05

42 11 0
                                    

Aurora Rodriguez


Ang lakas ng kalabog ko sa pintuan kasabay ng pagpipindot ng doorbell ng apartment nila Sophia at Yesha.

"Ano ba?! Sino ba--- Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong bigla ni Sophia matapos akong inis na pagbuksan ng pinto. Nakasimangot akong dumeretso sa loob ng apartment nila ni Yesha.

"Taray ah! Feeling housemate ka girl?" naramdaman kong nakasunod siya sakin.

"Di mo ba alam na inampon niyo ko? Dika updated girl?" Pangsasarkastika ko pa. Ayaw pa kasi ako ni Mama payagang humiwalay, saka na raw kapag graduate na ako. That way mas mababatayan daw niya ako. Strict parents here. Present!

Naupo ako sa may upuan sa tapat ng counter table nila. Kaya nga gusto kong lumipat dito. Originally, kay Yesha 'tong apartment. Regalo ng parents niya nung mag college siya. Agad naman niya kaming niyayang lumipat dahil malapit lang sa North University. Kaya ayun si Sophia ang kapal ng muka nag alsa balutan na sa kanila saka lumipat dito. Diko rin naman siya masisisi, di healthy sa kaniya na mag stay sa bahay nila.

Gusto ko rin sana dahil nandito silang mga kaibigan ko, bukod pa don napakaganda ng interior ng bahay. Warm and cozy ang dating. Kaya ang ginagawa ko nalang minsan nag sleep over ako rito o di kaya'y susugod ako dito ng walang pasabi tulad ngayon.

"Oh bakit ganiyan muka mo? Saka pwede bang dahan dahan lang sa pagdodorbell? Di ka nakatira dito pero ikaw nakakasira ng doorbell namin." aniya

"Bakit? Taon taon naman ako nagbibigay ng doorbell ah?" Nakahalumbaba akong sumagot.

"Oo nga eh, tuwing pasko yun ang regalo mo samin ni Yesha, loka kang babae ka. Kaya di nako magtataka kung yun din marecieve ko sa birthday ko, hmp!" Tumalikod siya sakin at kumuha ng baso at ng maiinom sa ref. Nilapag naman niya ang babasaging baso sa counter at saka nito nilagyan ng juice.

"Ayoko ng juice, gusto ko malamig na tubig." Agad naman akong tinaasan ng kilay ni Sophia.

"Kapal mo naman po. Akin 'to!" I gave her my deadliest glare.

"Ganiyan kaba sa mga bisita mo? Ang sama ng ugali mo." Ininom naman niya yung juice niya.

"You mean bwisita? Whatever, Rory." natatawa naman niyang binaba ang baso at kumuha ng panibago at saka kumuha ng pitsel ng tubig sa ref. Hinayaan ko siyang ilapag iyon sa harap ko.

"O, ayan lagukin mo mabilaukan ka sana iiyak kana eh!"

"Bully ka ah!"

Ininom ko naman iyon saka ko naranig ang maarteng bises ni Yesha sa likod ko.

"My gosh! Please, Let me sleep! Ang iingay niyo." she hissed and seated next to me.

"Hi Rory, Aga nating mangapit bahay huh!" Inagaw niya yung baso ng tubig ko at tinungga iyon.

She looked so stressed. I look into Sophia to ask what's with her, giving her a meaningful look. Napangisi naman si Sophia.

"Karma is bitch nga naman. She's now serving her hot ex fiance." ang panlalaki ng mata ko ay agad din napalitan ng ngisi.

"Goodluck." Tanging nasabi ko. Yesha only give us her irritating look.

"Rory, what happened to Mr. Ford?" pag iiba ng usapan ni Yesha. Bakit naman siya naging curious don?

"Ewan ko sa kaniya, di naman kami close nun." pag mamaktol ko.

Hanggang ngayon talagang naiinis parin ako sa Casper nayon. Nag decide akong tawagin siyang Casper dahil napapagod nakong mag Mister. Alam kong mas matanda siya sakin, alangan namang tawagin ko siyang kuya.

Silent CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon