Bleeding Hearts

51 0 0
                                    










**********************








Aviery Louisse Cortez








Dalawang araw lamang akong nanatili sa ospital, ngayon maaari na akong pumasok ulit dahil wala namang problema saakin. Namamaga lang dahil sa lakas ng pag kakapalo pero ayos naman na atsaka walang butong nabali or whatsoever, gusto pa rin mag demanda ni papa kaya pinigilan ko siya. Ayoko ko na ng gulo, sila ang mali pero ayokong may magulang na madadamay lalo na yong pamilya ng lalaking iyon. Lola na lamang ang kasama niya sa buhay, mayaman lang talaga sila dahil sa perang pamana sa kaniya ng mga magulang niya at sigurado akong luluhod ang matanda sa harapan ko kapag naisipan kong ituloy ang kaso laban sa apo niyang suwail.









Kasalukuyan akong nag bibihis ng pamasok na uniporme ngayon, medyo nahihirapan pa rin akong mag bihis pero tolerable naman na yung sakit. Ayaw pa talaga nila akong papasukin kaso alam naman nilang hindi ako makakapag na mabulok dito sa bahay namin mag isa, hangga't maaari nga gusto kong kumilos para masanay yung katawan ko sa ganon para hindi rin ako maging tamad dahil alam kong hindi nmana nila magugustuhan kapag nagka totoo ang bagay na iyon.










Maaga akong papasok ngayon para wala na talaga silang magagawa kase naka bihis na ako at sigurado naman akong hindi nila gusto na masayang ang effort kong mag sipag na mag aral kahit na may masakit pa saakin, dapat nga matuwa pa sila na ganito ang anak nila eh. Kung ibang magulang to malamang tumatayo pa pati mga balahibo non, they should just be thankful na hindi ako kagaya ng ibang bata na maarte atsaka pagaling na rin naman na tong tama ko sa balikat pati likod kaya hindi na talaga dapat sila nag iisip o nag aalala pa.









Maayos na rin kami ni Minonggoloid, siya ang nag sorry kase siya naman talaga tong bobo na may kasalanan. Sukat akalain mo na namang sisihin ako? Edi naka tikim tuloy siya kay Ryuu ng isang malakas na sapak tapos binigyan din siya ng tig isa nina Arc atsaka Rylan, bonus na yung tatlong batok mula kina Ashryver, Mirella pati na rin si Blanche naki sali para daw kumpleto ang buong student council. Ngayon wala kaming balita tungkol sa relasyon nila pero narinig kong hiwalay na daw sila ulit ni Mino, kaya pala gabi gabi akong pinapatakas ni Mino para lang ituloy yung contest namin na malapit ng matapos. Pantay ang record namin ngayon, 40-40 kaya sa susunod na kumain ulit kami malamang isa na saamin ang mananalo at makaka kuha nung kahilingan.










Napabuntong hininga ako habang pinag mamasdan ang labas, kitang kita kase sa bintana ko ang kwarto niya at kasalukuyan din siyang mag aayos ng sarili niya. Huwag kayong mag isip ng kung ako dahil hindi ko siya binubosohan no, nakita ko na ang katawan nilang lahat at hindi naman sila mga matcho dahil may abs lang silang apat nila Arc. Sa tingin ko para lang silang mga nag lalakad na buto, isa pa hindi ako interesado kung katawan lang din naman ang pag uusapan dahil baka iuntog ko pa sila sa apat na abs ko. Papaanong hindi ako mag kakaroon? Kasali ako sa iba't ibang sport pero tumigil na ako dahil nakakaawa naman yung ibang players, palagi nalang silang hindi nakikita atsaka abala ako sa pagiging presidente ng school kaya sa kanila na ang tronong iyon.








Hindi lang ako nag papabaya sa katawan ko kaya hanggang ngayon hindi pa rin nawawala, malamang kapag nag pabaya ako doon lang to malulusaw at magiging taba. Ayoko din naman ng ganon kaya hindi na baling mag exercise pa rin ako araw araw, speaking of the devil hindi ako kakain ng almusal ngayon dahil hindi pa ata natutunaw yung kinain namin ni Mino kagabi. Hindi din naman ako gutom kaya ayos lang na mamaya nalang ako kumain, may allowance naman na akong matanggap kagabi galing sa kanilang lahat. Ibinabalik ko kay ate Azalea atsaka kay kuya Allard yung mga binigay nila kaso ayaw naman nilang tanggapin pabalik, itago ko nalang daw para sa susunod.









Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon