15

20 2 2
                                    

a/n  - so ayun buhay pa naman ako, talagang nawawalan lang ako ng inspiration nitong mga nakaarang araw, nakakasawa na mag stay sa bahaaay! sanaol di strict parents chos lang. 

don't forget to vote hehe!

enjoy reading! xx

---


Feeling super proud ako sa sarili ko dahil diko pinansin si Casper kanina.

Hmp!

Manigas siya, ilang beses din naman niya akong di pinapansin saka ayaw ko rin namang makipaglapit sa kaniya knowing na may girlriend napala siya.

Parang may gumihit na kung ano sa dibdib ko. May girlfriend na si crush.

Diko maiwasang magsimangot sa buong klase, 'di rin kasi ako nagtagal kanina sa lib kahit walang mapuntahan umalis nako do'n. Baka diko maiwasang lapitan siya eh. Marupok panaman ako. Bakit ba sabay sabay naman problema ko ngayon? Una si sa pamilya tas pati ba naman si Casper sasabay pa?

Bakit naman kasi pinoproblema ko si Casper, e crush-crush lang naman!

Pero sa dalawang yo'n dapat pamilya ko nalang isipin ko. Bakit ko pa pagtuunan ng pansin si Casper eh, simula una palang wala naman siyang pake?

At saka simula nung makita ko siya kasama yung babae niya, diko mapigilang makaramdam ng insecurities. Aminado naman kasi akong mas maganda siya sakin, petite tapos mas maputi siya sakin parang chinita talaga at halatang mayaman din.

Diko napigilang magbugtong hininga sa dami ng iniisip ko. "May problema kaba, Rory?"

Meron. "Wala naman, bakit?"

"You're sighing," ngumiwi si Franco di naniniwala sa sinabi ko.

"If your having problem I'm here, if you want to talk about it just tell me. We're friends, right?" Bakit di nalang si Franco naging crush ko? kung siya ba naging crush ko di niya ko iiwasan tulad ni Casper? Guwapo naman si Franco, mayaman saka matalino at masipag pa. Nasa kaniya na lahat, siya laging kasama ko, kaya bakit di ako sakaniya nagkagusto? Tapos kay Casper? Napaka konti lang ng alam ko sa kaniya bukod sa pangalan niya saka section at year niya tapos hindi pako pinapansin tss.

Pero alam kong kahit gaano pa ka perfect si Franco, kay Casper parin bagsak ng puso ko. Arghhh! Ano bayan, bakit ganon?!

Minsan na ngalang magka crush, may girlfriend pa!

"Thank you," ngumiti ako sa kaniya, diko kayang magsabi ng problema ko. Baka pati siya isipin niya pa mga inaalala ko, meron din naman siyang problema sa kanila kaya ayaw kong dumagdag pa.

"Always," he patted my head.

Nasa kalagitnaan kami ng klase kaya mahina lang kaming nagsasalita, tinuloy nalang namin ang pakikinig sa prof. He did that, while Itried pero lutang parin ako, nakatulala lang ako sa kawalan. Namalayan ko nalang na tapos nayung klase.

Habang nag aayos ng gamit pilit kong tinatabiy sa utak ko si Casper at isipin ang scholarahip na gusto kong makuha para sa susunod na taon at problema sa bahay.

"San ka pupunta?"

"Hahanap ng trabaho, may vacant pa naman sayang oras." May vacant kami kaya naisipan kong maglakad lakad sa labas ng campus para maghanap ng hiring para part time. Sigurado akong di papayag si Papa pero kailangan kong gawin 'to. Gusto kong makatulong.

"Samahan kita, pwede?" Saglit akong ngumuso kung papasamahin kopa ba siya o hindi, nakakahiya naman kase baka maabala kolang siya.

"Sure ka? Wala kabang babasahin o ano mang gagawin?" tanong ko, mamaya may gagawin pa pala siya. Lagi siyang busy magbasa at maga aral palagi. Plus part pa siya ng student council.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon