The Prince And The Wolf

43 0 0
                                    





**************************




Aviery Louisse Cortez




Nagpa kita na kaagad saakin ang tatlong itlog, nag aya lang naman silang kumain sandali kaya isinama ko na rin si Cece para pati siya maka kain na rin. Nasa Villa Amore daw silang tatlo ngayon, kanina lang sila dumating pero natulog pa kase sila kaya kani-kanina lang din sila naka punta. Hindi na ako nag pahatid pabalik sa dorm, baka kase maging chismis lang kapag may naka kita pa sa kanilang tatlo.







Trip lang daw nila akong puntuhan, hindi na daw kase sila makapag hintay sa kinabukasan. Mabuti nalang, wala pa ring pasok ngayon. Hindi ako nag papasalamat sa baha, maraming taong nahihirapang umuwi ngayon kaya hindi yon nakaka tuwa at mas lalo ng hindi nararapat ipag pasalamat. Maaga silang byumahe para maiiwasan ang traffic pati para hindi mag bago ang isip ni Ryuu, kakaiba pa naman siya kapag sinapian ng katamaran sa katawan.





Hindi naman masyadong nakakapagod ang araw na to, kaylangan ko lang namang kausapin si Jared para maiwasan ang misunderstanding habang maaga pa. Nag pasya ako na ipakilala na siya sa tatlo bukas, ayos lang naman daw pero hindi na sasama yung mga pasaway. Si Jared lang ang sasama saakin at wala ng iba pa, mas maganda na rin yon para iwas gulo?








Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nag set ng alarm eh wala namang pasok dahil Sabado, si Cece kakauwi niya lang ata kaya sleeping beauty pa ang lola mo. Naka uniporme pa siya, uniform ng hotel na pinapasukan niya at hindi sa school. Siguradong mamaya pa siya magigising kaya hindi dapat ako gumawa ng kahit na anong ingay para hindi ako maka istorbo, dahan dahan ako sa lahat ng gawain lalo na sa pag bubukas ng pintuan para maka labas.








Ako na ang mag hahanda ng makakain namin ngayong umaga tutal siya naman ang nag luluto sa tanghali o gabi, depende kung anong oras siya matatapat. Minsan naman kase hindi na kami parehas kumakain, minsan naman sa labas kami kumakain kase may malapit na karenderya dito. Mura lang ang mga pag kain doon atsaka masasarap, lutong nanay kase kaya siguro ganon. Naniniwala ako na ang mga nanay ang pinaka magagaling na Chefs sa buong mundo, hanga ako sa kanila!







"Oh? Maganda umaga! Ang aga mo ata ngayon AL? walang pasok ngayon ah?". Masayang bati ng isa sa mga kasama namin dito sa dorm. Nasa 3rd floor ang kwarto niya, mag isa palang siya doon kase wala pang ibang umuupa. Matatapos na siya sa kursong Architecture, at matagal na rin siyang naka tira sa dorm na to.







"Sayo rin, magandang umaga! May lakad po kase ako mamaya kaya kaylangan kong maipag luto si Cece. Baka kase hindi nanaman siya kumain mamaya lalo na't wala ako para bantayan siya". Paliwanag ko sa kaniya. Napaka pasaway na bata netong si Cece kahit kailan, hindi siya kumakain kapag wala ako kase katwiran niya ay mag isa lang naman siya.







Siyempre concern ako bilang roommate, classmate at kaibigan niya, sa loob ng dalawang taon na mag kasama kami sa iisang kwarto at eskwelahan? Hindi ko maiiwasan ang pag aalala sa kaniya kase una sa lahat, siya lang ang nandito sa San Nicolas. Wala na siyang ibang kamag anak o kapatid, sinong mag aalala sa kaniya? It's not like West is always around to take care of her nor look after her.







They may be in a relationship but it's not that simple, both of them have their own lives and responsibilities. Isa pa hindi naman palaging pasko o bagong taon, ang ibig kong sabihin ay hindi naman palaging bakasyon na maaari silang mag liwaliw sa labas. Gumala o mag punta sa kung saan, si West may ari ng isang hotel habang si Cece naman nag tatrabaho sa hotel.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon