Until The Sky Is Clear

30 0 0
                                    






**************************




Jared Vincent Chavez





Sa sobrang bilis ng panahon, hindi na namin namamalayan na anibersaryo na pala ng St. Valentine kaya abala nanaman ang lahat pero ako? Chillax lang dito sa gilid. Ang kakambal neto ni West, naka isip nanaman ng kalokohan kaya nag sisimula na siyang mag recruit ng mga kapwa namin estudyante na magiging kidnappers. Si Eros at Thor ang magaling sa bagay na yon, bakit hindi nalang kaya silang dalawa ang pakiusapan niya tutal wala naman siyang balak mag bayad?






Si North? Pag babayarin mo? Malabo yon lalo na kapag alam niyang hindi naman magagamit. Ang yaman yaman ng kupal pero ubod ng kuripot, mas makunat pa siya sa chicharon na nahanginan. Si West naman? In between kuripot atsaka gastador, depende sa mood ng gago. Siguro ang mga Collins may sakit, si Psyche? Siya ang Reyna ng mga magagastos. Si Trinity naman hindi masyado, si Avi? Sakto lang din pero si ate Riane? Nakaka takot yon gumastos.






Maaga kaming pumasok dahil kaylangan daw kami sa hindi malamang kadahilanan, mamaya pa naman ang pagtatanghal kung iyon ang tinutukoy nila. Hindi ba nila alam na nagpa practice kami kahit nasa kalagitnaan kami ng misyon? Isipin mo nalang habang nakikipag barilan at basag ulo kami sa mga kalaban ay abala kaming kumakanta? Oo nakakatawang pakinggan pero saakin galing ang napaka gandang ideya na yan kaya ngayon wala na kaming problema.







Ang aga aga ko tuloy nag ayos, mabuti nalang maganda ang costume ko. Alice in the wonderland ang theme ng anniversary, akala ko talaga noon nag bibiro lang si Psyche pati na yung kambal tungkol dito pero akala ko lang pala yon kase seryoso silang mag pipinsan. Para silang hydra, pare-parehas kung mag isip at wala sa kanila ang marunong mag biro. Ako si Cheshire Cat ngayon, literal na pinag mukha akong pusa ni ate Riane. Nag effort pa talaga siyang bilihan ako ng contact lenses na pang pusa, para purr-pect daw. Daming alam amputcha...






Si Thor naman ang puting kuneho at hindi na ako mag tataka kung siya ang mananalo bilang best in costume, may hawak na carrots si tanga para daw totoo yung anik-anik niya. Yung kambal kase ang lakas ng tama, hindi ko alam kung sino sila pero mukha silang tanga. Yung kambal na kalbo at mataba sa Alice in the wonderland? Yon ang ginaya nila ngayon, si Eros? Siya si Alice sa araw na to. Natalo sa pustahan si Mr. Kupido, ako dapat ang naka suot ng Alice kaso ako ang nanalo.






Nakita ko na kanina si ate Riane, kasama niya na sina Psyche, Trinity at ang iba pa. Mukhang mag iikot ikot sila para mag check ng mga booths, may mga pasaway kaseng over pricing tapos kung ano ano ang ibinibenta. May booth na rin ang section nila AL at pupunta ako doon mamaya para mangamusta, dalawang linggo ko nang hindi nakikita ang maganda niyang pag mumukha at miss na miss ko na siya.



Sunod sunod ang mga misyon, imbis na wala akong intindihin? Wala akong choice dahil mga tarantado ang mga kaibigan ko at trip nila akong isama sa lahat. Ang usapan namin ni Vice Commander dapat hindi ako sasama sa ibang misyon diba? Pero joke lang pala yon, madadali lang naman ang ipinapagawa saamin pero wala pa rin kaming tulog na matino. Idagdag pa nag aalala ako kay AL, hindi pa kami nakaka ganti doon sa mga babaeng tinutukoy nila ni Cece.






"Red, pwesto na daw tayo malapit sa stage. Mag sisimula na tong kalokohan natin, tawagin mo na si Alice". Natatawang pag anyaya ni Thor saakin. Hindi kase gumagalaw si Eros sa posisyon niya, literal na para siyang yelo pero huwag ka dahil gumagala ang mga mata niya. Netong mga nakaraan kakaiba ang kilos niya, palagi siyang wala sa sarili.







"Alice tara na daw sabi ni Kalbo este West pala, mamaya mo na tunawin kung sino man yang pinag mamasdan mo". Paalala ko sa kaniya. Agad niya naman akong pinansin at binatukan ng mahina, naka ilag ako sa una pero tinamaan ako sa pangalawang pag kakataon.








Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon