INTRODUCTION

38 2 1
                                    

HEY, MADISON 3

WHEN unexpected things happened into your life. - Patch Davis

Si Madison, parang kapatid ko na , kaibigan for life, kasama ko sa hirap at ginhawa. Tanging babaeng tinanggap kung ano ako, nagagalit kapag hindi na tama ang ginagawa ko, hindi ko lubos akalain na magkakaroon ako ng mararamdaman na higit pa sa pagkakaibigan. Hindi ko inexpect to kasi kusa nalang tumibok ang puso ko sa bestfriend ko, alam kong mahirap mainlove sa kanya kasi alam ko yung puso niya, para kay edred yun at walang pwedeng pumalit nun.

Napatingin ako sa lapida kung nasaan ang pangalan ni EDRED WILSON, gusto kong humingi ng tawad dahil parang tinatraydor ko ang kaibigan kong to, siya ang lalaking pinakamamahal ng taong gusto ko ngayon, nawala siya 3 years ago dahil sa aksidente, sa araw na dapat ikakasal sila ni madison, isa yun sa napakasakit na pangyayari sa mga buhay namin dahil nawalan kami ng kaibigan mas lalong masakit yun sa parte ni madison kasi si edred yun, fiancee niya ang taong naging buhay niya sa mahabang panahon.

"dred, pare? sorry, alam kong seloso ka pagdating kay mad, pero sana maintindihan mo kung bakit humihingi ako ng sorry, ang totoo niyan, nagkagusto ako kay mad, shit lang nu? sa lahat ng babae sa mundo, yung fiancee mo pa, ewan? nakakadissapoint , nadidissapoint ako sa sarili ko eh, sana mapatawad mo ako" at naramadaman ko ang malamig na hangin, napasindi ako ng yosi dahil sa kabang nararamdaman ko, takte! minumulto ata ako!

"dred naman! wag ka namang magparamdam! ganito nalang! kapag uulan ngayon sign yan na pumapayag ka na alagaan ko si mad at pinapatawad mo ako, kapag hindi naman, meaning lang nun, ayaw mo kasi hindi kapa handa na bitawan siya, okay ba?" at napa yosi ako habang nakatingala sa kalangitan, sana umulan.

Gusto niyo bang malaman kung bakit humantong ako sa ganito? sus, hindi niyo lang alam na naging crush ko din si madison noong nasa high school pa kami, pero simpleng crush lang yun kasi nga tropa. Nawala naman ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya nang mainlove siya kay edred kung saan todo suporta naman ako hanggang sa ..

5 months before..

Bumalik sina madison at eilish galing rome matapos ang dalawang taon na pamamalagi doon para makalimot kay edred,  actually, kami lang dalawa ang laging nag ha-hang out kasi pamilyado na sila vin at daya,si zon naman minsan lang umuuwi kasi naka base sa rome yung work niya so no choice si mad kundi ako ang nagiging kasama niya palagi. Noong una, wala akong napapansin na kahit na anong signs na gusto ko siya kasi gabi gabi kaming nag ba-bar, gusto niya kasing magsaya at makipag usap sa ibat ibang lalaki (usap lang, walang halong ano) kasi nakabantay ako para kahit papano hindi siya magsasawa sa mukha ko. Bumalik siya sa pagiging lasinggera , sabi pa nga ng kambal niya way niya daw yun na mapasaya ang sarili kaya binilin siya sa akin ng mga kaibigan naming busy sa mga buhay nila na huwag pabayaan kapag lumalabas kami. Kapag nalalasing siya, agad akong rumerescue para e assist siya sa pagsusuka tapos makikinig sa mga sasabihin niya tungkol sa kanila ni edred, pinagda drive ko siya pauwi kasi hindi ako pumapayag na iba yung maghahatid sa kanya, pagkadating ko sa bahay nila ng anak anakan niyang si eilish pagbubuksan lang kami ng katulong at ilalagay ko lang siya sa sofa tapos pipigilan niya akong umalis kasi akala niya ako si edred, ngumingiti siya na parang tanga at sasabihing wag akong umalis kahit anong mangyari, kaya hinihintay kong makatulog siya bago ako umalis. Tapos, kinabukasan tatawag siya kung anong nangyari at sasabihin ko naman ang buong detalye tapos tatawa lang siya at sasabihing "mamaya ulit!" ako naman, pumapayag lang kasi boss ko yan eh.

Ganun lagi ang nangyayari sa amin, hanggang sa isang gabi.

"patch! doon lang ako! maraming mga chiks diyan!" sabi niya ng makapasok kami sa paborito naming bar, tumango ako at umupo sa paborito kong pwesto dati pag nandito ako agad akong umiinom ng marami pero dahil nakabantay ako kay mad, light beers lang sapat na.

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon