Intersecting Lines

27 0 0
                                    


**************************



Laurenna Phoebe Valiente

Pamilyar ako sa lugar, napuntahan ko na ito noon pero hindi ko maalala kung sino ang kasama ko at kung anong ginagawa ko dito. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip habang nag mamaneho ako, medyo traffic din ngayon kaya nakakainis. Nahihilo ako dahil patigil-tigil, hindi naman ganito sa New York eh!





Pero naalala ko na nasa Pilipinas na pala ako... Wala akong karapatang mag reklamo kase hindi naman ako ang may ari ng kalsadang dinaraanan ng mga tao.





Pag dating namin sa site ng project, it is indeed a law firm. Sa tapat lang ako nag parada ng sasakyan kahit okay na ang parking lot, nandoon kase ang mga kotse ng mga engineer na nandito at ayoko nang maki siksik pa sa kanila. Isa pa, hindi rin naman ako mag tatagal, hanggang mamayang gabi lang ako dito tapos babyahe rin ako pabalik sa San Nicolas.





Tulad ng ipinakita ni kuya Landon sa'kin, maayos na ang exterior pero ang loob ay hindi pa. Bakit kaya siya pa rin? Medyo curious ako sa bagay na iyon, wala kase akong alam sa mga ganitong bagay. Wala akong hilig kahit noon pa man, siguro mukhang nag mana talaga ako kay mommy. I wished I could have hugged her once more, I missed them both.





"Lauren? You okay?". Tanong ni kuya Luther. I nodded and smiled then nag patuloy na kami sa pag lalakad papasok sa loob ng building.




Ngayon naniniwala na talaga ako sa talento ng kapatid ko, pati yung exterior siya at ang grupo niya ang nag ayos?! Gaano ba kalaki ang binayad ng may ari neto? I doubt na si Jared ang may ari neto, medyo masinop siya pag dating sa pera. Oo mayaman siya pati na ang kapatid niya pero katwiran niya na hindi naman sa kaniya yon which make sense, at least may common sense siya diba?





"Kuya Landon? Ikaw din ba ang nag design ng loob?". I asked habang nag lalakad kami. Bahagya siyang tumawa sa tanong ko, bakit? May mali ba doon?





"Ngayon mo lang napatunayan na wala ka nga talagang alam sa mga ganitong bagay pero ang sagot ko sa tanong mo ay hindi ako kase engineer ako at hindi architect". Natatawa niyang paliwanag sa'kin. Ah so sinong nag design? Yon yung tinatanong ko kase ang galing niya. Gusto ko lang naman siyang puriin eh!





"Our team is in charge of the construction, we have to make sure that we're using the right material so the establishment won't collapse nor cause any incidents in the future. I made the blueprint for this building but architectures are the ones who's in charge of the designs including the interior". Dagdag niya pa.





Napangiwi ako ng labi kase wala akong naintindihan, hindi ko kase ipinapasok sa utak ko yung impormasyon lalo na kapag hindi ko gusto. Masyado na akong maraming iniisip para mag dagdag pa, balak kong maging abogado at hindi engineer o architect. Hindi ako interesado sa mga ganitong bagay, eto nga ata ang pinaka kinaiinisan ko kase hindi ako masyadong magaling gumuhit.





"Alam kong hindi mo naintindihan ang kahit na anong sinabi ko kaya huwag mo nang ipilit pa, pasok sa kanan tapos labas sa kaliwa". Natatawang sambit ni kuya Landon. Natawa rin ako dahil yon nga mismo ang ginawa ko, hindi niya na kaylangang ipaalala sa'kin.





"Engineers! Nandito na pala kayo!". A woman cheerfully welcomed my brothers. Naka tingin lang ako sa kaniya, she and her outfit itself are stunning. Sino kaya siya? She's wearing a hard hat, must be one of their colleagues.






Lumapit kami ng bahagya sa kaniya, I can't help but admire her beauty. She's even gorgeous up close so I'm really wondering and kept on asking myself kung sino siya, may ideya na ako pero hindi ako sigurado eh.






Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon