chapter 10

16 0 0
                                    

HEY, MADISON 3

"something is wrong"

Madison's POV

kumusta na kaya sila? alam kong nag text na si patch pero si astro hanggang ngayon, wala pa akong natatanggap? nag-aalala ako sa lalaking yun may bad temper pala tss.

"good morning iha! diyan kana pala natulog sa sala?" sabi ni tito nang makababa, malamang siya yung gumamit ng kwarto ko eh. Sumasakit pa yung ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa pag iisip sa nangyari kagabi, biglaan lahat eh! dahil lang dun sa kagaguhan ni patch, bakit naman kasi si george pa! sht

"tito, kape nga po kung okay lang sa inyo" at ngumiti siya tsaka pumunta ng kusina, hinay hinay akong napabangon.

astro: hey, baby sorry ngayon lang nakapag text, lasing ako kagabi eh tapos lowbat pa, hmm okay kalang ba? sorry talaga.

reply: ok

astro: galit nga to, pls. mag usap tayo ngayon.

reply: hindi ako nakatulog dahil sa pag-alala sayo, inuna mo pa yang pag inom kesa pumunta dito?!

astro: sorry, di bale otw na diyan

nagulat ako at agad napatakbo ng kwarto para makapag ayos, amoy laway pa eh, nagpabango ako at nang makalabas ako ulet, sabay kaming nagtinginan ni zon na kagigising lang.

"hmmmm? bakit ang bango!" at inamoy ako "sana all, mabango kahit bagong gising!"

natawa ako at bumaba, napatingin ako kay tito na dala ang kape ko.

"tito!"

"oh?"

napa inom ako ng kape.

"mag ayos ka, papunta ngayon dito ang bf ko"

at mabilis siyang umalis para mag ayos, napatingin ako kay zon na magulo pa yung buhok.

"kasama din ba ako?"

"ahhh kung okay lang, mag suklay ka nalang"

"fine, dito lang ako sa kusina magluluto" at tumango ako, tumambay ako sa may gate tsaka nag stretching kunwari maya maya, nadinig ko na ang pagbusina ng kotse ni astro kaya excited akong buksan yung gate.

"baby!" astro at agad bumaba tsaka niyakap ako, napangiti naman ako.

"sorry hindi pa ako naligo"

"idc, sorry kagabi"

"okay na, kayo ni patch? naging okay narin ba kayo?"

"oo, napag usapan namin ng mabuti kagabi tsaka inamin niyang may relasyon nga sila ng kapatid ko"

nagulat ako, totoo nga talaga?!

"really?"

"yeah, medyo hindi ko tanggap pero dahil kaibigan ko si patch at halata naman kay george na gustong gusto niya ang kaibigan mo at masaya siya kay patch, wala akong magagawa" rinig ko sa kanya, pero bakit hindi ako natutuwa?

"mabuti kung ganun, na okay na kayo, tara na sa loob" nasabi ko at pumasok kami, bakit ganun? parang may mali.

pinakilala ko astro kay tito at mukhang nagustuhan niya naman ito, nag uusap sila ngayon ng hila.in ako ni zon.

"alam mo bang may nakita ako! bakit sinuntok ni astro si patch?"

"teka? nakita mo?"

"anong problema ng bf mo kay patch! hindi ko nagustuhan yun ha? nasa side ako ni patch"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon