(A short update again!)
Ang usapan 7 am jusko anong oras na?! Baka malate ako sa klase ko.
"Hello, asan naba kayong dalawa?" tawag ko sa kabilang linya.
"Andito na sandale! Ang landi kasi nitong si Yesha daming lalaki!" bakas ang pagkairita sa boses ni Sophia. Halatang nayayamot. Knowing Yesha, she sure have a lot of friends, mostly guys. Eh kami nga lang ata ni Sophia ang loyal na babaeng kaibigan niya eh. Paano, halos lahat ng babaeng kilala niya kaaway siya dahil daw inaagawan niya ng atensyon mga jowa nila.
"-Hey! I'm not, he's my friend!" narinig kopa ang pag dedepensa ni Yesha. "Whatever!" ani Sophia, di na ako magtataka kung umiikot nayung mata niya ngayon. Magkasama kasi sila sa isang apartment, nagulat nga ko na nagtagal silang dalawa sa isang bubong ng higit sa isang taon. Eh saming tatlo silang dalawa langing nagtatalo. Siguro lamang parin pagihing magkaibigan nila, and that's why I like them.
No matter what how harsh words came from each others mouth I know that we just care for each other. And we always will.
"Sige na baba kona nakikita kona kayo," I replied nang makita kona silang dalawang nagtutulakan at nagkakairirtahan. Napairap ako sa kawalan at sinalubong sila.
"Ano ba kayo? Aga aga nag aaway nanaman kayo," pumagitna na ako sa kanila bago pa sila magsimulang mag sabunutan.
"Hayy nako itanong mo diyan kay Yesha, feeling walang klase?"
Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante kaya hinila kona sila para dumeretso sa klase nang biglang may nabangga kaming lalaki.
"Hala sorry--" dali dali akong lumuhod para tulungan siya sa mga dala niyang libro.
"Ayos lang..." kinuha na niya sa kamay ko 'yung dalawang libro na pinulot ko at tumayo.
Cute siya at may dimple, mas matangkad din siya sakin.
"Pasensya na ah, ang kulit kasi ng iba diyan," naramdaman kopa ang mahinang pag siko sakin ni Sophia.
"'Di ayos lang, sige, mauna nako." maliit siyang ngumuti saka kami nilagpasan.
"In fairness, cute niya, huh. I wonder sana second year narin siya, pero kahit third year ayos na sakin." komento agad ni Yesha habang sinusundan ng tingin yung lalaki. Tumango sa pagsang-ayon si Sophia.
"Korek," ani Sophia.
"Hayy nako, tara na!" niyaya kona sila, dikami magkaklaseng tatlo dahil magkakaiba kami ng schedule pero parehas lang kami ng course. Nauna nakong humiwalay sa kanila at dumretso sa klase ko.
Paagpasok ko sa room medyo marami nayung mga estudyante, nilibot kopa ang tingin ko sa buong klase, sila parin mga kaklase ko last year. Maliban sa isa. Siya yung cute na nakabangga ko kanina ah. Transferee?
lumapit ako sa upuan niya. Nag angat naman siya ng tingin sakin nang makalapit ako sa upuan.
"Uy!" nagugulat niyang sabi sabay turo sakin.
Napaka friendly niya naman pala. "Transferee kaba? Ngayon lang kita nakita eh,"
"Oo, galing akong America, when my family decided to transfer here." marahan naman akong tumango.
Naglaan naman siya ng palad sa harap ko. "Franco Sancez pala, and you are?" nakataas ng kilay niyang nagtatanong. Maayos konamang tinggap 'yong palad niya.
"Aurora Ramirez, kahit Rory nalang," pagpapakilala ko.
Ngumiti siya kaya mas sumilay yung dimple niya. Ang charming ng dating niya pag ngumingiti. Binawi kona ang kamay ko sa kaniya dahil medyo awkward na.
"Bakit ang aga mo naman mag review? Ang sipag mo naman," puna ko sa hawak niyang libro.
Napakamot pa siya ng batok niya saka nahihiyang ngumiti.
"Ganon talaga pag mataas ang standards ng parents..."
"Oh.." parang naguilty naman ako na pinuna kopa yung libro niya.
"Ayos lang, alam ko namang kailangan ko rin 'to." hawak niya yung libro.
Matapos ang klase namin naramdaman ko ang magaan na pakikisama ni Franco sakin, nakakatuwa siyang kausap. May pagkamadaldal din siya saka makulit. Niyaya niya naman akong mag lunch kasama siya, may klase pa kasi sina Sophia at Yesha kaya di sila makaksabay.
Papasok nakami ng cafeteria nang may nabangga siyang lalaki. Saglit tinitigan ni Franco yung lalaking matangkad na nakapamulsa lang. Tinapik niya lang sa balikat yung lalaking nabangga niya.
Medyo malapit lang ang height nila pero kita paring mas matngkad si Franco, pero mas matangkad naman siya sakin, nakapamulsa siya sa bulsa ng hoodie niyang itim. Kalmado lang ang muka niya pero parang nakakatakot na ewan. Naiiling na umalis yung lalaking nabangga niya kasama yung isang lalaking kasama niya.
Bakit feeling ko may namuuong tensyon sa dalawa? Kalmado lang naman yug nabagga niya samantalang si Franco parang bothered na ewan.
"Kilala mo'yon?"
Saglit niya pa sinundan ng tingin yung lalaki. Ewan ko kung tama ba 'yong nakikita ko pero parang ang lalim ng laman ng isip niya.
"Hindi," niyaya naman ako agad ni Franco na pumasok kaya sumunod nalang din ako.
Di nalang din ako nagtanong pa, dahil baka nga wala lang naman talaga 'yon. Nang sumunod na klase di nakami magkaklase pa ni Franco.
Matapos ang lunch naghiwalay na kami ng daan ni Franco dahil may klase pa siya. Dumeretso muna ako sa library para kumuha ng libro sa isa kong assignment. Ang strikto kasi ng prof namin. Ayaw niya kaming pag hanapin sa internet kailangan namin maghanap ng source galing mismo sa isang libro. Dahil kung isesearch lang daw namin wala daw challenge. Halos mapairap ako nang buksan ko ang malaking pinto ng library. Pasalamat talaga siya dahil maganda ang library ng campus na'to.
Vintage at medyo may kalumaan na ng library dahil matagal na ang campus na'to. Pero kahit ganon, di ko maipagkakailang maganda at napakaganda parin niya. Masarap tumambay dito, palagi rin akong nandito lalo na kapag mag isa lang ako tapos wala sila Yesha at Sophia.
Nang makapasok nako ng tuluyan, dumeretso nako sa mga shelves kung nasaan nakalagay yung hinahanap kong libro. I silently scan each book until I reach the certain book that I need. Pero di yung libro ang pumukaw sa atensyon ko. Kundi, do'n sa lalaking nakatungo sa kabilang shelf. Nakanitim na hoodie siya at seryosong nakatungo, parang may binabasa. Siya yung lalaki kanina. Medyo nagulat pako nang mag angat siya ng tingin sa'kin. Napaka kalmado ng mga mata niya pero palagay ko ang daming sinasabi ng utak niya. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang umalis tapos nagtalukbong pa siya ng itim na hoodie.
"Problema no'n? Muka ko ba siyang aawayin?"
......
Ilang oras din akong tumambay sa library pero diko na nakita pa yung wirdong lalaki kanina. Di naman sa interesado ako sa kaniya pero parang ganon na nga. Slight lang. Curious lang. Bahala na nga! Nagligpit na'ko ng mga gamit ko dahil nagugutom nako at gusto ko ng kumain.
Bitbit ko bag ko palabas ng library kasama itong mabibigat na libro na hiniram ko pa sa library para lang matapos ko sa bahay mga activities ko. Pagdating ko sa locker area nakita ko ulit yung lalaking nakahoodie na itim na nakatitig sa tapat ng locker ko. Nakapamulsa pa siyang seryosong nakatitig do'n.
Ngayon ko lang siya nagawang pagmasdan. Lahat ng suot niya itim mula sa damit hanggang sa sapatos niya. Nakaladlad na ang hoodie niya at bagsak na bagsak ang itim niyang buhok. Di rin siya ganon katangkad, average lang ang height niya pero bawing bawi naman siya sa muka. Isang strap lang ng backpack niya ang nakasabit sa kaliwang balikat niya. Pero bago paman ako makalapit sa kaniua tumunog yung cellphone niya at agad din naman niyang sinagot yun at umalis. Tsk! Sayang.
Ano naman kaya tinitigan niya sa locker ko? Taka akong lumapit sa harap ng locker ko.
"Mukang alam ko na tinitigan niya," tinaggal ko sa pagkakadikit ng yellow sticky note sa pinto ng locker ko.
"Psh! Napaka tsismoso naman niya para titigan pa yung note na'to?"
Sinipat sipat kopa yung sticky note.
'Hi :)'
"Kanino naman 'to galing?"
BINABASA MO ANG
Silent CEO
RomanceAurora 'Rory' Ramirez is a very cheerful college student who is in search of her 'note sender'. She was so curious who keeps sending her notes way back then. Now that she is in her last year in college she decided to enter at Ford Company as an inte...