagan niya, at umikot para harapin kami. Hindi nagtagal ay isang imahe ang lumitaw dito na sa sobrang pamilyar ay hindi ko na ito mapunto.
“Control room?” kompirmado ni Hary. Nang tingnan ko nang maayos ang imahe, saka ko lang napagtanto na control room nga ito. Natuwa ako at bumilib din. Hindi ko alam na kaya pala ‘to ni Gale.
“Magsalita na kayo,” hudyat ni Gale.
Nagkatinginan kami ni Amer, na tila inaalam kung sino sa amin ang magsasalita. Pero dahil siya ang matalino, tinanguan ko na siya, bilang tanda na siya na ang kumausap sa kung sino man ang nasa kabila. Tinanggap ito ni Amer sa pamamagitan ng pag-ayos sa salamin niya, kasabay ang isang lunok. Inayos niya ang sarili niya, sabay bulalas sa katagang, “Hello?”
Agad dumungaw mula sa console ang isang ulo. Puti ang buhok niya na sa sobrang haba ay tinali niya ito. May salamin din siya katulad kay Amer, at taglay niya ang kagwapuhan at karisma na parehong nilalabas ni Gabriel. “Amer?!” kunot-noong tawag ni Dr. Owle sa binata, habang nanliliit ang mata para makita nang maayos ito. “Nananaginip ba ako?” bulong niya sa sarili niya, pero narinig pa rin namin ito.
“Ako nga ‘to, Dr. Owle,” kompirmado ni Amer na muling ikinagulat ng guro.
“Paan—”
“Walang nang oras, Dr. Owle. Kailangan mong makinig sa akin. Nandito na kami sa Jerus at natagpuan na namin ang dalawa pang Divine Creatures. Natalo na din ang apat na Anghel ng Paghuhukom. Makinig ka sa ipapagawa ko sa’yo, Dr. Owle, dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng buong Thera.” Walang nagawa si Dr. Owle kundi ang manood kay Amer na parang isa itong multo. Hindi naman namin siya masisisi kung nagulat siya.
Dahan-dahan at malinaw na ipinaliwanag ni Amer ang naisip kong plano. Ipinakita din niya ang nasabing simbolo, na kinuhanan ng litrato ng guro gamit din ang phone niya. Tango nang tango si Dr. Owle habang nagpapaliwanag sa dapat nitong gawin. Alam kong hindi agad ito mapoproseso ng guro, pero kita ko sa mukha niya ang kagustuhang maniwala dito.
Halos kalahating-oras na ibinahagi ni Amer ang direksiyon hanggang sa matapos ito. Binasa muna ni Dr. Owle ang isinulat niya tungkol sa plano, habang nakakunot ang noo. Nakaguhit sa mukha niya ang pagdududa at walang kasiguraduhang gagana ang plano. Kaya hindi namin sinabi ang tungkol sa nakasulat na hinaharap sa libro, dahil ayaw naming palalain ang pag-alinlangan niya.
BINABASA MO ANG
The Terminus of the League (BL Fantasy)
FantasiAbout the Book Tagumpay mang mailigtas ang Rebellion mula sa pagkukulong, bigo namang mailigtas ni Seph ang kaibigan niyang si Ria. Nagising mula sa pagkakatulog ng isang buwan, inakala ni Seph na panaginip lang ang lahat. Hindi inakala ni Seph na m...