**************************
Aviery Louisse Cortez
Miyerkules ng umaga ngayon at kasalukuyan akong nag bibihis para pumasok sa eskwelahan, mamamatay ako sa sobrang pagka bored kung buong mag hapon lang akong nasa bahay tapos walang gagawin. Kapag nasa school, at least doon makakapag exercise ako dahil mabubugbog ko ang mga pasaway at makukulit. Isa pa may exam daw sabi ni Mirella, kapag wala ako doon edi bumagsak naman ako. Hindi pa ako nakakapag pasa ng excuse letters, nasa laptop ko pa lahat dahil hindi ko pa napi-print. Masyado akong abala, either magkaka sakit o may lakad sa kung saang lupalop.
Ayaw sana nila akong pumasok kaya lang alam naman nilang hindi ako magpapapigil, pinabaunan nalang ako ni mama ng isang damakmak na gamot para sa lagnat ko. Gusto ko sanang tumawa dahil pakiramdam ko ay balak niyang ipainom iyon saakin ng sabay sabay, magaling na ako eh. Kung hindi ako kikilos, edi parang lalo ko lang inaalagaan yung sakit ko. Once in a blue moon lang naman ako magka ganito, malamang asul ang buwan nung isang araw kaya nagka lagnat ako ng malala.
Matapos kong mag ayos ng sarili ko ay bumaba ako para kumain na ng agahan, maagang pumasok si papa atsaka kuya Allard ngayon kaya puro lang kami babae. Hindi pa rin ako maka get over sa ginawa ni mama kanina, punong puno ng paracetamol yung bulsa ng bag ko tapos puro pag kain. Mag aaral ako sa school, hindi magpi picnic. Akala niya siguro field trip ang pupuntahan ko, hindi ko siya pinupuna kase baka hindi niya ako papasukin sa eskwelahan. Hahayaan ko nalang yung mga gamot doon tapos kakainin yung mga pag kain siyempre, ayoko namang mag sayang ng pag kain.
"Huwag mong kalimutang inumin yung gamot mo pag tapos mong kumain, kapag sumama ang pakiramdam mo ay mag paalam ka na kaagad sa teacher mo para maka uwi ka na". Pag aalala nanamang paalala ni ate Azalea saakin. Alam niyo ba kung pang ilang beses na niyang binanggit yan? Pang pitong beses na, alam ko namang nag aalala sila pero grabe naman yung paulit ulit. Daig pa nila yung sirang plaka ng kapit bahay.
"Ma, ate. Kalma lang po kayo okay? Magaling na yung lagnat ko, kahapon pa. Hindi na babalik yon". Sambit ko sa kanila. Napabuntong hininga ako ng malalim atsaka pinag patuloy ko ng tahimik ang pag kain ko, hindi na ulit sila nangulit which is a good thing. Finally, makaka-kain na ako ng walang maingay.
Matapos ng agahan namin ay pumasok na ako, balak ko sanang mag tricycle kaso sinundan ako ni ate Azalea para pumara ng isang taxi para saakin. Again, wala akong choice kaya sumakay ako doon. Sumilip ako sa mansyon ng mga Gonzalo, pumasok na ata si Mino kase wala na doon yung motor niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hinahanap ko pa rin siya kahit sinabi ko naman na sa sarili kong kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi pala talaga madaling gawin yon, kakayanin ko ba? O kakainin ko rin ang mga sinabi ko?
Hindi naman masyadong matagal yung byahe, walang traffic kase medyo maaga pa kaya hindi mag sasabay-sabay. Matapos kong mag bayad sa driver ay bumaba ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng gate, may mga nakakasalubong na akong kapwa ko estudyante at bumabati naman sila ng magandang umaga saakin. Mukhang wala namang kababalaghan ang naganap dito kahapon habang wala ako, that's new and a miracle. Magandang sign na naman to, at least maayos ang lahat. Natututo na siguro silang mag behave.
"Akala ko ba malala ang lagay mo?". Tanong ng isang demonyo saakin. Oh my goodness, don't tell me sinusundo na ako ni satanas? Why now? Pwede bang next time nalang? Wala ako sa mood makipag talo ngayon, sino ang nag tatanong? Sino pa ba? Edi si Margaret. Ang punyemas na to, nag hahanap nanaman ng sakit ng katawan.
BINABASA MO ANG
Under The Twilight Sky (KOV #3)
Bilim KurguThis is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get tired of looking at what's happening up there. When our fate decides to take you away from me, I was angry and all I wanted to do is to dest...