06

52 12 5
                                    

Aurora Rodriguez


Di rin nagtagal ay nakarating kami sa Ford Company. Dahil ilang kanto lang naman yun mula sa pinanggalingan namin. Iba ang daang pinasukan namin papuntang parking lot. Ngayon kolang 'to nakita.

Di naman ako nag p-park sa parking lot dahil wala naman akong kotse, nalaman kolang dahil minsan nakong inutusan ng Supervisor ko na kunin ang mga dokumentong naiwan sa kotse niya. Sobrang dilim at halos walang naka park dito. O mas tamang sabihin na kotse niya lang ang nandito. Tatlong kotse lang ang mga naka park dito at lahat iyon ay kulay itim. Pero magkakaiba ng klase. Di naman ako mahilig sa sasakyan kaya wala rin akong alam kung anong klaseng sasakyan ang mga yon. Eh ang alam ko nga lang ata Toyota at Honda. Isama mo narin Yamaha.

Yakap yakap ko ang basket sa tyan ko nang makalabas ako sa kotse niya inilibot ko ang paningin ko sa loob ng madilim na parking lot. May maliliit na ilaw lang sa taas sapat na para makita dinadaanan. Sinulyapan ko pa si Casper na kakalabas lang ng kotse habang hawak hawak ang batok nitong nakayuko habang ang isa ay nasa chupa chups niya. Di talaga niya maiwanan ang lollipop niya. Nakasuot narin siya ng sobrero ngayon.

"Sayo lang ba 'tong parking lot na'to?"

Marahan lang siyang tumango at nilagay ang isang kamay sa bulsa. Nagsimula na kaming maglakad palapit sa elevator.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa elevator nang maisipan kong basagin ang katahimikan.

"Ngayon ko lang nakita 'tong daan na'to, sadya bang tago talaga ang elevator na'to?"

"Hmm... Pinagawa ko simula nang ako ang naghawak ng kumpanya."

"Bakit? Sayang naman ang laki laki tapos ikaw lang nanginginabang?"

"My secretary also use this, my family too. Few people in this comoany knows about this passage since this is very exclusive for me and my family."

"Eh ano ngang purpose ng pagpapagawa mo nito?"

He bit his lower lip and sigh before meeting my curious stare.

"I don't want to be seen by my employees or anyone."

"Bakit?"

Di pa siya nakakasagot nang biglang tumunog ang elevator. Nagulat ako nang nasa floor napala kami ng Penthouse.

Okay narin naman pala 'tong elevator na'to atleast walang makakita sakin ditong ibang employees. Though, konti lang ang may pasok ngayon dahil linggo.

Naunang maglakad palabas si Casper na sinundan ko naman din. Derederetso kaming pumasok sa Penthouse niya at dumeretso sa kusina.

Nilapag konaman ang basket ko sa white marble counter ng kusina niya. Napakalinis talaga ng kusina niya feeling ko lahat sila kumikinang sa mga mata ko.

Isa isa kong pinag lalapag ang mga beer at tsitsirya sa counter. Si Casper naman ay pinapanood ko siya sa ginagawa niya habang nakahalumbaba sa counter. Tinanggal niya ang black cap niya at pinatong iyon sa counter. Tumalikod siya para humarap sa lababo katapat ng counter. 'Di manlang ako tinapunan ng tingin, psh. He gently wash his hands hanggang sa braso niya.

"Napaka OC naman," Pinunasan naniya ng malinis na tuwalya ang braso saka humarap sakin ng walang ka emo-emosyon. Nakanguso akong binuksan ang isang canned beer. Tinitigan lang niya iyon, pero bago ko pa dumikit sa labi ko ang beer ay inagaw niya na sakin.

"Bakit mo kinuha--"

"Kumain kana ba?" Kunot noo niyang sabi. Para naman akong ewan na umiling sa kaniya. Napailing nalang siya sagot ko na para bang dismayado.

Silent CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon