04

48 13 0
                                    

Aurora Rodriguez


Natapos ang meeting at isa isa nagsialisan ang mga tao sa loob. Lahat sila nag iwan ng masasamang saloobin sa pinakitang kilos ni Sir Ford. Diko rin maiwasang mag isip kung anong nagyayari sa kaniya. Ewan ko ba lahat sila di manlang niya tinapunan ng tingin. Buong meeting nakayuko lang siya habang nakikinig. Parang dina nga siya nakikinig dahil kita ko mula sa puwesto ko ang mata niyang nakatitig lang sa lamesa. Ang lalim ng iniisip. Halos si Sir Ruel lang ang sumalo sa kaniya kahit na nandon siya.

Gustong gusto ko siyang sundan paakyat pero may trabaho pa akong dapat tapusin. Gulong gulo akong nakarating sa desk ko para simulan ang trabaho.

"Nako girl! May chika ako sayo!" natigil ako sa pag iisip sa desk ko nang biglang hilain ni Madam J yung swivel chair ko paharap sa kaniya.

"Ano naman yun?" walang gana kong tingin sa kaniya. Pero mukang alam kona kung ano yun.

"Oh bakit ganiyan ka?" umiling lang ako saka sinabihang magpatuloy siya sa ikukuwento.

"Anyways, kalat na kalat sa buong company yung pag papakita Sir Ford, loka!" kwento niya na parang dina siya makahinga nag paypay pa siya ng sarili gamit ang kamay.

"Alam ko, andon ako kanina eh." di nakatakas sakin yung panlalaki ng mata niya, mas nilapit niya pa ang sarili sakin kaya umatras ako kaonti.

"Anong ginagawa mo don? Kaya pala nawawala ka kanina pa!" umayos na siya ng upo, nag bugtong hininga naman ko saka nagpatuloy.

"Mahabang kwento.." mabigat kong sabi.

"Edi ikwento mo! Intern kapa lang dito pero kung ano ano nagawa mo." medyo na hurt ako sa sinabi ni Madam J feeling ko tuloy kasalanan ko lahat. Mukang napansin naman niya na parang ayaw kong pag usapan. Tumikhim nalang siya bago ulit magsalita.

"I don't mean anything my dear Rory, ang totoo niyan nagulat lang talaga ako sa mga nangyayari tapos andon kapa sa board meeting. Yung totoo ano ba talaga ginagawa mo? Paano ka napunta 'don?"

"May gusto lang akong malaman..."

"May kinalaman ba si Sir Ford diyan?" curious niyang tanong. Nag simangot ako sa nagkibit balikat.

"Ang dami mo namang tinatago girl! Anyways kung sino mang Pontyo Pilato yang hinahanap mo sana mahanap mo siya!"

Napangiti naman ako na umaasa sa wish niya para sakin. Medyo gumaan na ang mood ko nang mag simula siyang mag kuwento. Halos himatayin daw siya nang masalubong niya si Sir Ford sa hallway pabalik ng opisina.

"Grabe, Te! Ang guwapo ni Papa Casper tapos yung mata niya wag ka napaka misteryoso!" naiiling akong natatawa sa sobrang kilig ni Madam J.

"Papa Casper talaga?" natatawa kong sabi.

"Ah basta! Papa Casper."

"Pano si Sir Ruel?" nakangisi kong tanong.

"Ayy, ito naman! Nabanggit pa si Sir Ruel, feeling ko tuloy nag cheat ako sa kaniya for a moment huhuhu!"

Ang dami dinarama ni Madam J habang nagtatrabaho, minsan ko pa ng siyang sinaway dahil bukang bibig niya si Sir Ford at baka marinig siya.

Ang totoo niyan, medyo nag aalala ako kay Sir Ford. Mula sa mga kinikilos niya kanina sa board meeting. Para bang hindi siya komportble sa lahat. Pinilit ko pa siyang papasukin sa loob kahit na hindi pa siya ready. Bigla tuloy akong nakonsensya, pano kung hindi pa talaga siya ready na harapin sila? Paano kung sobra talaga siyang kinakabahan?

Di pa siya nakaka aattend ng meetings kahit kailan dahil may umaattend para sa kaniya. Pilit kong hinahanap yung rason kung bakit pero di yun ang dapat kong isipin sa ngayon. Kung ano man ang rason kung bakit ganon ang set up nila, dapat di ko siya pinangunahan kanina.

Silent CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon