When The Sun Goes Down

28 0 0
                                    




**************************



Jared Vincent Chavez




Kakatapos lang ng training namin, pakiramdam ko nawawala ang mga ugat at buto ng katawan ko dahil sa sobrang pagod. Para akong pinaparusahan ng todo, ilang araw lang naman akong hindi kumain eh. Noon nga isang linggo pa lalo na kapag nasa misyon kami, kakain na talaga ako mamaya. Hindi na ako mag papagutom kahit kailan, parusa amputcha! Nakakainis, hindi ako makapag focus kase gutom na ako.






"Sino ka-text mo? May girlfriend ka na no?". Tanong ko kay Light. Ipinakita niya sa'kin ang telepono niya, si Trinity pala ang kausap niya. Tapos na rin kase ang mga babae sa training nila kaya mag papahinga na rin sila.






"Doon na tayo sa lounge! Ayaw ko na dito! Parang may pa free trial si Satanas! Ang init!!". Reklamo ni North. Oo nga kanina pa kami naliligo sa pawis, hindi pa ako naliligo kaya talagang pag uwi ko mamaya sa bahay? Mag bababad ako ng todo kase kaylangan ko yon pati gutom na talaga ako.






"Thor! Ayaw ko na mag lakad! Buhatin mo ko!". Aniya ko. Inaabot ko ang kamay ko sa kaniya pero nilagpasan lang ako ng gago, palibhasa hinihintay na rin siya ng bebe niya eh. Mapapa sana lahat ka na lang talaga pero hindi ko naman gugustuhing pumasok si Lauren sa ganitong buhay, baka multuhin pa ako ng mga magulang niya eh.






"Tara na Jared, sasaraduhan kita ng pintuan kapag hindi ka pa tumayo diyan". Natatawang paalala ni Light sa'kin. Kumaripas tuloy ako ng takbo palabas dahil sa takot, sinabayan ko na sina Thor, Eros, atsaka yung kambal. Minsan pa naman hindi marunong mag biro si Light, kung gago si North? Hindi ganon si Light, minsan lang talaga.





"Jared? Ano pa lang sinabi mong palusot kay AL?". Tanong ni Thor sa'kin. Edi ano pa ba? Yung business ni ate Riane, totoo namang minsan ako ang nag pupunta sa meaning kaso agad din akong umaalis kase sobrang boring. Isa to sa dahilan kung bakit hindi ko pinasok ang corporate world, mas gusto ko pa rin ang tungkol sa batas.






"Sabi ko nasa business trip ako, maniniwala naman yon basta ako ang nag sabi. Ikaw West? Anong kalokohan ang ipinalusot mo kay Cece?". Ako naman ang nag pasa ng tanong kay West. Napabuntong siya ng hininga at malalim yon, huwag mong sabihing may problema din sila? Mukhang meron din. Hindi naman ganiyan si West pero sabagay, tong tropa namin? Galit palagi at bihira kung ngumiti.






"I said the same thing, do I have any choice left? Will she believe me if I told her that I died?". Pambabara ni West sa'kin. Aba bastos to ah, nag tatanong lang ako eh! Bakit ka high blood!? Ganitong nagugutom na ako, baka ikaw na makain ko.






"Your cousin is actually curious as well, she's been asking me a lot about the business trips". Sabat ni Eros. Si Psyche? Hindi ko gets, ay teka? Oo nga pala no? Doon siya nagta trabaho sa kumpanya nila Eros bilang secretary! HAHAHAHAHA kapag minamalas nga naman talaga eh no? Hindi naman kami magka kapatid pero ang kamalasan namin? Kambal-kambal.





"She's actually ridiculous, she'll ask me about it then suddenly she'll act sassy towards me. I didn't even do anything and it's like she's the boss and I'm her secretary". Natatawa pang dagdag ni Eros. Nag tawanan kami dahil sa sinabi niya, ganon talaga kase yon diba? Siya ang batas pero ikaw ang boss.






"Psyche became a bit nicer than before, she can be a tyrant sometimes but she's still the same Psyche whom we once knew and I'm actually worried about one thing". Medyo nag aalangang aniya ni West. Medyo malayo kase kami sa mga babae, eto kaseng si Thor ay napaka sipag tumakas noon. Yon ang ikinakatakot ni Trinity at Vice Commander.





Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon