chapter 13

12 0 0
                                    

HEY, MADISON 3

"you will always have me"

Madison's POV

ngayon ang huling araw ni patch sa hospital kaya masayang masaya kami para sa kanya, malaki naman ang pasasalamat ni tita dahil hindi namin pinabayaan ang ugok, nagpapalitan kasi kami nila daya at zon sa schedule ng pagbabantay kaya medyo hindi kami na stress masyado.

"yes naman! makakagimik narin. sa wakas!" rinig ko sa kanya kaya tiningnan ko siya ng masama.

"hoy, kalalabas mo lang at tingnan mo yang cast sa kamay mo hindi pa nga yan natatanggal" nasabi ko habang nagmamaneho para e uwi siya sa condo niya, tuwang tuwa siya sa mga nagdaang araw hindi ko alam kung bakit, siguro dahil maganda yung nurse na nag che check sa kalagayan niya. psh

dahil naka cast pa yung braso niya ako yung nagdala sa mga gamit niya loko ang bibigat pero hindi ko pinahalata sa kanya baka isipin niya weak ako, pinagbuksan niya nalang ako ng pinto buti naman.

"okay? ilagay mo lang yan diyan, at pwede kanang umuwi"

"talaga? hindi mo na kailangan ng tulong? paglulutu.an kita kung gusto mo?"

"ano kaba mad, wala kabang tiwala sa akin? kaya ko na to tsaka sobra sobra na yung ginawa niyo para sa akin"

napa crossed arm nalang ako.

"basta huwag mong kalimutang kumain at yung mga gamot mo, inumin mo sa tamang oras"

"sure! kailangan mo rin magpahinga mad, pumapayat kana oh"

"are you saying the opposite?! tsk!"

"ha?!"

"wala!" at inirapan ko siya dahilan para tumawa siya, bubuksan ko na sana yung pinto ng may kumatok .

"sinong pupunta ngayon?" at inunahan niya akong buksan yun, nagulat kaming pareho kay george.

"ang daya mo! bakit hindi mo sinabing may nangyari sayo?!" at niyakap siya nito, napatingin naman si patch sa akin at tumango ako.

"aalis na ako, patch! yung bilin ko" at ngumiti siya, i don't like seeing that girl's face naaalala ko yung naging sagutan namin. Umalis ako doon at umuwing mag isa, pagdating ko sa bahay nagtaka ako kung bakit walang tao, hindi naman sinabi ni zon na aalis siya ah?

phone ringing..

"hi maddy" nagulat ako sa pagtatawag niya nun sa akin ng maddy, bakit ka boses niya si edred?

"sino to?!"

"hindi mo naba ako natatandaan?"

"malamang kasi hindi ka nagpapakilala ngayon?!"

at tumawa siya na parang si edred, kinabahan ako. Hindi kaya?

"hmm may point ka rin, gusto mo ba akong makilala?"

"paano mo nakuha ang number ko?! stalker kaba?"

"ako? psh, marami akong source maddy! tsaka matagal tagal nadin noong huli tayong nagkita"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon