chapter 6

23 0 0
                                    

HEY, MADISON 3

"girl-friend"

Patch's POV

tinatamad akong naghihintay sa mom ko ngayon dito sa airport, masakit yung ulo ko kahit hindi naman ako uminom kagabi except nung inulan ako eh dapat puso lang yung sumasakit hindi ulo. Maya maya may biglang yumakap sa akin.

"anak!"

"mama!" bati ko nang makita ko ang nakangiting ina ko.

"teka! bakit ang init mo anak? nilalagnat kaba?"

"ha? wala po to, akin na mga bagahe mo" nasabi ko, hindi naman ako mainit tss kinarga ko yung mga gamit niya at pumunta kami ng kotse. Unti unti naman akong nakaramdam ng pagkakahilo pero hindi ko pinahahalata kay mama, hindi ako weak no! hanggang sa pinagmaneho ko siya pauwi ng condo, pagkapasok namin saktong nanghina na ako at agad na napahiga sa sofa.

"anak ang taas talaga ng lagnat mo!" rinig ko kay mama, hinayaan ko nalang siya at hindi na ako nakinig sa mga pinagsasabi niya, gusto kong matulog.

pagkagising ko.

"hmmm" nagising ako sa ingay ng naghihilik, langhiya! kailan pa humihilik si mom pag natutulog? nang mapatingin ako sa gilid ko, luh? ba't nandito to?! pinisil ko ang pisngi niya para makasigurong hindi ako nanaginip, gagu! totoo, ang bilis makadilat ng mata eh.

"patch!" at agad niyang pinahidan ang laway niya.

"bakit ka nandito?!" at napaayos ako ng upo, nandito pa pala ako sa sala, naramdaman ko yung pagkakahilo ko, hindi pa nawawala. Bigla niyang hinawakan ang noo ko.

"hindi parin bumababa ang lagnat mo, bakit ganun? pina inom na kita ng gamot"

"ikaw?! nagpa inom ng gamot sa akin?"

"hindi mo maalala? sabi ni tita, hinahanap mo raw ako habang pawis na pawis at ginaw na ginaw ka kaya tinawagan ako ni tita, diba sabi mo hindi ka nagkakasakit? ano to ngayon?" at tinawanan niya ako, nakakahiya to. "at hinahanap mo pa ako, ikaw talaga! pinapahalata mong gusto mo nga ako"

napatingin nalang ako sa kanya, bakit ganito siya ka assuming? tss  wala na! olats na ako! sila na ni astro.

"eh ano naman ngayon kung gusto kita?" nasabi ko at tinalikuran siya.

"anong sabi mo?!" at pinipilit niya akong humarap sa kanya, napangiti nalang ako dahil hinihila niya ako. "paaaatch!!"

"wala yun! may sinabi ba ako?!"

"bakit ba kasi?! okay lang naman sa akin na aminin mo yung totoo, ang hindi okay sa akin eh yung magkakaganito tayo, yung mawawala ka bilang kaibigan ko, please naman maging honest ka sana, ayaw kong nahihirapan ka"

"oo na!" at hinarap ko siya "gusto na kita! pero pinilit ko naman na kontrolin eh, pinilit kong iwasan kasi, kaibigan kita at alam kong hinding hindi magiging higit pa sa pagkakaibigan ang mararamdaman mo"

at hinintay ko yung magiging reaction niya, ngumiti lang siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"okay lang yan, sana walang ilangan sa ating dalawa, okay? bestfriend?"

HEY, MADISON 3 (requested)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon